Third Person's Point of View
She placed the cake inside the glass cabinet and cleared her throat. She watched him for a while. Noah was wearing a crew uniform. Bumabakat ang muscle nito sa black polo-shirt na suot nito at mas lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito ang sumbrerong suot na kabilang sa uniform ng crew ng café nila. Sa tuwing kinukuha nito ang order ng customer ay isang nakakasilaw na ngiti ang isinusukli nito. Sinulyapan niya ang mga nakapila sa counter. Lahat ay babae at tila maghugis puso na ang mga mata ng mga ito habang nakatitig kay Noah. Punong-puno rin ng customers ang café nila. Halos babae at bakla ang laman niyon. Mukhang si Noah ang pinunta ng mga ito at hindi ang kung anong meron ang kanilang café. Dapat ba siyang matuwa dahil naging triple ang bilang ng customers nila ngayon o dapat siyang mabahala dahil hindi na lang siya ang babaeng tumititig sa lalaki?
“What’s your order, Ma’am?” Noah asked politely with a dazzling smile furrowed on his lips.
The teenage girl almost drooled. “Can I take you home?” Sinsero ito sa sinabi at hindi man lang nahiya dahil kababae nitong tao ay nasambit nito iyon.
‘Please be with me.’ She grimaced. Halos walang pinagkaiba ang sinambit niya kay Noah kanina sa sinambit ng dalagitang iyon. Katulad lang rin siya nito.
Bahagyang kumunot ang noo ni Noah. “Sorry but I’m not one of the menus.” Magalang pa rin ito kahit kabastos-basto na iyong sinabi ng dalaga.
Tila nanikip ang dibdib niya at unti-unting tinutusok iyon. Humugot siya ng malalim na hininga tyaka nagpasyang bumalik na lamang sa kusina. Tutal mukhang hindi rin naman ramdam ng lalaki ang presensiya niya dahil sa dami ng babaeng nakapalibot dito. Akma na siyang lalakad ng harangin siya ni Crisha.
“Hindi niyo po ba siya pagpapahingahin?”
Her eyebrow quirks up. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Mukhang nag-e-enjoy pa ito sa ginagawang pag-e-entertain sa mga babaeng iyon. “Why would I?” Hindi niya napigilang tarayan ito.
“Kanina pa po kasi siya sa counter at kanina pa rin po siyang pinagpi-piestahan ng mga malalanding babaeng `yan.” Inikot nito ang paningin sa mga babaeng naroroon na titig na titig kay Noah.
“Bakit mo hinayaang gawin niya iyon? Hindi ba’t trabaho mo iyon? Nasaan ang mga crew?” Lalong nag-init ang ulo niya nang makita niyang may bagong dating na grupo ng babae. Magaganda ang mga ito at hindi maitatanggi ang ganda ng hubog ng katawan.
“Nahihiya po kasi akong tanggihan siya. Ang tunay po niyan, siya po ang kumuha ng supply ng Coffee beans na in-order natin sa Lemery, Batangas. Hindi po kasi maide-deliver ng supplier ang order natin dahil naka-schedule po ang truck ng mga ito sa Maynila ngayong araw.” Napakamot ito sa ulo. “Hindi na po ako nakatanggi sa inalok niyang tulong noong bumalik po siya rito. Pagkatapos po noon ay nagpresinta po siya na siya na ang tatao sa counter habang gumagawa po kami ng different flavors ng coffee.”
There’s different emotion filling her body. Parang tinunaw ang puso niya at kahit anong gawin niyang pagbuo rito ay patuloy pa rin iyong natutunaw dahil sa narinig. Hindi niya akalaing ginawa iyon ni Noah.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Naging mahina na naman ang kanyang puso. Hindi niya na alam kung tama pa itong nararamdaman niya.
“Hindi niya na po pinasabi sa inyo dahil baka maistorbo raw po kayo.” Muling paliwanag nito.
Happiness flickered in her eyes. Muli niyang sinulyapan si Noah. Mas pinili nitong tulungan siya kesa magliwaliw kasama ang pamilya niya. Biglang natunaw ang inis na naramdaman niya kanina. He is really kind.
“Boyfriend niyo po ba siya?” Crisha asked all of a sudden.
