Third Person's Point of View
LUMABAS siya sa simbahan na hanggang ngayon ay lutang parin ang isip. Nakasunod lamang siya sa mga ito. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya iyon sa lalaki. Sumakay na ang mga ito sa van dahil naghihintay na ang driver nila. She doesn’t aware that everyone was looking at her. Napapitlag siya at nagmamadaling sumakay pero bago pa siya makatungtong sa sasakyan ay nagsalita na ang kanyang ina.
“Just commute, Maribelle. Medyo malayo ang Café kung ihahatid ka pa.” Nakasilip ito sa bintana. Hindi mababakas ang pagbibiro sa boses ng ina.
“Hindi ba pwedeng ihatid niyo muna ako bago kayo umalis?” Puno ng hinanakit ang boses niya. Tanging siya na nga lamang ang maiiwan sa café habang ang mga ito ay nagliliwaliw tapos ay ayaw pa siyang ihatid.
“Baka maabutan kami ng traffic kung ihahatid ka pa namin.”
She grimaced. “Fine! I’ll go with myself—”
“I’ll take Maribelle on the Café first.” Her heart flutters when Noah spoke behind her. Ang buong akala niya ay pumunta na ito sa sariling sasakyan. “Mag-gu-google map na lang po ako para makarating sa pupuntahan natin. I have a car.” His voice sent mixed emotions inside her chest.
“No need, hijo. Maribelle knows how to commute.” Malambing ang boses ng ina kay Noah.
Aangal na sana siya ng muling magsalita si Noah. “It’s okay, Tita. I want to see the Café too.”
Ngayon ay pareho na nilang tinatanaw ang papalayong van na sinasakyan ng mga ito. Halos malaglag ang kaniyang puso ng bigla itong bumaling ng tingin sa kaniya. Hindi niya napaghandaan ang paglingon nito kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya.
“Let’s go.” Anyaya nito.
Nauna itong naglakad para puntahan ang sasakyan nito. Noah opened the door of his passenger’s seat for her. He turned around to go to the driver’s seat and starts driving. Tinanong nito ang pangalan ng kanilang Café at gumamit ito ng google map para matunton iyon. Deretso itong nakatingin sa daan at kung minsan pa ay titingnan siya pagkatapos ay ngingitian. Hindi niya na tuloy alam kung nandoon pa rin ang puso niya o tuluyan nang bumigay. Mahigpit siyang humawak sa seatbelt at binaling ang paningin sa daan. Bakit kung kumilos si Noah ay parang wala siyang ginawang kahihiyan kanina?
Binuksan nito ang radio ng kotse at pumailanlang ang kantang ‘Rewrite the Stars’. Alam niya ang kantang iyon. Isa iyon sa kanta ng ‘The Greatest Showman’. Natuon ang atensyon niya sa kantang iyon at ninanaman ang bawat liriko. Maganda kasi ang pinapahiwatig ng kantang iyon. The couple loves each other but destiny seems against them. Nabalik lamang siya sa realidad nang magsalita si Noah.
“How’s your sleep?” His voice has a baritone sound yet the way he speaks was too sweet to hear.
“I’m fine.” She timidly answered. “How about you?”
“I’m also fine.” He replied. “Pwede bang bumalik ulit tayo sa subdivision’s lake?”
She smiled at him. “Kung pwede lang na ngayon tayo pumunta kaso lang ay kailangan kong asikasuhin ang Café ngayon.” She heaved a sigh of dejection.
“We can go there in your free time.” Saad nito.
“Hindi ka na ba magpapaturong magluto ng ibang putahe?” She snickered. “Nangako ka kay Tita Haidee na ipagluluto mo siya.”
Noah scratched his nape and looked at her. “Are you still willing to teach me how to cook?” He glanced at her. “H`wag kang mag-alala, hindi ko susunugin ang kusina niyo.”
She chuckled and at the same time, her heart thuds inside her ribcage. His smile makes her heart unsteady and unconscious. Itinigil nito ang kotse sa harap ng Café nila. Hindi man lang niya namalayang naroon na sila. Mabilis siyang bumaba sa kotse nito.
“Thank you.” She muttered.
“Do you mind if I come inside?” Nangangapang tanong ng lalaki. Hinimas pa nito ang leeg dahil sa hiya.
“No problem.” She said and guided him.
Hindi maitatago ang paghanga sa mga mata ng halos lahat ng customers na naroroon nang pumasok si Noah. Maging ang ilang baklang naroroon ay nahulog pa ang cake na susubo na dapat nang makita si Noah. Suddenly, she felt proud of herself. Siya lang naman ang kasama ng gwapong nilalang na iyon. Paniguradong kinaiinggitan na siya ng mga iyon ngayon. Liningon siya ni Noah matapos libutin nito ang paningin sa kabuuan ng Elizarde Coffee Shop.
