Third Person's POV TANGING mga kasambahay at siya pa lamang ang gising sa loob ng bahay nila. Mas pinili na lamang niyang manatili sa kusina kasama si Manang Rosie. Tinulungan niya na rin itong magluto para sa almusal nila para naman may makakwentuhan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang mga nalaman niya kahapon noong nag-usap sila ni Bram. Hindi pa rin niya nakakausap si Noah at hindi niya alam kung paano pa ito haharapin sa kabila ng mga nalaman niya. Kumawala ang isang malalim na buntong na hininga na siyang napuna ni Manang. “Ang lalim naman yata ng iniisip mo, Maribelle.” Kilalang-kilala na siya ni Manang kaya hindi niya na kailangan pang itago ang sakit at lungkot na nararamdaman. “Hindi ba talaga kami ni

