Third Person's Point of View
Dahan-dahan niyang sinarado ang gate ng bahay nila. Medyo madilim ang paligid pero aninag pa rin nila ang daan dahil sa lamp post na nakahilera sa daan. Nakasuot siya nang jacket dahil malamig ang simoy ng hangin. Magkasabay silang naglakad ni Noah.
“May lugar akong alam na tiyak na magugustuhan mo.” Masigla niyang saad dito at hindi niya namalayang nahigit niya ang kamay ni Noah. Mabilis niya iyong binitawan. Nag-init ang pisngi niya nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. “Medyo malayo nga lang iyon dito pero kung bibilisan natin ang paglalakad ay makakarating agad tayo roon.”
“Madalas ka bang pumunta sa lugar na `yon?” Tanong ni Noah.
“Minsan lang ako pumunta roon.” Sagot niya.
Binilisan nila ang paglalakad ni Noah. Maya-maya pa ay natunton na nila ang Subdivision’s lake. Dating gubat ang pinagtatayuan ng subdivision na iyon. Binili nang may-ari ng subdivision ang gubat sa namamahala nito noon. Pinaganda nito ang subdivision, nagtayo ng parke at nagpagawa ng isang artipisyal na lawa na siyang nakapalibot sa kabuuan ng subdivision.
Bakas ang paghanga sa mukha ni Noah. Ang liwanag ng buwan ay nagrereplika sa tubig ng lawa. Bermuda ang nakapalibot dito at alaga ang kalinisan sa lawa. Pinalilibutan din ng lamp post ang lawa kaya maliwanag sa gawing iyon. May maikling tulay din sa gitna ng lawa kung sakaling gustong pagmasdan ng mga tao ang mga isda.
Sa tulay sila umupo ni Noah. Nakalawit ang kanilang mga paa roon pero hindi sumasayad sa tubig. Pareho silang nakatingala sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga tala.
“Ang ganda sa lugar na ito.” Namamanghang sambit ni Noah. “The people here have discipline as they don’t make this lake in a full mess.”
“Minsan ka na bang nakaramdam ng lungkot sa tuwing pinagmamasdan mo ang mga bituin at buwan?” Tanong niya rito. Kung minsan kasi ay nakakaramdam siya ng lungkot sa tuwing pinagmamasdan niya ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit niya iyon nararamdaman.
“Hindi naman. Ang ganda nga nilang pagmasdan.” Binaling ni Noah ang paningin nito sa kaniya. “Nalulungkot ka sa tuwing pinagmamasdan mo sila?”
Napalabi siya sa tanong nito. “Minsan at hindi ko alam kung bakit. Minsan naman ay hindi ako nakakaramdam ng lungkot sa tuwing may kasama akong pagmasdan sila.”
Noah chuckled. “Ngayon lang ako nakakita ng taong nalulungkot sa tuwing pinagmamasdan ang mga bituin.”
She pulled her knees and hugged it. “It sounds weird but I can’t explain that feeling.”
Noah looked at her making her heart melt again. “If you want to stare at the stars, call me and I will stare at the stars with you.”
Nanatili siyang nakatitig kay Noah. Masinsin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Sa bilis ng pag-ihip ng hangin ay hindi pa rin natitinag ang pagtatagpo ng kanilang mga mata. Malamig man ang simoy niyon ay hindi niya magawang iwasan ang kulay gabi nitong mga mata. Tila nangingislap iyon katulad na lamang nang pagkislap ng mga bituin sa kalangitan.
WALA sa wisyo ang kanyang isipan. Hindi niya na alam kung nasaang parte na ng misa ang pari. Kahit ilang oras lamang ang kanyang tulog ay sinikap pa rin niyang magsimba kasama ang pamilya pati sina Tita Haidee at Noah. Malalim na ng gabi sila nakauwi ni Noah. Sa Lipa City Cathedral San Sebastian Church sila palaging nagsisimba ng kaniyang pamilya. Nakagawian na nila iyon tuwing sasapit ang araw ng Linggo.
Sa kabaitang pinamalas ngayon ng tadhana ay nagkataong magkatabi sila ni Noah. Sa dulong upuan ang lalaki at siya ang katabi nito habang nasa kanang bahagi niya ang kaniyang pamilya at ang ina nito. Nahuli kasi ito ng dating at tanging sa tabi niya na lamang may bakanteng upuan.
Magkadikit ang kanilang mga braso. Buti na lamang at napipigilan pa niya ang sarili na h`wag idantay ang kanyang ulo sa matikas nitong balikat. Kanina pa niyang nais gawin iyon pero syempre may hiya pa rin naman siya.
Wala naman sigurong masamang magkagusto, hindi ba? Alam niyang kapag naging pari na ito ay malabo niya na itong makasama o baka madalang na lang niya itong makita. Paniguradong nakalaan ang oras nito sa pagbabahagi ng salita ng Diyos sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi naman siya ganoon ka-martyr para sundan niya ito saanman ito mag-tungo. It was just a simple crush that every teenager could feel for every man that they seem attractive. Yes, for her, it is just a simple crush. Kahit na pakiramdam niya ay iba ang epekto ni Noah sa kanya sa tuwing kasama niya ito.
Hindi na magkandamayaw ang puso niya sa pagkabog ng mabilis. Ngayon niya lamang naramdaman ang kakaibang kabang iyon na hindi niya maipaliwanag kung ano. Siguro nga ay si Noah ang pinaka-ultimate crush niya sa lahat ng lalaking naging crush niya. Kaya ganoon na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing malapit ito.
She secretly frowned. She remembered that after that mass, they will go to Cuenca, Batangas while she’ll be going to their Café in Lipa. Hindi man lang siya tinanong ng ina kung gusto niya bang sumama.
She sighed. She wants to go with them but she doesn’t know how to tell it to her mom. Paniguradong magtataka iyon gayong hindi naman siya mahilig sa lomi at isa pa, noon ay gusto na niyang pamahalaan ang Café nila pero ngayon ay gusto niya ng tanggihan.
‘Is it because I want to spend my whole time with Noah?’ The answer is yes. Hindi naman siya magkakaganoon kung hindi niya nakilala ang lalaki. Nagtatatalon na sana siya sa tuwa ngayon kung hindi niya lamang iniisip na hindi niya ito makakasama.
“Magbigay ng kapayapaan sa bawat isa.” Pahayag ng pari.
Nabalik lamang siya sa ulirat nang magsitayo ang mga tao at sambitin ang mga salitang ‘peace be with you’. Nakitayo na rin siya at nakipagbeso-beso sa kaniyang pamilya at kay Tita Haidee. Ganoon din ang ginawa ni Noah. Nagawa niya ng batiin ang lahat at makipagbeso-beso sa mga ito maliban na lamang sa lalaki na kaniyang katabi. Dapat ba siyang makipagbeso-beso rin dito? Sa tagal-tagal niya ng nagsisimba, ngayon lang siya kinabahan ng ganoon. Matatapos na ang ilang minutong binigay ng pari at paniguradong magtutungo na ito sa susunod na parte ng misa. Kung hindi pa siya kikilos ay hindi niya mababati si Noah pero anong gagawin niya? Lumingon siya rito at ngayon ay nasilayan na naman niya ang maamo nitong mukha.
“Peace be with you.” He uttered.
A dazzling smile of Noah makes her heart beat as fast as she didn’t expect. She felt numb yet trembling. Maribelle wants to stare that handsome face in every single second of her life. Walang dahilan para pagsawaan niya ang mukhang iyon. Parang tumigil na naman ang kanyang mundo at tanging sa lalaki lamang umiikot ito.
“Please be with me...” Without thinking, she sincerely said it with a genuine smile. Bahagya pa siyang napaatras dahil sa pagkabigla nang matanto kung ano ang kaniyang sinabi.
Nanatiling nakatitig si Noah sa kaniya habang puno ng kuryosidad ang mga mata. Lagot na! Mukhang sineryoso nito ang sinabi niya. Nakakahiya!
“Hey, what are you two doing? Take your seats. Kayo na lang ang nakatayo, oh.” Mahinang saway ng kanyang ina sa kanilang dalawa ni Noah. Napapitlag pa siya ng bahagya nitong higitin ang laylayan ng kanyang dress para paupuin siya.
Linibot niya ang paningin at mas lalong nag-init ang kaniyang pisngi dahil sila na nga lamang ang nakatayo at mukhang hindi rin iyon alam ng lalaki. Dali-dali siyang umupo sa kaniyang upuan at yinuko ang mukha sa likuran ng ina. Ramdam niyang tumabi na sa kaniya ang lalaki na lalong nagpadagdag ng kaba sa kanyang dibdib.
Please be with me…
How could she utter those words to him? Nagmukha tuloy siyang desperada. Sana lang talaga ay hindi iyon seryosohin ni Noah o `di kaya ay hindi nito narinig ang sinabi niya.