Third Person's Point of View
MAAGA silang umuwi ni Noah sa bahay nila. Ala cinco pa lamang ng hapon ay yinaya niya na itong umuwi. Mukha kasing pagod na ang lalaki. Nang makapagpalit siya ay bumaba na rin siya para sa hapunan.
“Sinadya niyo bang magkapareho kayo ng hairstyle ni Tita Haidee, Mom?” Puna niya sa buhok ng dalawa habang kumakain. Hanggang balikat na lamang ang haba ng buhok ng mga ito. Dati ay kulot ang kaniyang ina pero ngayon ay banat na banat na.
Parehong bumungisngis ang magkumare. Nagkatinginan pa ang mga ito tyaka nag-apir. Parang mga bata ang mga ito kung umasta.
“You looked so beautiful on that hairstyle, wife.” Puri naman ng kanyang ama sa ina. Tila sinilihan ang pisngi nito dahil namula iyon.
Walang kibo si Lucas sa tabi niya. Mukhang naasiwa ito sa pinag-uusapan. Lagi namang ganoon ang kapatid niya. Parang walang pakialam sa paligid.
“Kailan nga pala pupunta ang bunso mong anak dito, Haidee?” Her mom asked.
“I’m not sure yet. Hindi pa niya ako kino-contact, eh. Pero binigay ko na naman ang address ng bahay niyo.” Sagot ni Tita Haidee tyaka pinagpatuloy ang pagkain.
“Kamukha ba siya ni Noah?” Her Dad asked too. Umaktong nag-iisip si Tita Haidee.
“Hindi po.” Mabilis na sagot ni Noah. Sa tono ng pagsagot nito ay mukhang tutol na tutol ito sa ideya na kamukha nito ang nakababatang kapatid dahilan kung bakit sila napatawang lahat.
“Since you’re here Noah, sasabihin kong mas gwapo ka sa kapatid mo.” Tumatawang sabi ni Tita Haidee.
Noah pouted. “I’m more handsome than Bram.”
“Sa tingin mo ba ay magugustuhan siya ni Maribelle, Noah?” May halong kasiyahan ang boses ng ina.
Napapitlag siya sa tanong nito. Agad niyang binaling ang paningin sa lalaki. Mukhang bahagya rin itong natigilan sa tanong ng ina niya. Nanatiling sa pagkain nakatingin si Noah. Nawala ang ngiting kanina lang ay nakaukit sa mga labi nito. Ayaw niyang umasa pero tila nakita niyang may gumuhit na pagtutol sa mukha ni Noah. Bigla ring naglaho ang pag-asang iyon ng mas lumaki ang ngiti ng lalaki tyaka tiningnan ang kaniyang ina.
“I think Maribelle will enjoy his company.”
“Talaga?” Puno ng kasiyahang sabi ng kaniyang ina. “Buti naman kung ganoon. Gusto ko nang makilala ang magiging asawa ng anak ko.” Ikinasimangot niya ang sinabi ng ina. Tila hindi makapaghintay ang kaniyang ina na makilala ang bunsong anak ni Tita Haidee.
“Mukhang malapit na tayong maghatid sa altar.” Hindi niya nagustuhan ang birong iyon ng ama niya. Sinasabi ba nitong ikakasal sila ng bunsong kapatid ni Noah? Hell no! Hindi siya papayag.
“Gusto kong ikaw ang magkakasal sa kanilang dalawa Noah, huh?”
Her eyes glimmered with an unexplainable emotion in the depths of them. It feels like something just broke inside her.
“Save the date na ba ang ganap?” Sumabay pa sa biruan si Tita Haidee. Nagtawanan ang mga ito samantalang siya ay hindi man lang magawang ibuka ang bibig.
Kung magsalita ang mga ito ay parang siguradong-sigurado na ang bunsong kapatid ni Noah talaga ang pakakasalan niya. She was about to stand up to walk out but her brother suddenly whispered beside her.
“Magpapakasal ka sa taong hindi mo gusto samantalang ang taong gusto mo ang siyang magkakasal sa inyo.” Lucas whispered.
Lumingon siya sa kapatid na mahinang bumulong sa kaniyang tabi. Tanging siya lamang ang nakarinig sa sinabi ng kaniyang bunsong kapatid.
Hindi ito nakatingin sa kaniya pero kita niya ang bahagyang pag-ismid nito. “Maybe both of you are just two people with different worlds.” Lucas looked at her straight to her eyes. “You do both exist but can’t hold each other’s world.”
Naiwan siyang tulala nang tumayo ang kapatid at sabihing tapos na itong kumain. Hindi na ito napigilan pa ng magulang niya dahil nakaakyat na ito sa hagdan. Kung ganoon, alam nitong may lihim siyang pagtingin kay Noah? Ganoon na ba siya kahalata? Kung napansin ni Lucas na may gusto siya kay Noah, hindi kaya… alam na rin ng lalaki na may gusto siya rito?
Lumingon siya kay Noah at patuloy pa rin itong nakikipagkwentuhan sa magulang niya. What her brother said left a mark in her heart. He’s right.
‘We are just two people with different worlds. Even we want to hold each other, but our worlds are not meant to be together.’