Third Person's POV NAKAUPO siya sa upuan sa garden kasama si Manang Rosie. Nagpapahangin lang siya roon nang tabihan siya ni Manang. Kanina pang nakaalis ang kaibigan niya. Magpapahinga na raw ito dahil pagod din sa byahe. “Pwede niyo na po bang ikwento sa akin ang sunod na nangyare kay Aston at Aurora?” Puno ng kuyrosidad niyang tanong. “Bakit interesadong-interesado ka sa kwento nilang dalawa?” Kunot-noo nitong tanong. Napahalukipkip siya sa kinauupuan. “Ang ganda kasi ng kwento nila. Kahit alam nilang bawal, pinagpatuloy pa rin nilang ipaglaban ang pag-ibig na ipinagkait sa kanilang dalawa.” “Makasalanang pag-ibig ang mayroon sila,” pagpapaalala ni Manang Rosie. “But they love each other. Ang taong nagmamahal ay kayan