Nanatiling nakatitig ang kaniyang mga mata sa lalaki. “Sana…sana nga,” Naiusal ng kaniyang labi na hindi man lang niya pinag-isipan. Nangangamba siyang tumingin sa kausap. Sana ay hindi nito narinig ang sinabi niya pero mukhang rinig na rinig nito.
Sumilay ang isang ngisi sa mga labi nito. “Bakit hindi po kayo umamin at baka sakaling pareho kayo ng nararamdaman?”
Isang tipid na ngiti ang kumawala sa kaniyang labi. “Hindi kami pwede.” Bakit ba siya nag-o-open up sa isang ito? She’s not close to Crisha.
“May girlfriend na po siya?”
Umiling siya. A sad smile appeared. “He’s a seminarian.”
Natigilan ito sa sinabi niya at hindi na nagawa pang umimik. Nagpatuloy siyang maglakad dahil baka kung ano pang maamin niya rito. She was about to open her office door when suddenly, a voice that makes her heart thumps crazily filled her ears.
“Maribelle...” Noah called her name. Napukaw nila ang atensyon ng lahat.
Her knees were ready to wobble but she composed herself not to feel anything. Lumingon siya sa gawi nito. “Hey.” Tanging iyon ang lumabas sa kanyang labi.
Tinanggal nito ang apron na suot pati na rin ang sumbrero tyaka siya nilapitan. Crisha replaced him. She felt like someone jolted her heart awake when she smells the manly scent of Noah. Kahit pawis na ito ay mabango pa rin ang lalaki.
“Why are you wearing that?” Tukoy niya sa uniform ng crew.
Napakamot ito sa leeg at nahihiyang tumingin sa kaniya. “Well, I just want to help.” He coyly said.
She’s happy. Noah was destroying the wall inside her heart. “You don’t need to wear that.” She said.
“Hindi ka pa raw kumakain.” Pag-iiba nito sa usapan. “Do you want to take your lunch with me?”
The only thing she felt was her heart beating fast. She’s staring at his dazzling eyes. Halos matunaw na ito sa paraan ng pagkakatitig niya. Ramdam niya ring lahat ng kababaihan na naroroon ay sa kanila nakatingin.
“Maribelle, are you okay?” Nag-aalalang tanong nito.
Doon lamang niya napagtanto na mahigit dalawang minuto na siyang nakatitig sa lalaki. “Ah. O...oo, okay lang ako.” She smiled, but the truth is she’s not okay because of those unknown emotions that she always felt whenever Noah is near her.
“Wait me for a sec. Magpapalit lang ako.” Bago ito mag-tungo sa men’s comfort room ay isang nakakasilaw na ngiti ang umukit sa mga labi nito. Bumalik siya sa kaniyang opisina para kunin ang gamit niya. Inayos niya ang sarili. Nakakahiya naman kung isang hunk ang kasama niya tapos siya ay dugyutin.
She went to Crisha’s place. “Magla-lunch muna kami. Ikaw muna ang bahala rito.” She uttered. She doesn’t want the way Crisha grinned at her.
“What’s with that smile? We’re just going to have lunch.” Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magpaliwanag sa babaeng iyon. She’s just her crew but then, it feels like it’s her obligation to explain her acts.
“Wala naman po akong sinasabi.” Tumagos ang paningin nito sa kaniyang likuran. “Hinihintay na kayo ng prince charming niyo.” She playfully said.
Lumingon siya at nakita nga niyang nakatayo na si Noah malapit sa pintuan ng café. Noah was dazzlingly drop-dead gorgeous in his faded jeans, white shirt, and his white shoes. Simple lamang ang suot nito pero ang lakas ng karisma ng lalaki. Hindi niya masisisi ang mga babaeng halos mabali na ang leeg masilayan lamang ang kagwapuhan ni Noah.
“Aaalis na kami.” Napa-iling na lamang siya nang isang nakakalokong ngisi ang sinagot ni Crisha sa kaniya.
He opened the door for her. Rinig niya ang ilang pagngingitngit ng mga babaeng naroroon dahil sa ginawang iyon ni Noah.
‘Huh! Mamatay kayo sa inggit.’