Kabanata 21

2357 Words
Third Person's Point of View INAAYOS na nila ang mga gamit na kanilang dadalhin sa lake. Medyo may kalayuan kasi iyon sa bahay nila kaya gagamit sila ng sasakyan. Ang kotse ng ama niya at ang kotse ni Noah ang napiling gamitin. Hapon na kaya napagpasyahan na nilang magtungo roon ng sa ganoon ay hindi mainit ang sikat ng araw.             Hindi na siya makapaghintay sa susunod na ikukwento sa kaniya ni Manang Rosie tungkol sa pag-ibig ni Aurora kay Aston. Base sa kwento ni Manang Rosie ay may nararamdaman din si Aston para kay Aurora. Hindi man nito diretsahin, base sa pagsasalita nito ay iyon na rin ang pinababatid niyon.             “Eliza, hindi ka naka-duty ngayon?” Bungad ng ina niya sa kakalabas lamang na babae sa bahay nito. Nakapambahay na lamang ito ngayon.             “Opo, Tita.” Nakangiti nitong sagot. Sumulyap ito sa mga gamit na linalagay nila sa wardrobe ng kotse. “Saan po ang lakad niyo?”             “Magpi-picnic kami sa subdivision’s lake.” Her mom answered. Napapikit siya sa inis ng sa tingin niya ay alam niya na ang susunod na sasabihin ng ina. “Do you want joining us?”             Eliza timidly smiled. Kunwareng nahihiya pa ito pero sa loob-loob nito ay tuwang-tuwa dahil makakasama na naman nito si Noah. Ramdam niyang may sumiko sa kaniyang tabi at nang lingunin niya ito ay si Lucas na suot-suot na naman ang nakakaasar na ngisi.  “Back off.” She grimly said. Mukhang mang-aasar na naman ito. Nginuso nito si Noah na ngayon ay nakikipagngitian na kay Eliza. Kinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa inis. At ngayon ay nakuha pa ng mga itong magngitian sa harapan niya. Hindi ka naman niya girlfriend, Maribelle. Bigla siyang pinanghinaan ng loob dahil sa naisip. Wala nga pala silang relasyon ni Noah kaya wala siyang karapatang magngitngit.             “Join us, Eliza. Para naman makapag-relax ka kahit minsan.” Anyaya rin ng ama niya.             Ano bang pakialam ng magulang niya sa pagre-relax ng babaeng iyon? Pinili nitong maging doktor kaya dapat lang na harapin nito ang stress sa trabaho.  “Hindi po ba nakakahiya?” Sa tono ng boses nito ay mukhang may balak nga itong sumama. ‘Dapat ka lang mahiyang bruha ka.’ “Ano namang ikahihiya mo? Hindi ka naman iba sa amin.” Saad ng kaniyang ina. “By the way, this is Noah and his mom—Haidee. She’s my amiga.” Masiglang pakilala ng kaniyang ina. Nakipagbeso-beso ito kay Tita Haidee samantalang nakipagkamay kay Noah.  “Kilala na po namin ang isa’t isa.” Nakangiting sabi ni Noah. “Nakakwentuhan ko siya kanina habang naglalakad ako sa subdivision.” “Oh, that’s nice.” Saad ni Tita Haidee. “So, we should go now.” Saad ng ina nang mailagay na lahat ng gamit sa kotse. “Kay Noah ka na lang sumabay, Eliza. Hindi na kasi kasya sa kotse ni Charles, eh.” Tila pinakukuluan ang dugo niya dahil sa inis. Kulang na lang ay umusok ang kaniyang ilong at tenga. Idagdag pa ang palihim na pang-aasar ng bunso niyang kapatid. Paano naman siya, aber? Saan siya sasakay? Sumakay na ang magulang niya sa kotse ng ama pati si Tita Haidee, Manang at Lucas. Samantalang hindi nakaligtas ang matamis na ngiting iyon ni Eliza nang sumakay ito sa passenger seat ng kotse ni Noah. She frowned. Ayaw niyang isiksik ang sarili sa kotse ng ama. But she doesn’t have choice. Mukhang wala namang balak si Noah na pasakayin siya sa kotse nito dahil nandoon na si Eliza. Akma niyang isisiksik ang sarili sa backseat ng kotse ng ama ng may pumigil na kamay sa kaniya. Her heart was beating so damn fast, it feels like she just finished a thousand-kilometer marathon just because their skin met again. Hindi niya na mabilang kung ilang beses nang hinawakan ni Noah ang kamay niya ngayong araw. Kahit mabilis ang t***k ng kaniyang puso ay sinikap niyang tumingin ng normal dito. “Doon ka na sa kotse ko sumakay. Hindi ka na kasya dyan.” Saad nito. She grimaced. “Ayos lang ako rito. Hindi naman ako mataba. Kaya kong isiksik ang sarili ko rito.” She swore under her breath.  