Third Person's POV LUMIPAS ang maghapon na hindi siya lumabas sa kwarto niya. Paminsan-minsan ay kumakatok si Noah sa kaniyang pintuan para yayain siyang kumain pero lagi niya itong tinatanggihan at hindi pinagbubuksan. Wala roon ang magulang niya at si Tita Haidee. May reunion kasi ang batch ng mga ito noong college at mamayang gabi pa yata ang uwi ng mga ito. Si Lucas naman ay busy sa pagba-basektball sa court ng subdivision nila. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya kay Noah. Balak niya pa naman sanang sabihin na sa mga magulang nila ang relasyon nilang dalawa. Bukas na lang siguro kapag pinansin niya na si Noah. Aminado rin naman siya na nakararamdam siya ng kilig sa tuwing kinakatok nito ang pintuan niya. Wari niya ay hindi na ito umalis sa harapan ng ka

