Kabanata 13

2141 Words
“Gusto mo bang matikman ang ibang flavor ng coffee namin?” She asked. Noah smiled at her. It was a heart-thundering kind of smile. Muntik na namang tumalon ang puso niya. “Kung ayos lang sayo.” “Syempre naman.” Tumayo na siya. “Ipaggagawa lang kita.” Nagtungo siya sa coffee maker area. Nang makagawa siya ay maingat niyang linapag sa harap ng lalaki ang Brazilian Coffee at isang slice ng chocolate cake. “You’re good.” Sambit nito ng matikpan ang cake na ginawa niya at sumimsim sa tasa. Pinamulahan siya ng pisngi dahil sa papuri ni Noah. “Salamat.” “Nagawa mo na bang ipagtimpla ng kape ang mga naging boyfriend mo?” A chuckle escaped Noah’s lips. “Don’t mind me. I’m just kidding.”  Napangiti siya sa tanong nito. “Bukod sa hindi ko sila pinapakilala sa parents ko, sa restaurants lang kami kadalasang kumakain. So, I never made a coffee for them, nor bake a cake.” Muling kumawala ang marahan nitong pagtawa. “So, I’m lucky.” Kumunot ang kanyang noo. “What do you mean?” “I’m not your boyfriend but you made a coffee for me not once but twice.” Isang nakakasilaw na ngiti ang pinakawalan nito bago sumimsim sa tasa ng kape na hawak nito. Halos malaglag ang panga niya dahil sa ngiting iyon. Kung ito ang magiging boyfriend niya, kahit oras-oras ay handa niya itong ipagtimpla ng iba’t ibang flavor ng kape. “Of course. You’re now my… my friend.” Something broke inside her. It must be her braveness crumbling down. “I treasure friendship than a romantic relationship.” She just realized how stupid she was to say that thing. PAGSAPIT ng dilim, nagpagdesisyunan na nilang umuwi. Kadalasang nagsasara ang Café nila tuwing alas-otso ng gabi. Nahihiya na siya kay Noah kung paghihintayin niya pa ito hanggang magsarado ang Café. Ipinagkatiwala niya ang Café kay Crisha bago sila umalis. Sa limang taong pagtatrabaho nito roon ay masasabi niyang magaling itong empleyado. Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo sa bahay nila. Paniguradong nakarating na ang magulang niya at Tita Haidee galing sa Cuenca, Batangas.  Nang iparada ni Noah ang kotse nito sa tapat ng bahay nila, siya na ang nagbukas ng gate para sabay silang pumasok. Tatlong sasakyan na kasi ang nakaparada sa garahe nila kaya’t hindi na kasya ang kotse ni Noah. Sinalubong sila ni Manang. “Tumawag kanina ang Mommy mo. Baka mamaya pa raw sila makakauwi.” Pahayag nito. Ang ibig sabihin lang noon ay sila lamang sa loob ng bahay bukod sa mga kasambahay. “Bakit daw po?” Noah inquired. Naupo sila sa sofa. Katabi niya ang lalaki habang nasa unahan naman nila si Manang. “Naisipan daw kasi nilang maglibot sa lalawigan ng Batangas kaya gagabihin sila ng uwi.” “Ganoon po ba?” Sabi niya. “Teka, maghapunan na kayo. H`wag niyo ng hintayin ang mga iyon at baka mamaya pa ang dating nila.” Tumayo si Manang at dumeretso sa kusina. Sinundan naman nilang dalawa ito. Magkatabi sila ni Noah samantalang nasa harapan nila si Manang. Chicken Curry ang niluto ni Manang Rosie para ngayong gabi. Mukhang mapaparami siya ng kain. Isa kasi iyon sa paborito niyang ulam. Pinangunahan ng lalaki ang pagdarasal at nang makapag-sign of the cross sila ay sinimulan na nilang kumain. “Akala ko ba ay kasama ka sa Cuenca, hijo?” Tanong ni Manang. Nagkatinginan sila ni Noah bago ito sumagot. “Hindi na po ako nakahabol pa papunta roon.” Magalang nitong sagot.  “Bakit? May nangyari ba?” Puno ng kuryosidad nitong tanong. Siya na ang sumagot sa tanong ni Manang. “Nagkaroon po kasi ng maliit na problema sa Café kanina. Naubusan po ng coffee beans ang Café at si Noah po ang kumuha noon sa supplier.” Makahulugang tingin ang pinukaw ni Manang sa kanilang dalawa. Tila may iba pa itong iniisip bukod sa sinabi niya. “Malamang ay pagod kayong dalawa. Saktong Linggo pa naman ngayon. Paniguradong maraming customers ang dumagsa roon.” Binitawan niya ang kubyertos at bumuga ng hangin. “Naku, Manang, kung alam niyo lang. Triple ang naging customers ng Café kanina.” “Paano ay araw ng Linggo kaya—” “Hindi iyon ang dahilan, Manang.” Bumaling ang paningin niya sa inosenteng mukha ng katabi. “It was because of Noah.” Ngayon ay parehong nakatingin sa kaniya ang dalawa. They were both clueless. She heaved a deep sigh again. “Puro babae ang naging customers ng Café kanina. Obviously, si Noah ang pinunta ng mga iyon at hindi ang kung anong meron sa Café.” Narinig niya ang marahang halakhak ni Manang Rosie. Maging si Noah ay hindi rin napigilan ang pagngiti. “Ano pa bang aasahan mo? Eh, sa magandang lalaki talaga itong si Noah. Kahit sino naman yatang babae ay mahuhumaling sa mukha nito.” Muling tumawa si Manang at nagtama ang kanilang mga mata. “Hindi ba, Maribelle?” Bakit iba ang dating sa kaniya ng tanong na iyon ni Manang? Parang tinutukoy nitong isa siya sa mga babaeng nahuhumaling sa anking kagwapuhan ni Noah. “O...oo naman.” Binubuking ba siya ni Manang? Nang matapos silang maghapunan ay muli niyang tinulungan si Manang Rosie na magligpit at maghugas ng pinagkainan. Habang si Noah naman ay nasa kwarto nito at naglilinis ng sarili. Hindi niya na hinayaang tulungan sila ni Noah na maghugas ng pinggan kahit nagpumulit ito. Alam niya kasing pagod din ito sa pag-aasikaso sa Café.  “Mukhang malapit na ang loob niyo ni Noah sa isa’t isa.” Panunukso ni Manang Rosie. Hindi niya napigilan ang ngiting umukit sa labi niya. “Ngayon ko napagtanto na ang bait niya talaga.” Sumingkit ang kaniyang mata dahil sa ngiting pinamalas niya rito. “Hindi ko akalaing magagawa niyang pumunta sa lugar kung saan hindi siya pamilyar para kunin ang supply ng coffee beans.” “Likas na sa kaniya ang pagiging mabait. Karapat-dapat lang na pagpapari ang tinahak niyang landas.” Nakaramdam siya ng pagtutol sa sinabing iyon ni Manang. Hindi niya gustong marinig na pagpapari ang nararapat kay Noah. Parang may napupunit na kung ano sa kaniyang dibdib dahilan para makaramdam siya ng sakit. “Paano kung  talikuran ni Noah ang pagpapari? Pwede pa ba iyon, Manang?” Bigla ay nabuhayan ang kalooban niya. Umaasa siya sa isang bagay na walang kasiguraduahn. “Maaari pa naman hangga’t hindi pa siya naoordinahan pero ang tanong ay kaya bang talikuran ni Noah ang pagpapari?” Muli siyang pinanghinaan ng loob dahil sa sinabi ni Manang. Tama ito. Kailanman ay hindi kayang talikuran ni Noah ang landas na pinili nito. “Ituloy niyo na lang po ang pagkukwento tungkol sa kaibigan niyong si Aurora.” Napalitan ng sigla ang tono ng boses niya nang maalala niyang hindi natapos ni Manang Rosie ang kinukwento nito sa kaniya. Naupo sila sa upuan at pinagpatuloy ni Manang ang pagkukwento. Isang linggo na ang lumipas at hindi maitatanggi ni Aurora ang kakaibang damdamin na siyang umuusbong sa kaniyang dibdib para sa paring si Aston. Ilang beses man niyang pigilan ang damdamin para rito ngunit batid niyang hindi ganoon kadaling pigilan ang nararamdaman. Hindi maitatago ang kasiyahan sa kaniyang dibdib sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon para makausap ang gwapong pari. Sa bawat minutong tinititigan niya ito ay lalo lamang siyang nahuhulog ng tuluyan dito. “Aurora, dalhin mo nga ang mga pinggang ito sa kusina.” Utos ni Madre Cisca. Katatapos lamang nilang kumain ng merienda at siya ang tanging walang ginagawa kaya siya ang nautusan nito. Pinagpatong-patong niya ang mga pinggang pinagkainan tyaka maingat na naglakad patungo sa kusina. Batid niyang malaking halaga ang katumbas ng bawat pinggang iyon. Ibinaba niya ang mga pinggan sa lababo. Naisip niyang siya na rin ang maghugas tutal wala pa naman siyang ginagawa. Malawak ang kusina, nakahiwalay ang hugasan sa lutuan para hindi maglahok-lahok ang mga kagamitan. Sa kalagitnaan ng kaniyang paghuhugas ay rinig niya ang sunod-sunod na pagbagsak ng gamit sa sasahig. Base sa tunog ay nasisiguro niyang nabasag iyon. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa tyaka nagtungo sa lutuan. Namilog ang kaniyang mata nang masaksihan niya kung paano naghihirap si Aston kuhanin ang kulay uling na pagkain sa kawali. Sunog na iyon at hindi niya na mawari kung anong pagkain iyon. Nababalutan din ng mantsa ang damit nito. Siguro ay natapunan iyon habang ilinalagay ang linuluto nito sa kawali. Kita niya ang pag-agos ng pawis ni Aston sa noo nito at ang magulo nitong buhok. Hindi ito nakasuot ng sutana, tanging puting kamiseta ang suot nito kaya hindi ito mapagkakamalang pari. Umukit ang pilyang ngiti sa kanyang labi. Bago pa man masunog nito ang buong kusina ay linapitan niya na ito. Gulat na tumingin si Aston sa kaniya. Nahimas nito ang leeg at mabilis iniwas ang paningin sa kaniya. Kita niya ang pamumula ng mukha nito. “Hindi ko naagapan ang paglaki ng apoy. Hindi ko namalayang nasunog na pala iyang linuluto ko.” Depensa ni Aston kahit wala pa siyang sinasabi. Binawasan niya ang gatong para humina ang apoy tyaka tiningnan ito. Sa tingin naman niya ay hindi kahirap pgilan ang paglaki ng apoy sa kalan. Sadyang nasunog lamang ang linuluto nito dahil hindi ito marunong magluto. Lalong namula ang mukha nito dahil sa hiya. “H`wag mo akong pagtawanan. Gusto ko lamang matutong magluto para hindi ko na iaasa ang pagkain ko sa iba.” Nakalabi ito sa kaniya. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay nakurot niya na ang magkabila nitong pisngi. “Hindi ko ugaling pagtawanan ang kahinaan ng isang tao.” Nginitian niya ito. “Kung gusto mo ay tuturuan kitang magluto para sa susunod na magbalak ka ay hindi mo masusunog itong kusina.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Natutuwa siya sa reaksyon ni Aston. Nakalabi ito habang nakatingin sa kaniya. “Sigurado ka bang tuturuan mo ako at hindi pagtatawanan?” Nagdududa nitong tanong. “Ganyan po ba ang tingin mo sa`kin?” Tinaasan niya ng kilay ang pari. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na h`wag mong gamitin ang po sa tuwing kausap ako? Ganoon na ba ako katanda?” Tinaasan din siya ng kilay nito. Kumawala ang bungisngis sa labi niya. “Kung `yan ang nais mo ay sige. Ngayon ay magpalit ka na ng damit bago ka pa makita ng iba sa ganyan mong hitsura.” Kahit gulo-gulo ang buhok at marumi ang damit nito ay hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan ni Aston. Yumukod siya para pulutin ang basag na pinggan sa sahig. Mabilis tumulo ang dugo mula sa kaniyang daliri nang mahiwa iyon. Agad yumukod si Aston at hinagip ang kamay niyang nasugatan. Nag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Halika at gamutin natin ito.” Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya. Nagtungo sila sa gilid ng pintuan ng kusina kung saan naroroon ang ilang pampahid upang mabilis humilom ang sugat. Nakatitig lamang siya rito habang maingat na nililinis ni Aston ang kaniyang sugat. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito kahit mababaw na sugat lamang iyong natamo niya. Mabilis ang pagkabog ng kaniyang puso. Tanging si Aston lamang ang nakikita ng kaniyang mga mata. Dito lamang umiikot ang kaniyang mundo. “Hindi mo dapat hinawakan ng basta ang mga bubog. Hayan tuloy at nasugatan ka.” Kahit nanenermon ito ay bakas sa boses nito ang pag-alala. “Mababaw na sugat lang naman iyan.” Depensa niya rito. Nang iangat nito ang paningin, nasalubong niya ang masinsin nitong mga mata na siyang nagpapigil sa kaniyang paghinga. “Kahit gaano man kaliit ang sugat na iyong makuha, ayaw ko pa ring nasasaktan ka.” Nabitin si Maribelle nang tumigil na si Manang Rosie sa pagkukwento. Pinigilan niya ito nang akma na itong lalabas sa kusina. “Bakit alam na alam niyo po ang kwento ni Aurora at ni Aston?” She confusedly asked. Pilyang ngumiti si Manang. “Nabasa ko ang talaarawan ni Aurora at nakasulat doon lahat ng nangyari tungkol sa kanilang dalawa ni Aston. At isa pa ay nagkukwento rin siya sa`kin noon.”  “Ituloy mo na ang pagkukwento, Manang.” Gusto niyang malaman kung anong naging reaksyon ni Aurora. “Gabi na, Maribelle. Tyaka ko na ikukwento sayo ang sumunod na nangyari. Matulog ka na.” Hindi niya na napigilan pa ito nang tuluyan na itong lumabas ng kusina. Sumilay pa ang ngiti sa kaniyang labi nang maisip niyang hindi rin marunong magluto si Noah katulad ni Aston. Umakyat na rin siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay para magtungo sa kaniyang kwarto. Akma na siyang papasok sa silid niya nang lumabas si Noah sa kwarto nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD