Kabanata 22

1803 Words
Third Person's Point of View HER words hang in the air when Noah suddenly called their names. Sabay silang napatingin sa gawi nito. Hindi na kumakain ang dalawa at kasulukuyang nakatayo na. “Let’s ride a bike.” Anyaya ni Noah. Tumayo si Lucas at inilahad ang kamay sa kaniya. Kinuha naman niya iyon bilang suporta sa pagtayo. Lumapit si Lucas kina Noah bilang pagsang-ayon. Samantalang siya ay nanatiling nakatayo roon at walang mahihimigan na emosyon. Hindi niya iiwasan si Noah pero siguro dapat niyang idistansya ang sarili sa tuwing kasama nito si Eliza. Ayaw niya ng magmukhang hangin sa tuwing magkasama ang dalawa. Nanatiling nakatingin si Noah sa kaniya. Hinihintay ang kaniyang sagot kung sasama ba siyang mag-bike paikot sa lake. “Kayo na lang. Medyo masakit ang mga binti ko.” Pagsisinungaling niya. Akma na siyang uupo nang magsalita ulit ito. “I’ll give you a ride.” A heart-warming smile was now curving on Noah’s lips. Kita niya ang palihim na pagkindat ni Lucas. Sinasabi nitong pumayag na siya na umangkas kay Noah nang sa ganoon ay masolo niya ang lalaki. Gusto niya itong makasama. Gustong-gusto niya. “H`wag na lang. Ayos lang ako rito.” Kabaligtaran ng kagustuhan niya ang lumabas sa kaniyang bibig. She doesn’t know if she’s just hallucinating or she really saw disappointment and sadness on Noah’s face. Hindi ito nagsalita bagkus ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito at ayaw niya sa pakiramdam na dinudulot nito ngayon sa kaniya. “Can you teach me how to ride a bike, Noah?” Sinukbit ni Eliza ang mga kamay nito sa kaliwang braso ng lalaki. Malandi pa itong ngumiti at nang-aakit na tiningnan si Noah. Parang nais niyang hubarin ang suot niyang burkinstock sandals at ihambalos sa pagmumukha ni Eliza. Hindi niya gusto ang paraan ng pagkakatitig nito sa lalaking gusto niya. But her heart was singing with happiness when Noah doesn’t entertain Eliza. Instead, he’s still staring at Maribelle. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil sa simpleng ginawa nito. “Hahawakan kita…” Lumamlam ang boses ng lalaki at masinsing nakatingin sa kaniya. “Hindi kita hahayaang mahulog.” Parang dalawang kahulugan ang sinabing iyon ni Noah. It feels like a night light hits her heart when he said it. Muli na namang tumigil ang mundo niya at mukha lamang ng lalaki ang tangi niyang nakikita. Sumabay pa ang biglang paglakas ng simoy ng hangin na siyang dahilan para sumabay sa pagsayaw ang buhok ni Noah na mas lalong nagpagwapo sa paningin niya. “Paano mo pa ako masasalo kung nahulog na ako sayo?” She whispered and she’s the only one who heard it. Napahugot siya ng isang malalim na buntong hininga.  “Promise, I won’t let you fall. Don’t be scared. I’m here.” Sa mga katagang sinabi ng lalaki ay parang sinabi na rin nito na h`wag siyang matakot na mahulog ng tuluyan. Na h`wag siyang matakot suungin ang madilim na bangin dahil nandoon lang ito para samahan siya at bigyan ng ilaw. Sana nga nakahanda ang mga braso nito para saluhin siya sa oras na tuluyan siyang mahulog. Sana handa siyang yakapin ng mga bisig ni Noah kung sakaling hindi na karaniwan ang nararamdaman niya para rito. “C`mon, magdidilim na. Let’s have a ride.” Sumakay na si Lucas sa sarili nitong bike. “Noah, I can’t ride a bike.” Mas lalong hinigpitan ni Eliza ang pagkakakapit sa braso ni Noah.  Hindi raw ito marunong mag-bike samantalang nakikita niya ito sa labas ng bahay nila na kung hindi nagjo-jogging ay nagba-bike ito. Palihim siyang napairap. Gustong-gusto niya ng sungalngalin ang babaeng iyon kung pwede lang. “Lucas will teach you.” Nakangiting saad ni Noah at dahan-dahan nitong inalis ang kamay ni Eliza nakahawak sa braso ni Noah. Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Eliza nang tumalikod na si Noah dito at pinuntahan ang kinaroroonan ng bike. “Which is your bike here, Maribelle?” Binaling ni Noah ang paningin sa kaniya. Lumapit siya sa lalaki at tinuro rito kung alin ang bike niya. Her heart nearly leaped out in her ribcage when Noah pulled her closer and place the helmet on her head. Halos kapusin siya nang hininga nang yumuko ito para i-lock ang helmet. Their faces were just inches away from each other. Dumako ang mga mata niya sa mapupula nitong labi na minsan nang dumampi sa sulok ng labi niya. Kulang na lang siguro ay magdala na siya ng oxygen para sa tuwing magkakalapit sila ni Noah ay hindi na siya mauubusan ng hangin. Noah leveled his face on her and gently tapped her head. He scrumptiously smiled at her. “Tayo na.” “Huh?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Tayo na mag-bike.” Noah was rubbing his neck. Mannerism talaga nitong himasin ang leeg sa tuwing nahihiya ito. Her face painted red. Iyon na naman ang kakaiba niyang pag-iisip. Sumakay na ito sa bike at siya naman sa pangalang bicyle seat. Noong una ay nahihiya pa siyang kumapit sa damit ni Noah. Ganoon na lamang ang pagkagulantang niya nang kunin ng lalaki ang magkabila niyang kamay tyaka pinulupot sa bewang nito. Napayakap siya nang mahigpit rito. “Hold tight. Baka mahulog ka.” Paalala ni Noah bago ito nagsinimulang magpedal. Noong una ay mabagal ang pagpedal nito pero ng medyo malayo na sila sa kinarooon ng lake ay doon na bumilis ang pagpedal nito. She was tightly hugging him from behind. Ang tigas ng kalamnan nito at nasisiguro niyang may mga pandesal din ito sa tyan. Nakakapa niya iyon. Kung hindi niya lamang kasama si Noah ay natampal niya na ang sarili. Iyon na naman siya sa malaswa niyang pag-iisip. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa likuran nito. Hindi niya alintana ang malamig na simoy nang hangin na tumatama sa kaniyang mukha at ang madilim na kapaligiran na bumabalot sa paligid ng tuluyan nang lumubog ang araw. Mayroong street lights namang nakapalibot sa daan. She was looking into the night sky and billion of stars were now shining. “Hindi sila umalis.” Nakangiti siya habang nakatingala sa mga tala. “Hinintay talaga nila ang oras para sila naman ang magningning.” Hininto ni Noah ang bike sa gitna ng daan. Nanatili silang nakasakay doon at nanatili siyang nakayakap dito. Noah was looking into the night sky with a big smile on his face too. “I told you. The moon and the stars are meant to be.” Noah looked at her straight to her eyes. “Tinadhana silang dalawa kaya hindi nila iiwan ang isa’t isa.” Thunderous lightning with electric shock hit every nerve of her body and every fiber of her being when Noah held her hands that snaking on his abdomen. ‘How I wish we’re meant to be, Noah.’ He was looking at her while his hands were still holding hers. Halos kapusin siya ng hininga dahil sa ginawa nito. Sa ilalim ng bilyon-bilyong bituin ay nandoon sila ni Noah sa gitna ng daan sakay ng bisikleta habang hawak nito ang kamay niyang nakayakap dito at masinsing nakatingin sa mata ng isa’t isa.  She felt like someone jolted her heart awake. It was a perfect and romantic moment for her. Kung tingnan nila ang isa’t isa ay tila may namamagitang pagmamahal sa kanilang dalawa. She can’t feel sadness while staring at the stars. Marahil ang gusto niyang mahawakan ay ngayon ay yakap niya na pero hanggang kailan niya ito mahahawakan? A scrumptious smile spread on her lips. “Naniniwala ka ba na kahit hindi itinadhana ang dalawang bagay ay may paraan para mabago ang kapalaran nilang dalawa?” Parang hinihigop nito ang buo niyang enerhiya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. “Handa kong gawin ang kahit anong paraan.” Nagtaka siya sa isinagot nito. “Anong ibig mong sabihin?” Nagpakawala lamang ito ng isang maiksing tawa at binaling ang paningin sa mga bituin. “Kung maaari ko lang iguhit ang mga tala sa paraang nais ko, hindi ako magdadalawang isip na baguhin ito.” “Bakit gusto mong baguhin ang mga tala?” Tumayo siya at pumunta sa harapan ng bike para hindi ito mahirapang tingnan siya. “Hindi pa ba sapat sayo ang ningning nito?” Noah leaned forward to the reason why she stepped back. “Dahil masyado silang mapanlinlang. Pakiramdam ko ay  ang lapit-lapit lang nila sa`kin pero ang totoo, kahit anong gawin ko ay hindi ko sila kayang abutin.”  Tama ito. Tila ang lapit-lapit ni Noah sa kaniya pero ang katotohanan ay hindi niya ito pwedeng abutin. Emotion tightened her chest. She glanced into the night sky then heaved a sigh of dejection. “Ganoon nga talaga ang tadhana. Masyadong tuso maglaro.” Nabulong niya na lamang sa sarili at malungkot na nagpakawala ng isang malalim na bumuntong hininga. “Bumalik na tayo sa lake. Baka hinahanap na nila tayo.” Noah said with a sweet smile. Muli itong sumakay sa bisikleta at ganoon din siya. Tinahak nila ang daan patungo sa lake habang nakasandal ang kaniyang ulo sa malapad nitong likod. “Saan kayo galing?” Nagtatakang tanong ng kaniyang ina sa kanila ni Noah. Hindi siguro nito namalayan na umalis silang dalawa. “Naglibot lang po kami.” Sagot ni Noah. Madilim na ang kapaligiran. Nag-aalisan na rin ang ibang naroroon. Sinimulan na rin ligpitin ng kaniyang mga magulang ang kanilang mga gamit. “Aalis na tayo.” Saad ng kaniyang ina. Nang sulyapan niya si Noah ay naglingon-lingon ito sa paligid  na para bang may hinahanap. Kulang na lang ay ikutin nito ang kabuuan ng lake para matagpuan ang hinahanap nito. “May hinahanap ka ba?” Nagtatakang tanong ng kaniyang ina. Maging ito ay nahalata ang lalaki. “Nakaalis na po ba si Eliza?”  Noah asked inoccently as he looked around. Pain bubbled inside of her and it flickered in her eyes. It likes a million knives were stabbing again and again in her chest. She can feel her heart being ripped. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang sakit na kaniyang naramdaman nang marinig ang sinabi ni Noah. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng kaniyang puso dahil lamang sa hinanap nito si Eliza. Mali iyong nararamdaman niya. Hindi iyon tama pero wala siyang magawa kundi ang damhin ang kirot sa kaniyang dibdib habang ang taong gusto niya, hinahanap ay iba.   “Nagka-emergency daw sa Hospital kaya umuna na.” Sagot ng kaniyang ina.   She met the eyes of Noah for a second. She stared directly at him but she quickly looked away when pain flashes in her eyes. She can’t explain the unknown feelings inside her. Noong mga oras ding iyon, ang katotohanang pilit niyang tinatakasan ay ngayon ay sinampal sa kaniyang harapan. Gaya ng mga tala, gaano man niya gustuhing abutin ang lalaki pero ang tusong tadhana ay hindi hahayaang hawakan niya ang mundo nito.   Akma niya na itong tatalikuran pero pinigilan nito ang kaniyang braso. His gaze locked with her. Her heart began to pound and very specific parts of her body screamed in pain. Muling nagbitaw ang kaniyang bibig ng mga salitang hindi niya pinag-isipan.   “Kahit makasalanang pag-ibig ay handa kong ipaglaban makasama ka lang.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD