Kabanata 19

1862 Words
Third Person's Point of View NANG matapos silang kumain ay nagtungo ang kaniyang ina kasama si Tita Haidee at Manang sa Mall. Mag-go-grocery daw kasi ang mga ito para sa pagkaing dadalhin nila sa river ng subdivision para sa picnic nila mamayang hapon. Naligo na rin siya para maging presko ang pakiramdam niya. Her dad was answering an important call. Nasa balkonahe ito at doon nakikipag-usap. Samantalang silang tatlo nina Lucas at Noah ay nasa living room. Magkatabi ang dalawa sa mahabang sofa at siya ay naka-upo sa single sofa na kaharap ng inuupuan ng mga ito. Kahit kasya silang tatlo sa mahabang sofa na iyon ay mas pinili niyang bumukod. Abala siya sa kaniyang cellphone. Hanggang ngayon ay dumidistansya pa rin siya kay Noah. Mukhang wala lang naman sa lalaki kung umiwas siya rito. Porket nakilala lang nito si Eliza ay parang wala na itong pakialam sa kanya. She was gritting her teeth secretly. Naiinis siya. She wants to scream. Nang sa tingin niya ay hindi niya na mapigilan ang kaniyang inis ay minabuti na lamang niyang pumunta sa kwarto. Hahakbang pa lamang siya ay muli na namang tinawag ni Noah ang pangalan niya. Alam na alam talaga ng lalaki kung paano palalambutin ang nagngangalit niyang puso. “Maribelle…” Mahinahon nitong sambit sa pangalan niya. Paano niya ba iyon matatanggihan? “Anong oras tayo pupunta sa lake?”  “Hindi ko alam.” Hindi man lang niya ito liningon. Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdan. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa kwarto ni Lucas na kaharap lang ng kwarto niya. Nakabukas ang pinto niyon kaya nakapasok siya. Binagsak niya ang sarili sa malambot nitong kama. She heaved a deep sigh. Sa tuwing naaalala niya ang eksenang nakita niya kaninang umaga kung saan masayang nakikipagtawanan si Noah kay Eliza ay kumukulo ang dugo niya. Bakit kasi napakabait nitong si Noah at kahit sino ay binibigyan nito ng pansin? Kahit linalandi na ito ay wala man lang itong kamalay-malay. She’s so frustrated. Hindi naman kasalanan  ni Noah kung mabait ito sa lahat pero kasi hindi niya mapigilan ang sariling magselos. Lalo na`t aminado siyang mas maganda sa kaniya ang Eliza na iyon. She tweaked her hair and she rolled herself above the bed. Hindi niya dapat iwasan si Noah pero hindi niya mapigilan ang sarili. Nabalik siya sa ulirat nang biglang pumasok si Lucas sa kwarto nito na kunot ang noo. “What are you doing in my room?” He confusedly inquired. Mabilis siyang tumayo sa kama nito nang makita niyang kasunod pala ng kapatid niya si Noah. Nakatingin ito sa kaniya. “Am I not allowed to come here?” Tinarayan niya ito. Matamang nakatingin sa kaniya si Noah. She’s avoiding his gaze. Mahirap na at baka bumigay agad ang puso niya. “Aalis na ako.” Nagmartsa siya palabas sa kwarto nito nang ganoon na lamang ang pagtalon ng kaniyang puso nang may kamay muling pumigil sa kaniya. Her heart thuds faster. Hindi niya na mabilang kung ilang ulit nang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa simpleng pagdadampi ng balat nila ng lalaki. Masinsin itong nakatingin sa kaniya. “We’re going to watch a movie while waiting for them to come home. Do you mind joining us?” He smiled innocently at her. Dapat kadenahan iyong puso niya at ibalot iyon sa yelo para hindi na siya makaramdam ng mga estrangherong damdamin katulad na lamang ng nararamdaman niya ngayon. Kahit nagngingitngit ang selos sa kalooban niya ay patuloy pa rin ang kakaibang epekto nito sa kaniya. A sardonic smile crept on Lucas’ lips. “Are you joining?” “Kayo na lang.” She was about to walk out but Noah grabbed her arm. Electricity from his touch shot through her. “Wala ka naman sigurong pupuntahan kaya bakit hindi ka na lang manood kasama kami?” Noah said, never taking his gaze from her. Wala na siyang nagawa nang higitin siya ni Lucas. Umupo sila sa sofa. Nasa kaliwa niya si Lucas habang nasa kanang bahagi niya naman si Noah. Lucas chose what they’re going to watch. Pinatay nito ang ilaw at sinarado ang kurtina para dumilim sa kwarto nito. Hindi na siya nagtaka kung horror movie ang pinili nitong panoorin. ‘The Nun’ ang title ng movie. She hates horror movies. Nahigit niya ang pillow sa bandang paanan niya. Liningon niya si Lucas at isang nakakaasar na ngisi ang nakaukit sa mga labi nito. Mukhang sinadya nitong iyon ang piliin kahit alam niyang takot siya sa mga ganoong palabas. She was secretly looked at Noah and it seems he’s not afraid. Lalong linakasan ni Lucas ang volume ng TV kaya mas lalong dumagundong ang nakakatakot na sound effects ng horror movie na iyon. Ramdam niyang lalo siyang sinisiksik ni Lucas dahilan para umisod siya palapit kay Noah. Kaya ngayon ay sobrang lapit niya na sa lalaki. “Playing hard, huh. Paiwas-iwas pa, hindi rin naman matiis.” Rinig niyang bulong ni Lucas. Alam niyang siya ang tinutukoy nito. Hindi niya na pinatulan ang kapatid. Ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ay kung paano siya makakatakas doon. She’s really scared. Isinubsob na lamang niya ang sarili sa pillow na hawak niya. Ginamit niya rin ang dalawang kamay para ipangtaklob sa magkabila niyang tenga nang sa ganoon ay hindi niya masyadong marinig ang nakakatakot na sound effects ng horror movie na iyon. Kung kanina ay mabilis ang t***k ng puso niya dahil kay Noah, ngayon naman ay dumoble ang pagtibok niyon dahil sa takot. Sa tuwing manonood kasi siya ng horror movies ay napapanaginipan niya ang kung anumang napanood niya. Ilang gabi siyang hindi makakatulog at tanging iyon lamang ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Kaya hangga`t maaari ay hindi talaga siya nanonood ng mga ganoong palabas. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang pinili ni Lucas gayong alam nito ang epekto ng palabas sa kaniya. Naramdaman niya na lamang na may brasong pumulupot sa kanyang balikat at marahan siyang sinubsob sa matikas nitong dibdib ng sa ganoon ay hindi niya makita ang palabas. Sinapo rin nito ang kaliwa niyang pisngi at marahang hinimas iyon ng maibsan ang kaniyang takot. Amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki habang nakasubsob siya rito. Bahagya itong yumuko at tinapat ang bibig sa tapat ng kaniyang tenga. Tila natutunaw ang puso niya dahil sa ginawa nito. “Are you okay?” There’s different electricity running through her body as he whispered, nearly at her ear. “Are you scared?” His voice was so soft and makes her calm down. He hugged her tightly. Her hair on her nape rose when she felt he’s breathing on her neck. Sinasadya nitong itapat ang labi sa kaniyang tenga nang sa ganoon ay hindi niya marinig ang nakakatakot na tunog. “T…turn off the TV.” She was stuttering. Nagawa niyang ibulong iyon kahit naghuhumarintado na ang kaniyang puso. Wala na siyang naririnig na kahit anong ingay pero nanatiling nakayakap sa kaniya si Noah habang nakadikit ang mga labi sa kaliwa niyang tenga. Nakakakiliting sensayon ang namumutawi sa buo niyang sistema. Biglang naglaho ang pagseselos niyang naramdaman at ang tanging gusto niyang gawin ay manatili sa ganoon nilang pwesto. Ramdam niya pa ang paghinga nito sa kaniyang leeg at ang marahan nitong paghaplos sa kanyang buhok. He was trying to calm her but her heart thuds crazily. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Gusto niyang madama pa ang init na linalabas ng katawan ni Noah. All she wants that moment was him. He’s hugging her so tight and she’s afraid to let go. Baka kasi sa pagbitaw niya ay iyon na ang huling yayakapin siya ni Noah. Lumipas pa ang ilang sandali at napagdesisyunan niya ng kumalas sa mahigpit na yakap nito. Nakayuko siyang bumitaw dito tyaka tumingin sa kaliwa niyang bahagi. Wala na roon si Lucas. Kung ganoon ay hindi nito nasaksikan ang pagyakap sa kaniya ni Noah. She sighed in relief. Buti naman kung ganoon baka asarin lamang siya ng kaniyang kapatid kung nanatili pa rin si Lucas doon. “Kailangan ko na sigurong bumaba.” Tumayo na siya at akma nang aalis nang pigilan ni Noah ang kamay niya. Muli siyang napa-upo sa tabi nito. Madilim sa loob ng kwarto pero sapat na ang liwanag ng araw na sumisilip sa nakaawang na kurtina para makita nila ang isa’t isa. Hindi pa rin binibitawan ni Noah ang kamay niya kahit nanatili na siya sa tabi nito. His face turns somber. Hinuli nito ang kaniyang paningin kaya ngayon ay para siyang nauupos na kandila dahil sa titig nito sa kaniya. “What’s wrong?” He inquired. “Did I do something wrong?” Mahihimigan ang lungkot sa boses nito. Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. “Wala.”  “Then, why are you avoiding me?” Noah asked confusedly. “Sinong may sabing iniiwasan kita?” Gusto niyang batukan ang sarili. Kahit naman sino ay mahahalata na iniiwasan niya talaga si Noah. Sinandal nito ang likuran sa sofa at nagtungo ang paningin nito sa kamay nilang magkahawak. “It’s obvious, Maribelle. Kaninang umaga mo pa ako iniiwasan.” Kinuha niya ang kamay niyang hawak nito. He was pouting. Kahit may kadiliman sa kwarto ni Lucas ay kita niyang nakalabi ito. “I’m sorry if I did something wrong to you.” Muli nitong kinuha ang kamay niya at marahang pinisil-pisil iyon. “I really am sorry, Maribelle.” Nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Kung ganoon humingi ng tawad ang lalaki ay parang mas gugustuhin niya ng magalit dito minu-minuto. His acts were heart-warming.  “Wala ka namang kasalanan kaya bakit ka humihingi ng tawad?” “Pero pakiramdam ko ay may nagawa akong hindi mo nagustuhan kaya umiiwas ka sa akin.” Noah said despondently. Hindi kasalanan ni Noah kung bakit kinakain siya ng selos sa tuwing nakikita niya itong may kausap na iba. Wala siyang karapatan na sisihin ito sa mga estrangherong damdamin na kaniyang nararamdaman sa tuwing kasama ito. Puso niya ang problema. Ito ang dapat sisihin niya dahil sa walang awat nitong pagtibok para kay Noah. She glanced up at him. “Wala kang ginawang kasalanan. Kung iniisip mong iniiwasan kita ay hindi ganoon iyon.” She drew a breath and smiled. “Tara na sa baba. Baka hinahanap na tayo ni Dad.” Nagtungo sila sa salas at magkatabing naupo sa sofa. Lumabas si Lucas at ang kaniyang ama sa kusina. May dala ang mga itong potato chips. Masama niyang tiningnan si Lucas pero inosente lamang itong tumingin sa kaniya. Paniguradong sinadya nitong iwanan silang dalawa ni Noah sa loob ng kwarto nito. Gayonpaman, nagpapasalamat siya sa kapatid. Dahil doon ay naliwanagan ang puso niya na hindi niya dapat iwasan si Noah dahil lamang kinausap nito si Eliza. Kailangan niya rin sigurong tanggapin na hindi para sa kaniya ang lalaki. Inabot ng ama niya ang hawak nitong potato chips kay Noah. Kinuha naman iyon ng lalaki tyaka binigay sa kaniya. Natawa siya sa reaksyon ng kaniyang ama. Hindi kasi nito inakalang iaabot ni Noah sa kaniya ang binigay nitong chips. Agad namang nag-react ang puso niya sa simpleng ginawang iyon ng lalaki. “Sayo ko ibinigay `yan, Noah. Hindi mo na dapat binigay kay Alora. Hindi ka niyan titirahan.” Sabi ng kaniyang ama at umiling-iling pa. Binato niya ang ama ng isang pirasong potato chips na hawak niya. “Ngayon pinagdadamutan niyo na ako. I’m your daughter, Dad. Baka po kasi nakakalimutan niyo.” She sarcastically uttered. “Binibiro lang naman kita.” Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD