Monica
I know, I don't have the right to be hurt. Because I already left him. I have already chosen my happiness with Vincent.
Pero bakit ganito? Ang sakit pa rin na makita syang may kasamang iba. Dapat sa panahong ito ay maging masaya na lang ako para sa kanya.
"Monica!" Pagtawag ni Vincent.
Nararamdaman ko ang galit ni Vincent. Sa simula pa lang ng party ng anak ko ay hindi na sya kumportable. Pakiramdam nya ay out of place sya dahil sa mga pamilya namin ni Marcus na nakasuporta sa anak namin.
Pero pilit ko naman tinatanggal sa kanya ang ganung pakiramdam. Kaya lang hindi talaga maiwasan.
"May problema ba?" Tanong ni Vincent
Lumapit sa akin si Vincent. He enveloped her arms around my waist.
Naramdaman ko ang pagpisil nya sa beywang ko.
"Wala naman Doc. Ayos lang naman kami. Babalik na kami sa table namin ha.." Si Marcus
"Babye po muna!" Si Anika
Nakita ko ang pagtalikod ni Marcus at ng Anika na yun. Nasaksihan ko pa ang pag-alalay ni Marcus sa secretary nya. s**t!
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko na ng ganito!
Naramdaman ko muli ang pagpisil ni Vincent sa aking tagiliran. Nilingon ko sya. Pero walang reaksyon ang kanyang mukha.
Alam ko. Galit na naman sya. At nakakatakot syang magalit. Nasaksihan ko na ang galit nya noon at hinding hindi ko na gustong mangyari pa muli iyon. Iba syang magalit. Talagang mararamdaman ang lahat ng pait.
Pagkatapos ng masayang party ng aming anak ay nagtungo kami ni Vincent sa condo nya. Naiwan nya kasi ang regalo nya kay Franchesca kaya kukunin lang namin ito. Sabi ko nga sa kanya ay sya na lang ang kumuha dahil marami pa akong gagawin sa mansyon.
Pero nagpumilit syang samahan ko sya. Ewan. Parang may kakaiba lang sa kanya ngayon.
Pagpasok pa lang namin sa kanyang condo ay padabog nyang isinara ang pinto ng condo.
Nagitla ako sa kalabog ng pinto na umalingawngaw sa loob ng condo nya.
I saw his anger thru his eyes. Nakakatakot! Heto na naman sya. Para syang demonyo kung magalit.
"Ano Monica? Nagsisisi ka na ba? Dahil ako ang pinili mo??" Sigaw nya.
Napalunok ako at lalong natakot sa mga ikinikilos nya. Lumapit sya sa akin.
Pero bawat hakbang nyang palapit sa akin ay syang hakbang kong paurong. Hanggang sa wala na akong maurungan.. pader na ang nasa aking likuran.
"Vincent.. ano ba ang sinasabi mo!" Sabi ko.
Nahablot nya ang ulo ko at inilapit sa kanyang mukha. Mas lalo kong nasaksihan ang nanlilisik nyang mga mata.
He kissed me aggressively.
Parang mapupunit ang mga labi ko nang pasadahan nya ng kanyang bibig at dila. Hindi ako makahinga at makalaban sa ginagawa nya dahil nasasaktan ako sa pagkakasabunot nya sa aking buhok.
Habang ang isang kamay nya ay hawak ang magkabila kong mga kamay.
Sobrang lakas nya!!
Pinunit nya ang suot kong dress kung kaya't lumantad sa kanya ang aking bra na nagtatakip sa aking dibdib.
"V-Vincent!!" Sigaw ko nang makawala ang aking bibig sa kanyang labi.
Sinubukan kong itulak sya pero hindi sya matinag sa kanyang ginagawa. Bumaba ang halik nya sa aking leeg.
He bit my neck..
Sobrang sakit ng pagkagat nya sa aking leeg.
"Vincent!! Tama na! Nasasaktan ako!"
Para syang bingi sa lahat ng iyak at sigaw ko sa kanya. Pero nagtungo ang mga halik nya sa aking dibdib.
Marahas nyang tinanggal ang aking bra. Lumantad sa kanya ang malulusog kong dibdib.
Naramdaman ko ang pagkagat nya sa tuktok ng aking dibdib! Kumirot ito! Sobrang sakit!
"Tama na!" Pagmamakaawa ko sa kanya
Pero ramdam na ramdam ko ang pagkagat, pagsipsip at pagsibasib nya sa magkabila kong mga dibdib.
Binuhat nya ako at dinala sa kanyang sofa.
Tuluyan na nyang sinira ang dress na suot ko. Gutay gutay na ito nang itapon nya sa kung saan..
Tanging underwear na lang ang natitira sa aking kasuotan.
"I want you! I want to f**k you! You're mine!! Hindi ka na nya makukuha pa sa akin!" Sabi nya.
Nagsimula na naman nyang kainin ang dibdib ko at pakiramdam ko ay may sugat na ito sa lakas ng pagkakagat nya sa mga dibdib ko.
Pinalibutan nya ng halik ang aking tiyan at naramdaman ko din ang pagkagat nya sa aking tiyan na malapit sa pusod. Sobrang sakit ng ginagawa nya. Pero hindi ko sya kaya!!!
"Please!! Tama na!!" Iyak ko sa kanya.
Pero hindi pa rin sya nakikinig at hinatak nya ang aking underwear pababa..
Sa pagkakataong ito ay niyakap ko ang sarili ko at wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang at hintayin kung kailan matatapos ang ginagawa sa akin ni Vincent.. nanghihina na rin ako at pagod nang lumaban.
Sobrang sakit ng dibdib ko.. sobrang sakit ng buong katawan ko..
Tanging mga hikbi ang maririnig sa akin..
Nang biglang..
"I'm sorry.. I'm sorry Love.. I'm sorry!" Sabi ni Vincent.
Niyakap nya ako at marahang hinalikan sa noo. Dumaloy din ang luha sa mga mata nya habang hinahalikan nya ako.
Marahan nya akong pinaupo at binalutan ng kumot.. niyakap pa nya akong muli habang patuloy sya sa paghalik sa aking noo.
Hinimas nya ang magkabila kong pisngi and he seriously looked into my eye..
"Ano bang nagawa ko..." bulong nya habang tinititigan ang aking mukha
Hinimas nya ang aking labi pero umiwas ako dahil sobrang hapdi nito. Nagkasugat ang labi ko dahil sa mga ginawa nya kanina.
Napansin ko din ang balikat ko na may malaking pasa at sobrang pula. Pakiramdam ko ay buong katawan ko ay may ganito. May bakas ng galit ni Vincent.
"Please.. huwag mo akong iiwan. Please.." pagmamakaawa nya.
Pero hindi ako kumibo. Sobrang sakit ng ginawa nya sa akin. Parang hindi ko na sya kilala.. parang hindi sya ang Vincent na minahal ko..
Unti unti ay nakikita ko na ang ugali nya. Kayang kaya nya akong saktan basta galit sya.. pero mahal na mahal ko pa rin sya..
Muli nya pang hinalikan ang noo ko at paulit ulit na humingi ng tawad.
***
Marcus
Ilang araw nang absent ang aking sekretaryang si Anika. Nag-aalala na ako kung kaya't tinanong ko ang H.R kung ano ang nangyari kay Anika.
"Sir may trangkaso pa rin sya hanggang ngayon. Yun po ang huling pag-uusap namin." Sabi ng HR .
Agad kong kinuha ang kanyang address. I need to see her. Baka kung ano na ang sakit nya.
Bago pumunta sa kanila ay bumili ako ng mga prutas. At dinamihan ko ang saging na paborito nya..
Ipinarada ko ang aking kotse sa isang squatters area sa Maynila.
Naglakad pa ako at ipinagtanong ang bahay ni Anika..
Huminto ako sa tapat ng isang barong barong. Puro pinagtagpi tagping kahoy at yero ang buong bahay nila. Maliit at masikip ang lugar na iyon.
Magulo at madumi ang paligid.
"Tao po!" Sigaw ko.
Pinagtitinginan na din ako ng mga tambay na nakatayo sa paligid ng eskinita.
Maya maya lang ay pinagbuksan ako ng isang lalaki. Mga edad diseotso anyos ang lalaking ito. Marahil ay ito ang nakababatang kapatid ni Anika.
"Good afternoon. Dito ba nakatira si Anika?" Tanong ko
Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa.
"Pasok ka kuya!" Sabi nito.
Tumuloy ako sa kanilang bahay. Malinis naman ang loob pero maliit ito gaya ng inaasahan ko.
Lumabas ang isang may edad na lalaki mula sa isang pinto. Ito yata ang kanyang ama na nagkasakit nung isang taon lang. Ayon sa kwento ni Anika.
"Magandang hapon po!" Bati ko
"Magandang hapon din naman.. Oh may bisita pala ang ate mo. Hala dali tawagin mo na sya!" Sabi nito
"Eto na nga tay eh. Saglit lang."
Nagpunta ang kapatid nya sa likurang bahay. Sa tingin ko ay parang may maliit na kwarto pa sa banda doon.
Maya maya lang ay lumabas na si Anika. Balot na balot sya ng kumot. Namilog ang mga mata nya nang makita ako..
"Ser!! Anong ginagawa mo dito??" Gulat na tanong nya.
Ngumiti ako sa kanya at inilapag ko sa kanilang mesa ang fruit basket na dala ko para sa kanya.
"S-salamat Ser.." nahihiyang sabi nya.
I heard her father clearing his throat. And he cleared his throat much louder.
"Ah. Ser. Tatay ko nga pala. Tay boss ko si Ser Marcus!" Pagpapakilala nya
Ngumiti sa akin ang tatay ni Anika at kinamayan nya ako.