“The ambiance is quite elegant. Looks like relaxing.” There’s a hint of amusement in Noah’s voice. “I like this place.”
She’s the one who chose the theme of their café. Bago pumanaw ang grandparents niya, nagdesisyon ang mga ito na mas lalong pagandahin ang ayos ng Coffee Shop nila para mas lalong pumatok sa mga tao. As the heiress, she helped her grandparents to do the design interior. She has been just a high school student at that time that’s why she was experiencing the burden of school works. An idea came up in her mind. Ginawa niyang relaxing ang ambiance ng Café nila. Bookshelves were containing different books and they have couches inside the Café. Kaya feel at home ang sinumang uupo at magbabasa ng libro roon.
“Ms. Maribelle, buti po at dumating kayo. Naubusan na po tayo ng stock ng coffee beans. Sa Miyerkules pa po ang deliver noon. May ilan pong customers na nag-i-insist na bigyan po namin sila ng coffee.” Mukhang taranta na ang isang babaeng crew na nag-approach sa kaniya. Marami ang customer nila ngayon. Paano kasi ay Linggo. “Naubusan na rin po tayo ng pastries. Hindi po kasi nakapasok ang mga baker natin.”
Saan naman kaya siya kukuha ng coffee beans sa oras na iyon? Kung maaari lang na iwanan niya ang Café at magkulong na lamang sa loob ng kaniyang kwarto. Pero hindi, responsibilidad niya na ang Café na iyon. Kaya dapat lang na maging responsable siya sa pagpapatakbo noon. Naroon lamang si Noah sa tabi niya. Ramdam niyang nakatingin ito sa kanya.
She cleared her throat. “I’ll make the pastries. Call the supplier of the coffee beans and tell them that we need it right now.” Para siyang isang sanay at propesyonal na sa negosyo n`ong sabihin niya iyon.
She looked at Noah and furrowed a sweet smile. “Pasensya na pero mukhang hindi kita maililibot sa Café. Nagkaroon kasi ng kaunting problema.” Paghingi niya nang paumanhin dito.
Kahit ayaw niya pa itong umalis ay wala siyang magagawa. Kaya lang ito nagprisinta na ihatid siya ay para silayan ang Coffee Shop nila.
“I’ll leave now.” Ngumiti ito sa kaniya habang naglalakad palabas ng Coffee Shop. “See you later.” Huling sinabi nito hanggang mawala na ito sa paningin niya.
Puno ng panghihinayang siyang bumuntong hininga. Nagtungo siya sa kusina at sinimulang maghanda para sa pagbe-bake ng cake. Natitiyak niyang hindi niya na magagawa pang maigalaw ang mga kamay pagkatapos niya roon. Mahigit isandaan at limampung cake ang nauubos ng coffee shop kada-araw. At kailangan niyang gawin iyon ng mag-isa. Hindi pa man siya nagsisimula ay parang gusto niya ng itigil. Parang hindi niya kakayanin iyon.
She wore an apron, tied her hair and took a deep breath. She needs to do it for their business’ sake. Inihanda niya ang mga kasangkapang gagamitin. Bago siya magsimula ay pumunta siya sa crew na nag-approach sa kaniya kanina.
“Natawagan mo na ba ang supplier natin ng coffee beans? Makakapag-deliver daw ba sila?” Mahinahon niyang tanong. Kung hindi siya nagkakamali ay Crisha ang pangalan nito.
“Tina-try ko pong i-contact pero hindi pa rin po sumasagot.” Saad nito.
Pinagmasdan niya ang mga customer na ngayon ay kunot na ang mga noo. Mukhang nababagot na ang mga ito sa paghihintay. Bakit naman kasi nag-insist pa ang mga ito na bigyan sila ng Coffee tapos ngayon ay magrereklamo sila dahil matagal i-serve ang order nila. Napailing na lamang siya.
“Ikaw na ang bahala dyan. Sisimulan ko ng gumawa ng pastries.” Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya ito at muling nag-pokus sa dapat niyang gawin.
She will make twenty pieces of different flavors of cakes. Hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin sa maikling panahon. Sa ngayon ay chocolate cake muna ang uunahin niya. Hindi basta-basta ang ginagamit niyang sangkap sa bawat flavor ng cakes nila. Nang mahalo niya ang mga sangkap ay isinantabi niya ito tyaka nagtungo sa susunod na hakbang para sa paggawa ng cake.
Habang pinagpapatuloy niya ang pagbe-bake, bigla na lamang pumasok sa isip niya si Noah. May kaunting lungkot ang namutawi sa kaniyang dibdib. Noah destined to be a priest and she can’t do anything about it. She can’t change his fate and nor hers.
She harshly slapped her face. “Don’t overthink and focus on your work, Maribelle.” Pagka-usap niya sa sarili.
Hindi ba’t gusto lamang niya si Noah? Bakit kailangang manghinayang siya na hindi ito ang lalaking nakalaan sa kaniya? Bakit parang hindi matanggap ng kanyang puso na magpapari ito? Gusto lamang niya ang lalaki. Lahat naman siguro ay mararamdaman iyon kung malalaman ng mga ito na magpapari ang lalaking gusto nila. Hindi lang siya ang nakakaramdam ng kung anumang nararamdaman niya ngayon. Normal lang siguro iyon.
She glanced at the wall clock and a deep sigh escaped on her lips. It’s already ten-thirty in the morning. Hindi niya alam kung anong oras siya matatapos para gawin ang dalawampung cake na iyon. Iyon lang ang kaya niyang gawin. Hindi niya kakayanin kung gagawin niya lahat ang isandaan at limampung cake.
She transferred the chocolate syrup into the cake pans and placed it inside the oven. Nag-unat-unat siya tyaka sinimulang maggawa muli. Umaabot ng tatlumpung minuto bago tuluyang maluto ang cake. Nakagawa na siya ng tatlo at labing-pito na lamang ang kailangan niyang gawin.
What a beautiful Sunday for her. While her family, Tita Haidee and Noah were having fun, she’s there, trying to make things possible. She’s not a professional baker. Hindi lang ba napansin ng kaniyang ama na wala ng stock ang Café na iyon noong bumisita ito? Ang buong akala niya ay mababagot siya sa Café buong maghapon pero hindi niya inaasahan na mapapagod siya ng husto.
The crews don’t know how to bake, they’re just assigned to serve and be a cashier. Talagang sumakto pang hindi nakapasok ang lima nilang baker. Nagtataka lang siya kung bakit sabay-sabay pa ang mga itong absent. It was just a coincidence or it was intentional?
Binitawan niya ang bowl na hawak. She growled in frustration. “I never imagined myself doing this.”
HALOS isubsob niya na ang kaniyang mukha sa ibabaw ng mesa. Laking pasasalamat niya at natapos niya na rin ang dalawampung cake. Alas-dos na siya ng hapon nakatapos. Nagiginita niya na ang ibabalita sa kaniya ni Crisha. Paniguradong maraming customer ang umalis na dahil sa tagal ng paghihintay ng mga ito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil kung siya rin naman ay pipiliin nang umalis kesa maghintay ng ganoon katagal.
Kanina, rinig niya ang ilang impit na hiyawan sa loob ng café. Nangingibabaw ang boses ng mga kababaihan. Hanggang ngayon ay may naririnig pa rin siyang tili bagaman hindi na ito kasing lakas kanina. Hindi niya na pinagtuunan ng pansin iyon dahil abala ang isip niya sa kung paano matatapos ang kaniyang ginagawa sa loob ng maikling panahon.
Tinanggal niya ang suot na apron, inayos ang pagkakatali sa kaniyang buhok at pinunasan ang tagak-takan niyang pawis gamit ang isang roll ng tissue na nahagip niya sa kusina. Inayos niya rin ang kulay pink Sundress niya na tinernuhan niya ng sandals.
Kinuha niya ang isang cake para i-display sa glass cabinet ng Café nang mapatigil siya dahil sa lakas ng pagkalam ng kanyang tyan. She frowned. She doesn’t take her lunch yet. Nalipasan na siya ng gutom kaya ganoon na lamang ang pagkalam ng kanyang sikmura.
In a blink of an eye, her jaw dropped at muntikan pa niyang mabitawan ang cake na hawak niya. Buti na lamang at nabalik agad siya sa ulirat. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ngayon ay nasagot na ang katanungan niya kung bakit may naririnig siyang hiyawan. Bagaman nanginginig ang kaniyang kamay at mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso ay umakto siyang normal at dahan-dahang naglakad sa cashier area kung saan naroroon ang lalaking dahilan ng hiyawan na iyon. Ito rin ang lalaking dahilan kung bakit hindi magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang kaniyang puso.
‘Anong ginagawa ni Noah sa loob ng Coffee Shop nila? Hindi ba’t nasa Cuenca, Batangas ito?’