Third Person's Point of View PARANG hinahabol siya ng kung ano nang lumabas siya sa bahay nila. Wala siya sa sariling nagtungo sa garden at doon linabas ang lahat ng inis niya. Kinalma niya ang sarili. ‘Of all people in this world, bakit ang lalaking iyon pa ang naging bunsong anak ni Tita Haidee?!’ “Is he?” Napapitlag siya ng may narinig siyang nagsalita. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Ginala niya ang paningin sa kabuuan ng garden pero hindi niya ito makita. She was flabbergasted when Noah jumped out from the tree. Ngayon ay nasa harapan niya na ito at tila hinihigop ng blanko nitong mga mata ang buo niyang enerhiya. Those eyes… those eyes were emotionless again. Wala na iyong masuyong pagtingin nito sa kaniya. Sa paraan ng pagtingin nito ngayon ay

