Kabanata 23

1792 Words
Third Person's Point of View “MARIBELLE, itapon mo nga muna itong basura sa labas. Maya-maya lang ay daraan na ang truck ng basura.” Utos ni Manang Rosie.             Tanging sila pa lamang ni Manang ang nasa kusina kaya wala itong ibang mautusan. Kinuha niya ang isang bungkos ng garbage bag. Kahit hihikab-hikab pa ay lumabas siya ng bahay para itapon ang basura.             She was about to put the garbage in the garbage bin when she noticed a handsome tall guy looking at their house. He’s wearing faded jeans and a white T-shirt. He’s also wearing shades. Sa likod nito ay ang kotse nitong Black Bugatti.             Maganda ang tindig nito at tikas ng katawan. She was startled when his gaze met hers. Tinggal nito ang shades. Ngayon ay sa kaniya na ito nakatingin. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. Parang pamilyar sa kaniya ito. She gave him a scrutinizing gaze. Pinag-aralan niya ito mula sa manipis nitong mapupulang labi, matangos nitong ilong at ang kulay kayumanggi nitong mga mata. He’s now walking towards her with a big smirk on his lips. Ganoon na lamang ang panlulumo niya ng makilala niya ang lalaki.             “What are you doing here?!” She shouted. Kulang na lang ay umusok ang butas ng ilong niya para sabihing galit na galit siya. “What do you think?” He smugly inquired. Pinasadahan siya nito ng tingin. Hindi pa rin mawala-wala ang mapaglarong ngiti nito. Binitawan niya ang garbage bag at dinuro-duro ang kaharap. “Ang kapal din naman ng mukha mong sundan ako!” Namayawang siya sa harap nito. “Are you still into me that’s why you’re now stalking me?!”  Puno ng kumpiyansa niyang tanong. Iyon lang naman ang naiisip niyang dahilan para magpakita sa kaniya ang kahuli-hulihan niyang ex-boyfriend na nagpasakit sa kaniyang ulo. He let out a short laugh. Namamangha itong tumingin sa kaniya. “Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko nyan?” He haughtily asked. He smiled making her frown. Bilib din siya sa lakas ng hangin nito. Kung alam lang nitong sinusuka niya ang sarili dahil nagpadala siya sa ka-sweet-an kuno nito. She grimly looked at him. “For your information, pinagsisisihan kong sinagot kita. Sino ba namang tangang babae ang nanaising maging boyfriend ka?” Naasar talaga siya sa tuwing sumisilay ang pilyo nitong ngiti.  “Paano ba `yan? Marami silang nagkalat.” Kumawala ang halakhak sa mga labi nito. Napamaang siya dahil dito. Ang kapal talaga ng mukha! Her eyes widen when that annoying man suddenly entered their house. Magpapakilala ba ito sa magulang niya bilang boyfriend niya? No! Mabilis niya itong hinabol para pigilan. Hindi pwedeng makilala ito ng magulang niya. Tinakbo niya ang kinaroroonan ng lalaki pero tuluyan na itong nakapasok sa bahay nila. Bagsak ang balikat niyang tumingin sa kaniyang mga magulang na kasulukuyang bumababa sa hagdan. Maging si Tita Haidee ay napatigil din sa paglalakad papuntang kusina dahil sa pagdating ng asungot na iyon. Akma niyang hihilahin ang braso ng lalaki para paalisin na roon nang ganoon na lamang siya tinakasan ng lakas dahil sa narinig. “Good morning, Mom.” He was smiling. He’s now hugging Tita Haidee. “Iyan na ba ang bunso mong anak, Haidee?” Masiglang tanong ng kaniyang ina habang lumalapit sa mag-ina. “Bram, meet your Tita Trish and her husband— Charles.” Masayang pakilala ni Tita Haidee. “Nice to meet you, Tita and Tito.” Nakipagkamay si Bram sa kaniyang ama  at pagkuwan ay hinalikan ang likod ng palad ng kaniyang ina. “What a sweet guy.” Kinikilig pang sabi ng kaniyang ina. Nanuyo ang kaniyang lalamunan dahilan para hindi siya makapagsalita. Nasa likuran lamang siya ng mga ito. Mapakla siyang ngumiti. Bakit nga ba hindi niya napagtanto na si Bram na binabanggit ni Tita Haidee at ang Bram na ex-boyfriend niya ay iisa? Hindi maaaring malaman ng mga ito na may namagitan sa kanila ng lalaki. “Ang gwapo mong bata, Bram!” Marahan pang pinipisil ng ina ang magkabila nitong pisngi. Namula ang lalaki dahil sa ginawang iyon ng kaniyang ina. Kung alam lang ng mga ito ang kasutilan ng lalaking iyon. She was flabbergasted when she didn’t notice that her mom was already on her side and grabbed her. Hinarap siya nito kay Bram. “This is my daughter— Maribelle Alora.” Iba ang tono ng pananalita ng kaniyang ina. Parang may gusto itong ipahiwatig na mukhang alam niya na kung ano. “Kasing edad mo lang din siya.” Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Bram. Linahad nito ang kamay sa kaniya. Hindi sana siya makikipagkamay dito kung hindi lang siya siniko ng kaniyang ina. Kung wala lamang ang magulang niya sa harapan nila ng lalaki ay natadyakan niya na ito. In a blink of an eye, Bram’s lips were now kissing the back of her palm. Gusto niya na itong batukan. Bago pa siya makagalaw ay naramdaman niya ang presensiya ng lalaking dahilan ng pagwawala ng kaniyang puso. “Nice to see you again, Bram.” Nakalapit na si Noah sa kanila. Ang mga mata nito ay dumako sa kamay niyang hawak ni Bram. Buong lakas niyang kinuha ang kamay sa lalaki. Bigla ay nakaramdam siya ng hiya kay Noah. She doesn’t know if she was hallucinating or it was true that she saw different emotion flickered in Noah’s eyes. Parang hindi nito nagustuhan ang ginawang iyon ni Bram sa kamay niya. “Nice to see you too, Bro,” Bram answered. “Before anything else, let’s have breakfast first.” Masiglang sabi ng kaniyang ina. Pumunta na ang mga ito sa kusina samantalang naiwan sila nina Noah at Bram doon. Hindi niya kayang iiwas ang tingin sa kulay gabing mata ni Noah. Masinsin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. May kahulugan ang tingin nito at hindi niya malaman kung anong nais nitong ipahiwatig. Different emotion was now spreading like venom through every fiber of her being and it was starting to consume her. Tila nakikita niya ang nangingislap na bituin sa mga mata ni Noah. “Tara na kumain.” Sa wakas ay nagawa niyang iiwas ang paningin dito. Nauna siyang naglakad papunta sa kusina. Sa tabi ni Noah umupo si Bram. Buti naman at hindi sa tabi niya ito umupo. Naroon na si Lucas at nagsisimula na palang kumain. Nang makapagdasal sila ay tahimik lang siyang kumain. Bukod sa naiinis siya sa presensiya ni Bram ay ramdam din niyang may mga matang nakamasid sa kaniya. Hindi niya na kailangang mag-angat ng paningin para malaman kung sino iyon. Kanina pang hindi magkandamayaw ang puso niya kaya alam niya na. “May girlfriend ka ba ngayon, Bram?” Her mom asked. She gasped. Gusto niyang takpan ang magkabilang tenga dahil mukhang alam niya na kung saan ang patutunguhan ng usapang iyon. Bram looked at her meaningfully. Pinandilatan niya ito ng mata. H`wag lang talaga itong iimik ng sala at talagang pupuruhan niya ito mamaya. “Wala po, Tita.” He answered then glanced at her. “Pero nagkameron na po.” Mahigpit ang pagkakakapit niya sa kubyertos. She secretly glanced at Noah. Tahimik lamang ito at tila walang balak umimik. Naninibago siya sa katahimikan nito. Hindi naman ganoon ang lalaki. “As expected,” Tita Haidee rolled her eyes. Mukhang alam nito ang kapilyuhang ginagawa ng bunsong anak. “Kung gaano kabait at magalang itong si Noah ay siyang kasutilan ng bunso ko.” “I was just enjoying my life, Mom.” He was grinning from ear to ear like an idiot. Hindi niya na napigilan ang sariling h`wag mapairap. Lalo na noong binaling nito ang tingin sa kaniya at pasimple siyang kinindatan. Her mom chuckled. “Madalas bang mag-away si Noah at Bram? Alam mo na, away magkapatid?” Tita Haidee wiped her lips by the tissue and looked at her two handsome sons sitting on her left. “Minsan nagkakapikunan. Mapagpasensiya kasi itong si Noah kaya hindi niya na pinapatulan ang kakulitan ni Bram.” She proudly said while looking at Noah. Tila may kumirot sa puso niya ng wala man lang siyang nakitang emosyon sa itim na itim na mata nito. Bigla ay nawala ang nangingislap na bituin sa mata ng lalaki. Tanging sa plato lamang ito nakatingin at hindi man lang magawang sulyapan ang ina na ngayon ay humahaplos sa pisngi nito. There’s different emotion flickered in her eyes. Hindi siya sanay sa inaasta ng lalaki. She used to see his dark yet dazzling eyes while pointing at her. She used to see his heartwarming smile that demolished her world. She wants him to be near her. But just a matter of a second, she doesn’t know his eyes anymore. Those eyes that were so emotionless now. “May kakulitan din `yang pinakamamahal mong anak, Mom. Kung alam mo lang.” A loud laugh escaped on Bram’s lips. “Siya nga pala, ipapalagay ko ang kama na nasa stock room sa kwarto ni Noah. Pasensya na. Kulang na kasi ang guess room kaya kung maaari ay mag-share na lang kayong magkapatid sa iisang kwarto.” Her mom timidly said. “Ayos lang po iyon, Tita.” Saad ni Noah. Nang matapos silang kumain ay linapitan siya ng kaniyang ama para maghatid ng isang magandang balita. “H`wag ka ng pumunta sa Café, Alora. I already called Crisha to manage the Café whenever you’re not around.” Siniil niya ng yakap ang ama. “Thank you, Dad.” Isang marahang tapik sa likod ang tugon nito. Kumalas siya rito at natagpuan niya na lamang ang sarili na nakikipagtitigan na sa kulay gabing mata ng lalaking dahilan ng pagyanig ng kaniyang mundo. She smiled at him but she didn’t get any response. Kung maaari niya lamang itong lapitan at isiil sa isang mahigpit na yakap pero hindi naman niya pwedeng gawin basta-basta iyon. Matagal niya ng nais madama ang mainit na yakap ni Noah. ‘Iyong yakap na may kasamang pagmamahal.’ Naputol ang masayang sandaling iyon ng mukha na ni Bram ang ngayo`y nasa harapan niya. She frowned. Panira ng moment! “Can you help me to unpack my things, beautiful woman?” He annoyingly smiled. She rolled her eyes. She really hates that man. Bakit niya ba ito sinagot? “Hindi mo ako katulong.” She boldly said. “Porket nag-break lang tayo ay ganyan ka na?” Nanunuyang saad nito. Kaunti na lang ay masasapak niya na ito. Laking pasasalamat niya dahil  wala ng tao sa kusina kung hindi sila na lamang dalawa. Hindi niya na rin alam kung saan nagpunta si Noah. “Don’t you ever tell them that we’re ex-lovers!” She’s blackmailing him. “I’ll probably kill you!” Akma niya na itong tatalikuran ng muli na naman itong magsalita. Pigil ang inis niyang tiningnan ito. “What’s wrong if they will know that you once dead-over-heels on this handsome seductive face, beautiful woman?” He smirked. Damn it! “You know what?” Inismiran niya ito. “f**k you!” Parang hinahabol siya ng kung ano nang lumabas siya sa bahay nila. Wala siya sa sariling nagtungo sa garden at doon linabas ang lahat ng inis niya. Kinalma niya ang sarili. ‘Of all people in this world, bakit ang lalaking iyon pa ang naging bunsong anak ni Tita Haidee?!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD