Third Person's Point of View
KINAUMAGAHAN. Nagtungo siya sa kusina at naabutan niya roon ang ina na kasulukuyang naghahanda para sa umagahan katulong ang ilang kasambahay at si Manang.
“Good morning, Manang Rosie.” She cheerfully greeted.
She hugged her Mom from behind while her Mom was busy preparing the food on the dining table. “Good morning, Mom.” Pagbati niya rin dito.
“Good morning.” She greeted back and kissed her Mom on her right cheek.
Nanatili siyang nakayakap dito habang pinagmamasdan ang ginagawa ng ina. “Are you going out today?” She inquired.
“I’m planning to have a simple picnic today.” Inabot nito ang tissue tyaka pinunasan ang mga kubyertos. “Since Haidee’s youngest son still didn’t come, hindi muna namin pupuntahan ang tourist spots here.”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at nakasimangot na humarap dito. “Hindi niyo ako isasama?” She grimaced.
Her mom stops what she’s doing and faced her. “Paano ang Café?”
“Kaya na naman ng mga tauhan natin `yon.” Nagtatampo niyang sabi.
“Why you didn’t want to manage our business now?” Her Mom’s forehead creased.
“I still want to manage it. I just want a vacation after years that I’ve spent studying.” She rolled her eyes. Ang totoong dahilan ay gusto niyang makasama si Noah.
Her Mom puffed a breath and look at her defeated. “Fine.” Nagkibit-balikat na lang ito tyaka pinagpatuloy ang ginagawa.
Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa dahil sa pagpayag ng ina. “So, I don’t need to go to the Café today?” Nagbabakasakali niyang tanong.
“Pupunta ka pa rin doon ngayon. Kapag dumating na ang kapatid ni Noah tyaka ka na lamang h`wag pumunta sa Café.”
Nadismaya siya sa sinabi ng ina. Parang ngayon ay gusto niya ng dumating ang kapatid ni Noah para hindi niya na kailangang pumunta sa Café. Nang sa ganoon ay mas matagal niyang makakasama ang lalaki.
But I want to join the picnic.” She said, pouting.
Hindi sumagot ang ina bagkus ay inirapan na lamang siya nito. She sighed in defeat. Nagkataong sabay-sabay pumasok sa kusina ang kaniyang ama, si Lucas at si Tita Haidee. She kissed them on their cheeks except for Lucas. Ang pinaka-ayaw ng kapatid niya ay `yong bini-baby ito.
“Good morning, Dad and Tita Haidee.” She smiled.
“Good morning.” They greeted back.
Hinanap ng kaniyang mga mata ang lalaking gusto niyang makita. Nalibot niya na ang kabuuan ng kusina maging sa salas pero wala si Noah. Hindi siya nagpahalatang hinahanap niya ito kahit kating-kati na ang dila niya na tanungin kung nasaan ang lalaki.
“Nakababa na ba si Noah?” Si Tita Haidee na ang nagtanong nang nais niya sanang itanong.
“Lumabas siya ng bahay kanina. Maglalakad-lakad lamang daw siya saglit.” Si Manang ang sumagot sa tanong nito.
She slightly felt sadness inside her. Bakit hindi siya ginising ni Noah? Edi sana ay nasamahan niya itong maglakad.
“Alora, lumabas ka saglit at sunduin mo na si Noah para makapagsimula na tayong kumain.” Utos ng kaniyang butihing ama.
Palihim siyang napangiti dahil sa utos nito. Wala na siyang inaksayang oras. Kahit naka-pajama pa siya ay hindi na siya nagdalawang isip na lumabas ng bahay nila at sundan si Noah. Nagdiriwang ang puso niya sa isiping masosolo niyang maglakad pabalik ng bahay ang lalaki.
Binuksan niya ang gate ng bahay nila. Hindi niya alam kung saan siya unang pupunta para hanapin si Noah. Masyadong malaki ang subdivision na iyon kaya baka abutin siya ng ilang minuto bago mahanap si Noah. Ang ngiting nakaukit sa kaniyang mapupulang labi ay kusang naglaho at tila napako siya sa kinatatayuan at hindi man lang niya magawang igalaw ang kaniyang mga kamay. Mukhang hindi niya na kailangan pang hanapin ang lalaki dahil nasa harapan lang naman pala ito ng bahay nila habang masayang nakikipag-usap sa magandang babae na kapit-bahay nila. It’s like a million knives stabbing her heart slowly. She could feel the pain.
She saw how that slut girl touched Noah’s arms. Kung makahawak ito sa braso ni Noah ay kunwareng walang malisya pero sa loob-loob ng babae ay kinikilig na ito. Eliza Mendoza ang pangalan nito. Ito ang kapit-bahay nilang doktor. Hindi nalalayo ang edad ng dalawa sa isa’t isa at wala pang asawa o nobyo si Eliza. Base sa hitsura nito ay katatapos lamang nitong mag-jogging.
