Kabanata 12

2147 Words
Third Person's Point of View “SAAN tayo kakain?” Tanong nito nang makasakay sila sa kotse nito. “Ano bang gusto mong kainin?” Kinuha niya ang phone niya para mag-search ng restaurant sa Lipa. “Ikaw?” ‘Gusto niya akong kainin?’ Thunderous lightning with electric shock hit every nerve of her body and every fiber of her being when she heard what his answer. Her heart flipped and she almost dropped her phone. Buti na lamang nahawakan niya ito ng mahigpit. She looked at him but his face was so innocent as if he didn’t say such crazy words. “A...anong sabi mo?” She bravely asked. Kung nakatayo siya ngayon ay paniguradong nanlambot na ang kaniyang mga tuhod. “Ikaw,” napasinghap siya nang malalim nang ulitin nito ang salitang iyon. “Anong gusto mong kainin?” In a blink of an eye, her world demolished. He’s just asking her what she wants to eat and not he wants to eat her. Nakakatawang iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. Add the fact that he’s a seminarian. Noah looks confused at the same time worried when she became silent. “What’s wrong?” Binalik niya ang sigla sa kaniyang mukha at maging sa kaniyang boses. “Wala. Gusto mo bang mag-try kumain ng Lomi since you supposed to be in Cuenca, Batangas right now?” “Sure.” He answered. Tinuro niya ang daan papunta sa Lomi House na madalas ring kainan ng pamilya niya. Sa labas pa lamang ay marami ng tao. Kapag kasi araw ng Linggo ay tiyak na puno ang lahat ng restaurants at mga Malls. Thinking that Noah chose to be with her than to go to Cuenca, Batangas made her happy. Speaking of that, she still didn’t ask him why he’s in the café. Nang maka-order na sila ay pinili nilang umupo sa tabi ng bintana. Nasa harapan niya ngayon ang lalaki. Kaunti na lang at dudukutin niya na ang mata ng mga babaeng maya’t maya nang lumingon sa kasama niya. Minsan ay nakakainis din ang kagwapuhan nito. Lahat na lang kasi ay napupukaw nito ang atensyon. “Why did you do that?” Panimula niyang tanong. “Did what?” “Why did you pick up the coffee beans in Lemery, Batangas? Why did you volunteer to be a cashier earlier and why don’t you want to tell me?” She pouted. Para siyang girlfriend nito na pinagtaguan ng sekreto. She can feel her body heat like a blazing sun in summer. It feels so hot and even her cheeks. Noah giggled.  “Baka ma-istorbo kita kaya hindi ko na pinasabi sayo. Tyaka walang kukuha ng coffee beans sa supplier since wala kang dalang sasakyan.” Paliwanag nito. Hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang magkabila niyang pisngi. “Thank you.” She sincerely said. “No problem.” A scrumptious smile crept on his lips. Hinagip niya ang basong may lamang tubig tyaka ininom iyon. Paniguradong kaunti na lang ay mapapaso na siya sa init ng kaniyang pisngi. “Anong sasabihin mo kay Tita? Nakakahiya naman. Dapat ay nagpapakasaya ka habang namamalagi rito.” “I already texted my mom. Siya pa nga ang may sabi na h`wag kitang iwan.” Dumating na ang in-order niya. Noong una ay nanibago si Noah sa hitsura ng Lomi. Kung hindi niya pa ito pinilit ay hindi nito iyon titikman. Hindi maitatanggi sa mukha nito ang pagkailang sa malagkit na sabaw nito. “Ganyan lang ang hitsura niyan pero masarap `yan.” Naaaliw siya sa lalaki. Ngayon nga lang talaga ito nakakain ng ganoon. “But…” Nag-aalinlangan niyang sabi. “I’m sorry but I can’t do this.” Sa hindi sanay sa Lomi ay nakakadiri nga ang hitsura nito dahil sa malagkit nitong sabaw. But Lomi was the best. “Come one, Noah. I thought you want to try something new?” She was provoking him. Kumawala ang halakhak sa kaniyang labi. “Hindi mo ikapapahamak `yan.” Muli siyang napahagikhik nang pikit-matang sinubo ni Noah ang kutsara nitong may lamang Lomi. When he already swallowed the Lomi, he looked at her and amazement was visible in his eyes. “How was it?” She excitedly asked. “That was good. Though, I still can’t forget how sticky it is.” Noah slightly grimaced but smile after. She snickered. “Mas masarap `yan kung lalagyan mo ng toyo na may sibuyas at sili.” Kaniyang linagay ang mga sinabi niya sa Lomi nito. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lamang sa kaniya si Noah. Iyon na naman ang tingin nitong parang interesadong-interesado sa kaniyang ginagawa. “Tikman mo ulit.” Noah doesn’t think twice and swallowed the Lomi again, but this time it has soy sauce to make the Lomi tastes better. She’s looking at him to see his reaction and based on what she saw, he’s now enjoying eating it. “It’s much better.” Saad nito pagkuwan ay muling sumubo. “I told you.” She haughtily said. “Let’s come back here sometimes.” Hindi niya napigilan ang sarili na matawa. “Ubusin mo muna ang kinakain mo bago ka magyayang bumalik dito.” Noah chuckled and it was like beautiful music to hear. “I will.”  “Tikman mo itong Toasted Guisado. Kulay itim lang talaga ang kulay niyan pero masarap rin `yan.” Sinalinan niya ang pinggan nito ng Guisado na kasama sa order niya. Kita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Noah pero nang tinaasan niya ito ng kilay ay tinikman nito ang guisadong linagay niya sa pinggan nito. Hindi niya napigilan ang mahinang halakhak nang makita niya kung paano nagbago ang hitsura ng lalaki. Kung kanina ay nakakunot ang noo nito, ngayon naman ay abot ang ngiti sa tenga. “I can’t imagine these black noodles taste good.” Noah incredulously said. Uminom siya ng tubig bago magsalita. “Hindi ba’t parang pagpili lang din `yan sa gusto mong makapareha?” Naghalumbaba siya sa harap nito. “Kung sa panlabas na hitsura ka lang titingin ay paniguradong hindi mo mahahanap ang taong nakalaan sayo— ang taong kayang ialay ang lahat para lamang sa kaligayahan mo.”  Bigla siyang sumimangot nang may hindi kanais-nais siyang naalala. “Pero kung ang ugali ng isang tao ang bibigyan mo ng halaga kesa sa hitsura nito, doon mo lang mararamdaman ang tunay na pag-ibig.” She heaved a deep sigh. “I’m so stupid to let myself fool with those jerks.” She was gritting her teeth when she remembered her ex-boyfriends. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit nagpadala siya sa hitsura ng mga ito gayong nakakasuklam naman ang mga ugali. Oo nga’t mayaman ang mga ito, gwapo, habulin ng babae pero wala sa kanila ang mga katangiang gusto niya sa isang lalaki. Masyado siyang nagpalinlang sa pisikal na kaanyuan ng mga ito. Ngayon niya lamang napagtanto na hindi niya karapat-dapat sa kaniya ang ganoong klaseng lalaki. Hindi niya rin masisisi ang sarili dahil bata pa siya noon. Nadala lamang siya sa pagpapakilig ng mga ito kaya naibigay niya ang matamis niyang oo. She was jabbering and she didn’t notice that. Her cheeks reddened when she noticed that there’s a ghost of a smile on his lips. Halip na makaramdam ng pagkahiya ay mas lalo siyang namangha sa mga mata nitong nakangiti sa kaniya. “It seems you already had an experience on that thing.” He let out a short laugh but stops himself after. “Nalinlang ka na ba ng hitsura?” She grimaced. Lalo siyang humalukipkip sa mesa. “Tatlong beses na. Sixteen pa lang naman ako simula ng mag-boyfriend ako.” She rolled her eyes. She massaged her temples. “I don’t know why I said yes to my last ex-boyfriend. He’s too immature to handle. Kahit magkasama kami sa Mall ay walang pakundangan niyang kindatan ang mga babaeng tumitingin sa kanya. Like duhh! He’s with his girlfriend!” Bigla na lamang kumulo ang dugo niya. Hindi niya namalayang naghihisterya na siya roon. She felt embarrassed when Noah smirked at her. “Does Tita know—” “She knows nothing about this even my Dad.” She felt nervous. Paano kung sabihin iyon ni Noah sa magulang niya? Hindi maari. “And… you will not tell it to Mom, right?” Sumilay ang ngisi sa labi ni Noah. Halip na sumagot ito sa tanong niya ay nagpatuloy lamang ito sa pagkain. ‘Hindi dapat ito malaman ni Mom!’ Sigaw ng isip niya. Paniguradong kapag nalaman iyon ng kaniyang ina ay baka hindi na siya palabasin ng bahay nila. Ang gusto kasi ng ina niya ay ito ang pipili ng lalaking mamahalin niya o kaya naman gusto nitong kilatisin muna nito ang lalaking nagugustuhan niya bago siya nito payagang magka-boyfriend. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at nakikiusap ang kaniyang mga mata na nakatingin kay Noah. “Please, Noah. Don’t tell my parents. They’ll probably kill me.” She beggingly said. “Hindi ba`t dapat alam nila Tita ang nangyayari sayo?” Mukhang gusto pa siyang asarin ng lalaki. This time, she held his both hands without knowing it. She became anxious the moment she realized what she did. Siya na ang kusang humiwalay rito. Pagkuwan ay mabilis niyang inubos ang tubig na nasa kaniyang baso. Ano na namang kabaliwan iyong ginawa niya? “Don’t tell them.” Huli niyang pakiusap. A baritone chuckle escaped his lips. “Okay, I won’t. Stop pouting.” Nagliwanag ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. “That’s a promise. Don’t you ever break your promise.” “I never break my promises.” A scrumptious smile spread on his lips. He promised to give his whole life to God and he can never break that chain because it’s already locked and she’s not the key to unlock it. Nakaramdam ng lungkot ang puso niya dahil sa naisip. Nang makabalik sila sa Café ay dumeretso siya sa counter. Umupo naman si Noah sa bakanteng upuan malapit sa counter. Kahit papaano ay humawan na rin ang customer nila pero nasisiguro niya na daragsa ulit ang mga babaeng iyon mamaya kapag nalaman ng mga itong bumalik si Noah sa Café nila. Si Crisha ang kasulukuyang tumatao sa cashier. “Nakapag-lunch na ba kayo?” She inquired. “Opo.” She smiled. “Kamusta po ang lunch niyo with Sir No—” “Magtatanong ka pa o sisisantihin kita?” She cuts her off. Her eyebrow quirks up. Halip na matakot ito ay tinawanan lang siya nito. “Hindi masamang umamin, Ms. Maribelle.” She snickered. “Ang masama ay `yong linilihim ang nararamdaman pero patuloy na nasasaktan.” It feels like a knife hits her heart when she heard what Crisha said. Wala na ang nakakaloko nitong ngiti sa kaniya bagkus ay malamlam ang mga mata nito. “You don’t understand. Paano ako aamin sa isang seminarista? Sa lalaking dalawang linggo na lang ay magiging ganap na pari na?” Maribelle sighed heavily. Pareho silang sumulyap kay Noah na ngayon ay iniikot ang paningin sa kabuuan ng Café. “I must be crazy to like him.” Batid niyang walang taon ang tanda nito sa kaniya kaya mas marami itong alam sa mga ganoong bagay kesa sa kaniya. Kasing edad ito ni Noah. Limang taon na itong nagtatrabaho sa Café nila kaya kahit papaano ay kilala niya na ito pero hindi pa niya ito nakakausap ng ganoong kaseryoso lalo na’t pagdating sa ganoong bagay. “May gusto lang naman ako sa kaniya.” Naging malikot ang kaniyang mata. Sana nga ay pagkagusto lamang ang nararamdaman niya. “Bakit ikaw? For sure, may lalaki ka ring minamahal ngayon.” Marahan itong tumawa. “Hindi ko na hihilingin pang magkaroon ng lalaki sa buhay ko.” Na-intriga siya sa sinabi nito. “At bakit naman?” Humalukipkip ito tyaka siya nginitian. “Paniguradong sasaktan at iiwan ko lang siya.” Sadness showed in her eyes. “Minsan ka na bang iniwan kaya gagawin mo sa iba ang pang-iiwang ginawa sayo?” “Hindi pa.” May halong lungkot sa ngiti nito. “Pero iyon ang kapalaran ko. Iiwan ko lang ang lalaking mamahalin ko.” Bago pa man siya makapagsalita ay may customer nang sumingit sa usapan nila. Pinili na lamang niyang umupo sa upuan kaharap ni Noah. Alas-quatro na nang hapon. Hindi na siguro aabot si Noah kung susunod pa ito sa Cuenca, Batangas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD