I like you xMaligaya©July2023 PAGKATAPOS nang tagpong iyon ay lalo ko pang iniwasan si Bryan pero kahit ano pa yatang pagtatago ang aking gawin ay palagi niya pa rin akong nahahanap. Para tuloy akong naging tali sa tug of war sa tuwing nagkakaharap-harap kaming tatlo ni Miah na hanggang ngayon ay namomroblema dahil hindi pa rin sumusuko ang pamilya ni Monique. Gusto pa rin ng mga ito na matuloy ang kasal. “Enjoy your christmas vacation, class,” our proctor announced after we finished all the exams. Lahat naman ay napahiyaw sa tuwa, parang nakalimutan na lamang nilang bigla 'yong issue kong kumalat noong nakaraang linggo. Hindi ako nakatanggap ng paumanhin mula sa kanila, ngunit ramdam kong na-gi-guilty silang lahat simula noong ikalat ni Jeffrei ang totoo na may naninira lang sa akin.

