Monica Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako dahil parang nakikita ko ang sarili ko kay Anika. Inosente sya! At di malabong mahulog ang loob nya kay Marcus. s**t! Naiinis lang ako dahil baka paglaruan lang din ni Marcus ang puso ng kawawang babae na yun at matulad sya sa akin. Nagmahal ng sobra.. sa huli ay nahulog at nasaktan! Yun lang. Kaya naiirita ako! Yun lang.. Pagbalik ko sa sala ay tuwang tuwa ang anak ko habang nakikipaglaro sa Anika na yun. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ko lang silang dalawa. Wala pa rin ako sa mood.. Maya maya lang ay nariyan na si Marcus.. "Punta lang ako sa drugstore. Ibibili ko lang ng mga gamot si Franchesca." Pagpapaalam ni Marcus. Hindi naman nya kailangang bilhan ng gamot ang anak ko dahil kumpleto naman ang lahat ng gamot nya. Pero hinayaan k

