Third Person's POV KUMATOK si Maribelle sa pintuan ni Noah. Hindi nagtagal ay lumabas ito na bakas ang pagkagulat nang makita siya. Hindi siguro nito inaasahan na kakatukin niya ito dahil kahapon pa niya itong hindi pinapansin. “Maribelle…” There’s a ghost of a smile on his face. Lalong kumikirot ang puso niya sa tuwing nakikita niya ang maamo nitong mukha. Hindi ba talaga pwedeng maging sa kaniya ang lalaking nasa kaniyang harapan? Pwedeng kahit ngayon lang ay pagbigyan siya ng tadhana? “Gusto mo bang pumunta tayo sa Subdivision’s lake?” Mahina niyang tanong. Nawawalan siya ng lakas sa tuwing naiisip niya ang maaari nilang kahantungang dalawa. “Anytime, Maribelle.” Happiness glistened in his eyes. Marahan siya nitong hinila at ginaw