"Ser. Yung pogi naman sa likod mo, kapatid ko yan si Jun jun.." sabi pa nya.
Ngumiti at kumaway pa sa akin ang kapatid nya.
Kahit ngayon ko pa lang nakilala ang kanyang pamilya ay nakakasiguro akong mabubuti silang tao.
"Jun jun. Bumili ka ng softdrinks saka tinapay oh para sa bisita! Bilisan mo na!" Utos ng tatay
Nahiya naman ako sa mainit na pagtanggap nila sa akin. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon nila pero naghanda pa rin sila ng merienda para sa akin.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin Hijo ha. Maliit lang!" Sabi pa ng tatay nya
"Ayos lang ho." Sabi ko
Maya maya lang ay dumating na si Jun Jun dala dala ang merienda na ipinabili ng tatay nya.
Inihain nila ito sa aking harapan. Hindi ako tumanggi dahil nakakahiyang tanggihan ang grasya.
"Bakit ka ba nandito Ser? Nahihiya tuloy ako sayo!" Si Anika
"Nag-aalala ako sayo. May sakit ka daw. Baka kung ano na yan. Dalhin na kaya kita sa ospital?" Alok ko
Tinawanan nila akong lahat sa mga sinabi ko. Pero bakit kaya? Seryoso ako sa mga sinasabi ko..
"Hay nako Ser. Kaming mahihirap sanay na sa sakit. Ipapahinga lang namin to ayos na. Mas magkakasakit kami kapag nakita namin ang nga hospital bills." Natatawang sabi ni Anika.
"Oo nga hijo. Lagnat laki lang yang sakit ni Anika!" Dagdag naman ng kanyang ama.
Napabuntong hininga na lang ako. Magkaiba pala talaga ang mundo namin. Sanay kasi kami na magpatingin sa doctor kapag masama ang pakiramdam. Pero sa katulad nila, ay mas mabuti nang sa bahay nalang magpagaling at tiisin na lang ang sakit.
Maya maya lang.. may kumalabog sa pintuan nila Anika.
"Hoy!!! Baldo!! Magbayad na kayo ng upa. Limang buwan na ang utang nyo sa upa ha!!! Mahiya naman kayo!!" Sigaw ng isang may edad na ring babae.
Napatingin ako kay Anika at tila nangamba..
Binuksan ng tatay ni Anika ang pinto at bumungad sa amin ang isang babae na nakapameywang at magkasalubong ang dalawang kilay.
"Aling Dory. Wag naman po kayo mageskandalo. Magbabayad ho kami sa susunod na linggo. Ibinili kasi ng anak ko ng gamot ko ang pera. Pangako sa susunod na linggo. May maganda nang trabaho ang anak ko.!" Pagpapaliwanag ng kanyang ama
"Oo nga Aling Dory. Pangako sa susunod na linggo po!" Dagdag pa ni Anika.
Nagsalubong lalo ang mga kilay ni Aling Dory at mas lalong nainis sa mga sinabi ng mag-ama!
"Paano naman ang pamilya ko!!!! Wala na rin kaming makain. Magbayad kayo ngayon o aalis kayo bukas?? Magbarangayan na tayo!!" Sabi pa ni aling Dory.
"Huwag naman po Aling Dory pag-usapan pa po natin ito ng mabuti.." pagmamakaawa ng tatay ni Anika
Nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata ni Anika. Para bang hindi na alam kung paano ba lulusutan ang lahat ng bayarin nila..
Tumayo ako at kinuha ang wallet sa bulsa ng aking pantalon..
"Aling Dory magkano ho lahat ang utang nila sa inyo?" Tanong ko
Tinignan ako ni Aling Dory mula ulo hanggang paa.. at ngumiti.
"Ten thousand lahat para sa limang buwang utang!" Sabi nya
Binilang ko ang pera sa harapan nya at binigyan ko sya ng ten thousand.
Maganda ang mga ngiti ni Aling Dory nang masilayan ang pera.
"Salamat! Magbabayad din pala kayo eh!" Sabi nito sabay talikod na sa amin at umalis .
Napaawang ang bibig ni Anika sa lahat ng nangyari..
"S-ser.. salamat. Ibawas mo na lang sa sweldo ko." Nahihiyang sabi nya..
I just gave her a warm smile.
"Bayaran mo na lang kapag nakaluwag luwag ka na. Huwag mong pwersahin" sabi ko.
Alam kong pinipigilan nya ang kanyang mga ngiti..
"Bakit ba ang bait bait mo sa akin Ser?" Tanong nya..
I sighed..
Tinignan ko ang mga mata nya..
"Because you are special!" Sabi ko.
Sinuntok nya ang braso ko..
"Siraulo mo! Pero salamat boss amo kong pogi ha.." sabi nya
Mula ngayon ay gusto kong alagaan at protektahan si Anika sa paraang kaya ko..