Noah was so naïve to not realize that Eliza was flirting with him. Hindi niya rinig ang pinagkukwentuhan ng dalawa dahil nasa kabilang sidewalk ang mga ito pero halata sa ngiting pinamamalas ng lalaki na naaaliw din ito habang nakikipag-usap kay Eliza.
Something is digging. Kung hindi niya lang kilala ang dalawang taong nasa harap niya ay mapagkakamalan niya itong magkasintahan. They were laughing while looking at each other’s eyes. Kulang na lang ay ipulupot ni Noah ang braso nito sa bewang ng babae para masabing mahal nila ang isa’t isa.
Hindi niya maipaliwanag pero may kung anong sakit na kumubli sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan si Noah na may kasamang iba. Kahit hindi magpari si Noah ay malabong magustuhan siya nito. May ankin siyang ganda pero mas higit na maganda sa kaniya ang babaeng kaharap ngayon ng lalaki. Kahit pagbaligtarin man ang mundo, malabo talaga siyang magustuhan ni Noah.
She turned around to go back inside their house. Hindi niya na kakayanin pang titigan itong masaya habang may kasamang iba. She was about to step inside but suddenly, the man who’s giving that pain called her name. Her feet automatically stop.
“Maribelle!”
Ramdam niyang naglalakad ito palapit sa kaniya. She calmed herself and took a deep breath before she faced him. Isang tipid na ngiti ang inukit niya sa kaniyang mga labi. Ngayon ay nasa harapan niya na ito at si Eliza.
“Hello, Maribelle!” The slut greeted her but she just smiled.
“The breakfast is ready.” Walang mahihimigan na kahit anong emosyon sa tono ng kaniyang boses. Nang akma siyang maglalakad papasok ay isang kamay ang pumigil sa kaniya. Hindi niya na kailangan pang humarap para malamang si Noah iyon. Tanging ang lalaki lang naman ang nakakagawang magpawala sa kaniyang puso.
“Gusto mo bang pumunta ngayon sa subdivision’s lake? Sabi ni Eliza ay may gaganaping show doon ngayon.”
Mukhang kanina pang nagkukwentuhan ang dalawa. Pati tungkol sa subdivision’s lake ay napagkwentuhan din ng mga ito. Napaismid siya. “Marami pa akong dapat gawin.” She boldly said. Humarap siya rito tyaka unti-unting inalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. “Kay Eliza ka na lang magpasama, mukha namang wala siyang gagawin ngayon.”
Hindi niya na hinayaan pang mapigilan siya nito. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at tinungo ang kusina. Umupo siya sa upuang nakalaan para sa kaniya.
“Nasaan na si Noah?” Iyon agad ang tanong ng kaniyang ina.
She was about to speak when Noah sat in his usual seat. “Good morning.” Bati ni Noah.
Pilit niyang iniiwasan na magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Ramdam niyang nakatitig sa kaniya si Noah habang kumakain sila. Siguro ay kailangan niya ng gumising sa kaniyang kahibangan. Kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ng lalaki. Kahit hindi ito magpapari ay imposibleng siya ang piliin nito. She’s falling but she didn’t even think a way to stop herself from falling. But she wants it. She chose it. Masyadong hibang ang puso niya para gawin ang tama.
“Let’s have a picnic today.” Masiglang anunsiyo ng kaniyang ina. “Mas maganda kung sa subdivision’s lake na lang tayo magpicnic.”
“Don’t go to the Café today, Alora. Join us.” Her Dad suddenly said.
Tiningnan niya ang ama. “I need to fulfill my duty as the heiress of Elizarde Coffee Shop. I don’t think I can join you today.” Isang tipid na ngiti ang pinamalas niya pero agad din niya iyong pinawi.
Kung kanina ay pinipilit niya ang ina na isama siya sa picnic ngayong araw pero ngayon ay tila nawalan na siya ng gana. Mas gugustuhin pa niyang mapagod buong araw sa Café kesa makasama si Noah at pauli-ulit isampal sa kaniya ang katotohanang hindi sila ang para sa isa’t isa.
“Kanina lang sabi mo gusto mong sumama sa picnic.” Her mom looks baffled.
“Come on, Maribelle. Join us.” Anyaya rin ni Tita Haidee.
She sighed deeply. “Our employees need me today.” She answered.
“Hindi ba`t sabi mo ay kaya na nila ang trabaho sa Café ng wala ka?” Her mom said. Hindi niya na alam kung anong ipapalusot niya pa sa mga ito.
“Ayaw mo na ba kaming makasama?” Kunwareng nagtatampong saad ng kaniyang ama.
“Hindi sa ganoon.” She heaved a sigh. “Baka lang kasi dumagsa ang customers ngayon sa Café.”
“Iyan lang ba ang inaalala mo?” Tanong ng kaniyang ama. “We have five crews and five bakers there. Nagpadagdag na rin ako ng crews. Masisipag ang mga iyon kaya wala na tayong dapat ipag-alala.” Isang tango na lamang ang sinagot niya bilang pagpayag. Wala siyang lusot sa mga ito.