Hindi aalis xMaligaya©July2023 “PAANO'NG gagawin ko?” natutuliro kong tanong sa aking sarili nang makabababa ako sa sasakyan ni Jeffrei. Naguguluhan ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. Bakit nagawa ni Monique ang bagay na iyon? May mabigat ba siyang dahilan para paasahin si Miah at ang mga Sandoval? Sa pag-iisip ng mga katanungan na hindi ko naman alam ang sagot ay hindi ako mapakali kaya mabilis na lamang akong umalis sa parking lot, bitbit ang brown envelope. “Maniniwala kaya sila sa akin kapag sinabi ko?” tanong ko muli sa aking sarili habang naglalakad ako papunta sa basketball gym upang ibigay kay Jeffrei ang pinapakuha niya sa akin. Habang papalapit ako sa gym ay palakas nang palakas ang pagtibok ng aking puso. Para ding hinahalukay ang aking tiyan dahil sa kaba na akin

