Hindi ko alam kung bakit ba bigla na lamang pumasok sa isip ko na kailangan kong alagaan si Anika. Basta sa puso ko nararamdaman ko na napakahalaga nya. Napadalas pa ang dalaw ko sa bahay nila Anika. Lahat sila ay napakasayang kasama.. ang kanyang tatay Baldo at kapatid na si Junjun ay itinuring ko ding kapamilya.. Sa pagdalaw ko ay lagi akong may bitbit na pasalubong para sa kanila. Maliit na bagay lang sa akin ang mga iyon pero napakalaki na pala para sa kanila. Pagkatapos ng aming trabaho sa opisina ay niyaya ko ang buong pamilya ni Anika para kumain sa labas. Gusto ko lang silang makasama at magbigay ng pasasalamat dahil itinuring din nila akong parang pamilya na rin. Sinundo namin sila Tatay Baldo at Junjun sa kanilang bahay at pumunta kami sa isang Italian restaurant. "Nakakahiy