He snickered. “Kahit gaano ka pa kapayat ay hindi ka na kasya riyan. Maluwag sa backseat nang kotse ko.” Kung noon ay pinagbubuksan pa siya nito ng pinto ng passenger seat nito pero ngayon ay back seat na lamang ang kaya nitong i-offer sa kaniya dahil may nauna nang iba. “Ayos nga lang ako rito. Pumunta ka na roon at h`wag mong paghintayin si Eliza.” She hoped she didn’t sound bitter. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili. “Sigurado ka bang hindi mo ako iniiwasan?”Sadness was visible in his eyes. Lumamlam ang kanyang mata nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Kumawala ang isang malalim na buntong hininga mula sa kanya. “Tara na sa kotse mo.” Gaya ng inaasahan, sa back seat siya nakaupo. Naunahan kasi siya ng higad na iyon. Nagmukha tuloy siyang third wheel ng dalawa. Hindi niya na mabilang kung nakailang irap na siya ng palihim habang minamaneho ni Noah ang kotse nito. Ilang beses niya na kasing nahuli na sinusulyapan ni Eliza si Noah tapos ay ngingiti.  How she wishes she could push that slut out of Noah’s car. She thought that the picnic will be one of the happiest days of her life. But she’s wrong. Instead, it was the worst day of her life. “Hindi ba’t paborito mo ang Black Bean Noodles?” Nakangiting tanong ni Eliza kay Noah. Napukaw ang atensyon niya sa sinabi nito. Kanina lang nagkakilala ang dalawa pero ang dami ng alam ni Eliza tungkol kay Noah. Her heart ached. But she ignored the twinge of jealousy. “Oo, nasabi mo ring paborito mo rin `yon.” Sumulyap si Noah kay Eliza. Kung mag-usap ang dalawa ay parang wala siya sa loob ng kotse nito. Para lamang siyang isang hangin na hindi nararamdaman ng mga ito. “May alam akong Korean Restaurant na masarap magluto ng Black Bean Noodles. Kung gusto mo ay sasamahan kita roon tutal rest day ko naman hanggang bukas.” Namumula ang mukha ni Eliza at malagkit kung tumingin kay Noah. Nang maiparada ni Noah ang kotse nito ay mabilis siyang bumaba roon. Tinulungan na lamang niyang dalhin ang mga gamit sa spot na napili nila. May ilang pamilya rin ang nagpi-picnic doon. Puwesto sila sa pinakamalaking puno. Tanaw na tanaw ang lake sa kinatatayuan nila. Isinantabi ng kaniyang ama ang tatlong bike na pinadala niya rito. Nang mailatag niya ang mantle sa damuhan ay isa-isang linagay ng mga ito ang pagkain sa ibabaw niyon. Ipinokus niya ang sarili sa pagtulong sa kaniyang ina pero sa tuwing nakikita niya si Eliza na kung makadikit kay Noah ay parang gusto na lamang niyang bumalik sa bahay nila at magkulong sa kwarto niya. Kesa naman masaksihan niya ang ibang babae na nilalandi ang lalaking gusto niya. Lumapit siya sa barbeque grill para sana ayusin iyon pero naunahan siyang kunin iyon ni Eliza. Naitikom niya ang kamay. “Kailangan mo ba ng tulong?” Lumapit si Noah kay Eliza. Mabilis tumango ang higad. Nanuot man ang sakit sa kaniyang dibdib ay mas pinili niyang talikuran na lamang ang dalawa. Jealousy rioting through her heart. She was fighting to feel it but the pain demands to be felt. Even her emotions tightened her chest. Nakaupo si Manang Rosie sa bandang dulo ng mantle. Tumabi siya kay Manang at sinandal ang ulo sa likuran nito. Hindi niya na makayanan na tingnan si Noah kasama si Eliza na inaayos ang barbeque grill. Kung tutuusin ay kayang-kaya na iyong i-set up ng isang tao. Hindi na nila kailangang tulungan ang isa’t isa. “H`wag kang magmukmok dyan. Masyado kang halata.” Sambit ni Manang. Lalo niyang siniksik ang ulo sa likuran nito. “I don’t want to see them.” She heaved a sigh of dejection. “Sa tingin ko naman ay walang espesyal na nararamdaman si Noah kay Eliza. Matulungin lang talaga siya.” Pampalubag-loob nitong sabi. “Lahat ng taong nagmamahal ay nasasaktan.”  She glanced into the sky. Tanggap niyang may kaakibat na sakit ang nararamdaman niya para kay Noah. “Hindi ko kailangang bulagin ang sarili ko dahil alam ko namang hindi masusuklian ang nararamdaman ko.” “Hindi madaling sumugal sa pag-ibig pero base sa pagsasalita mo ay batid kong tanggap mo na hindi lahat ng storya ay may kaakibat na saya.” Liningon siya ni Manang Rosie at marahang tinapik sa balikat. “Lahat tayo ay may kakayahang baguhin ang iginuhit ng tadhana. Ang iba lang sa atin ay hindi marunong maglaro at mas piniling maging mahina.”  Naiwan siya roon ng tumayo si Manang. Linapitan nito sina Noah at Eliza. Ito na ang nagbabangi ng barbeque. Nagpatulong ito kay Eliza kaya naiwan ang higad sa tabi ni Manang. She wants to thank Manang for doing that. Ngayon ay wala ng maidadahilan si Eliza para humingi ng tulong kay Noah. Nanatili siyang nakaupo roon habang pinagmamasdan ang lake. Mahaba ang lake na iyon na nakapalibot sa kabuuan ng subdivision.  Ang kulay kahel na araw ay nagrereplika sa tubig nito. Masyadong abala ang isip niya kaya hindi niya namalayang may tumabi sa kaniya. Natitiyak niyang si Lucas lamang iyon para asarin na naman siya. “We should always look beyond the clouds to see the stars.” Si Noah ang tumabi sa kaniya at hindi ang kapatid niya. Noah’s eyes were glimmered. He was looking to the clouds until his gaze met hers. “The stars are just hiding behind the clouds as it is still not their time to shine." Kulang na lang ay kapusin siya ng hininga ng muli itong ngumiti. Her heart was beating so fast. “Paano kung wala ng bituin ang nagtatago sa mga ulap?” There’s a hint of sadness in her eyes. Iniwas niya ang paningin dito at sa mga ulap tumingin. “Paano kung hindi naman talaga ang tala at buwan ang itinadhana?” For her, Noah is the stars and she’s the moon. They’re both dazzling in darkness but there’s always an eclipse to cover their lights. “Kung hindi talaga sila ang tinadhana, edi sana hindi sila magkasama.” He blew a breath. “Pero mayroong pinagtagpo pero hindi itinadhana.” She bitterly smiled. “Mga tala at buwan pa ba ang pinag-uusapan natin dito?” He giggled. “Mukhang tinutukoy mo na ang mga naging ex-boyfriends mo, ah.” Pinanlakihan niya ito ng mata at sumenyas na h`wag maingay. “Wala ka namang balak na iparinig sa kanila?” She sarcastically said. He laughed again but stop after a second. “Don’t do it again.” She froze when Noah rested his head on her shoulder. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang balat. “Do what?” She confusedly asked. “Tell me if I did something wrong to you, but please don’t ignore me.” He whispered but it’s enough for her to hear it. Kung sasabihin ba niyang layuan nito si Eliza ay gagawin nito? Lalo lamang niyang ibubuking ang sarili kung sasabihin niya iyon. “You didn’t do anything wrong.” A bittersweet smile tugged on her lips. Iyong puso niya lamang ang nakararamdam ng hindi dapat niya maramdaman.  “The food is ready. Let’s eat now.” Anyaya ng kaniyang ina. Sabay silang lumapit ni Noah sa kinauupuan ng mga ito. Inabutan siya nito ng paper plate at nakangiting kinuha niya iyon. Agad din iyong napawi nang makita niyang inabutan din ni Noah si Eliza ng paper plate. Inimbitahan din ng kaniyang ina ang mga pamilyang nagpi-picnic doon. Tanging tuna sandwich lamang ang kinain niya. She focused her eyes to the beautiful scenery in front of her. Ang kulay kahel na sikat ng araw ay tumatama sa kaniyang mukha. Napakagandang pagmasdan niyon. Ilang minuto lang at tuluyan ng lulubog ang araw at magsisimula nang maglitawan ang mga bituin at ang buwan. She unconsciously looked at her left side. Her heart clenched in unbearable pain as she saw how Noah smiled towards Eliza. Ang mga ngiti nito ay kakaiba kumpara sa ngiting pinupukaw nito sa kaniya. Magkatabi ang dalawa sa labas ng tent at matamang tinitingnan ang magandang tanawin habang nag-uusap. Mapait siyang napaismid. Bakit nakakalimutan na siya ni Noah? Bakit sa tuwing kasama nito ang babaeng iyon ay parang hangin na lamang siya sa paningin nito? Hindi niya na nagawa pang kainin ang hawak niyang sandwich. Her heart tightened inside her chest. Sa tana ng buhay niya ay ngayon niya lamang naramdaman ang ganoong pambihirang sakit. She blinked her eyes in innumerable times to prevent her tears from falling. Hanggang kailan niya ba pagmumukhaing tanga ang sarili? Mula pa lamang sa simula ay alam niya ng hindi sila pwede ni Noah. Kahit hindi niya aminin ay lihim na umaasa pa rin siya. Muling dumako ang kaniyang mga mata sa dalawang taong masayang nag-uusap. Sa pinakadulo ng mantle siya nakaupo. She’s like a loner. Para lamang siyang napadako sa gawing iyon at walang kakilala. Masayang kumakain ang kaniyang pamilya pero hayun siya at nagmumukmok sa tabi. Hindi naman tama na iwasan niya si Noah dahil lamang nagseselos siya. It’s her all fault. Hinayaan niya ang sariling magkagusto rito kaya dapat siya lamang ang sisihin. Hindi napawi ang lungkot sa kanyang mga mata kahit tumabi sa kanya si Lucas. May dala itong barbeque. He arrowed it to her but she didn’t accept it. “You’re stupid.” Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng kapatid. Sanay na siya sa harsh words nito. “I know.” Mapakla siyang ngumiti. “Staring them from afar and hurting yourself secretly?” Kunwaring namamangha itong tumawa. “That’s all I can do.” Liningon niya na ang kapatid. “Hindi ko naman sila pwedeng lapitan at paglayuin sa isa’t isa dahil unang-una ay wala akong karapatan.” Muling sumilay ang ngisi sa gwapong mukha ng kaniyang kapatid. Hindi niya akalain na nakikipag-usap siya rito tungkol sa buhay pag-ibig gayong anim na taon ang tanda niya rito. Pero kung magsalita ito ay parang mas marami pa itong alam sa kaniya. “Kaya mas pinili mo na lang na magmukmok dito at hayaan sila na magsaya?” He sarcastically asked. She puffed a deep breath. “Sinasabi mo bang pumunta ako sa kinaroroon nila at hadlangan ang kasiyahan nila?” “Exactly.” There’s a smirk on his lips. “You should know how to snatch what you want before others snatch it.” Ilang segundo siyang natigilan sa sinabi nito. Talaga bang katorse anyos lamang itong kapatid niya? Kung makapagsalita ito ay parang bihasa na sa buhay pag-ibig, ah.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD