"Good morning Boss Amo pogi!" Magandang bati ni Anika isang umaga.
Napakurap ang dalawa kong mata dahil ilang araw nya akong iniiwasan pagkatapos ng mga pangyayari sa cafeteria.
She came back to normal.. my crazy and very funny secretary.. and she made me smile again..
"Oh.. good morning Ms. Hotdog girl!" Bati ko sa kanya.
Namiss ko ang kakulitan nya. Ilang araw syang hindi nangungulit. Ilang araw syang tahimik at hindi magaslaw. Namiss ko ang baliw kong sekretarya.
Tinaas taas nya ang kilay nya at naupo na sa kanyang silya. Napailing na lang ako.
Talagang bumalik na sya.
Alas dos na ng hapon.
Tumayo ako at lumabas ng opisina. Nilapitan ko si Anika na sobrang busy na nakaharap sa computer nya
"Hey! I-save mo na yan!" Utos ko sa kanya.
Napakunot ang noo nya sa akin. Na parang naiirita dahil naistorbo ko ang ginagawa nya. Wow. Sya pa ang galit?? What the?? Ibang klase..
"Bakit Ser? Madami pa po akong ginagawa wag kayong istorbo!" Sabi nito.
Namilog naman ang mata ko sa kanya at napanganga sa sinabi nya. I can't believe!
"What??" Mataas na tono ko.
Nakita kong pinundot na nya ang save button at saka ako binalikan ng tingin..
"It's a prank!!! Oh ayan na nanginginig pa.. ano ba yon Ser? Anong atin?" Sabi nya na nakangisi pa sa akin.
Pero nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kanya. Pinaramdam ko na naiinis ako sa ikinikilos nya sa akin. Bigla syang napalunok nang nasaksihan ang galit ko.
"Para sa kaalaman mo. I'm your boss! Hindi mo ako kaibigan na kayang kaya mong lokohin!" I told her with power.
Nasaksihan ko ang pagkagat nya sa ibabang labi. Alam kong natakot sya sa sinabi ko.
Nakikita ko sa mga mata nya ang pangamba.
And this is what I want.. ang matakot sya sa akin.
"S-Sorry po Ser.." sabi nya habang nakayuko.
Lihim akong ngumiti sa kanya. She is so cute habang pinapagalitan ko..
"Okay! It's also a prank!" Banat ko sa kanya. At hindi ko na kayang magkunwaring galit sa kanya.
Agad syang tumingin sa akin. This time, she gave me her wonderful smile.
"Ano ba Ser.. tinatakot mo naman ako eh. Ikaw talaga. Pero sige. Mula ngayon babawasan ko na nga ang panggogood time ko sayo.. mataas ka nga pala. Sorry poooh!" Sabi nya.
Umiling iling ako sa harapan nya.
"No.. don't change please.. ayos lang sakin ang lahat. Tanggap kita!" Sabi ko sa kanya.
At this point. Pareho kaming tumawa. Sabay kaming napahagalpak sa mga sinabi ko.
Pero sinabi ko na rin ang pakay ko..
"Well.. gusto ko lang samahan mo ako sa mall. May bibilhin kasi ako. Baka matulungan mo akong pumili." Sabi ko
"Pwede naman Ser. Kaya lang ang dami kong pending.. ah.. eh. Pano ba?" Sabi nya habang tinuturo ang computer nya.
Napailing na naman ako sa kanya.
"I'm your boss! Sundin mo ako ngayon." Sabi ko
Napatayo sya ng tuwid.
And she nodded.
"Ah! Okay! Sige. Halika na.. punta na tayo sa mall!" Sabi nya.
Napangisi pa ako sa kanya.
"Okay Very good!" Sabi ko.
Wala syang magagawa. Ako ang boss nya at hindi nya ako pwedeng suwayin.
Nagpunta nga kami sa isang mall. Wala syang ideya kung saan kami pupunta doon. Pero dinala ko sya sa isang toy store.
"It's my daughter's 4th birthday next week. Hindi ko pa rin alam ang ireregalo ko sa kanya. Tulungan mo akong pumili. Please." Sabi ko sa kanya.
"Sus yun lang pala.!" Sabi nya.
Naglakad lakad sya sa loob ng toy store. Binusisi ang bawat laruan na madaanan nya.
Ngumiti sya ng makita ang isang napakalaki at napakagandang doll house..
"Lahat ng batang babae pangarap na magkaroon ng dollhouse.. maganda ang isang to oh.." sabi nya habang tuwang tuwa sa hawak na doll house.
"Nagkaroon ka ba ng ganyan nung bata ka?" Tanong ko.
Umiling iling sya habang patuloy na nakatingin sa napakagandang laruan.
"Pero pangarap ko to noon. Pero okay lang kahit hindi ako nabigyan ni Tatay nito, alam ko naman ang sitwasyon namin eh.." sabi nya
Kinuha ko ang doll house na hawak nya. At kumuha pa ako ng isa sa estante. Dalawang doll house ang binili ko.
"Wow.. dalawa talaga? Ang swerte naman talaga ni bebe girl sa papa nya." Sabi nya.
I smiled at her.
"Yung isa para sayo. Hindi pa naman huli ang lahat para makuha mo ang pangarap mo noon!" Sabi ko sabay kindat sa kanya.
Iniwan ko syang nakatulala at napanganga sa sinabi ko.
Naramdaman ko ang paghabol nya sa akin papunta sa cashier area.
"Talaga ba Ser. Para sa akin yung isa? Nakakatuwa naman pareho pa talaga kami ni bebe girl??" Sabi nya na bakas ang tuwa at kaligayahan sa kanyang mukha.
Alam kong excited sya sa simpleng laruan na yun. Ngayon ko napatunayan na para talaga syang bata. Daig pa nya ang anak ko sa pagkasabik.
Pagkatapos namin bumili ng regalo ay kumain muna kami sa isang restaurant. Hindi nya binibitawan ang paper bag na may laman ng doll house nya. So childish!
Habang kumakain at masayang nagkukwentuhan..
"Daddy!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko ang anak ko na tumatakbo papalapit sa akin. Sobrang tuwa ng puso ko ng masilayan ko si Franchesca.
Niyakap ko sya at pinaulanan ng halik sa magkabilang pisngi.
At maya maya lang ay kasunod na ng anak ko si Monica at Ate Clara. Mukhang naggrocery sila at kakain din sa restaurant na ito.
Pero napansin kong masama ang titig ni Monica kay.. Anika..
"Hi bebe girl. Remember me?? I remember you!!" Nakakatawang sabi ni Anika habang binigyan nya ng highfive ang anak ko.
Hindi maalis ni Monica ang titig nya kay Anika. Para bang kinakalkula ang pagkatao nito.
"Oh.. Monica. She is Anika. My new Secretary. Anika..she is Monica my d-daughter's mom!" Pagpapakilala ko.
Sobrang awkward ng moment na ito para sa akin. Pakiramdam ko kasi ay may sasabog na parang bulkan anumang oras.
Dahil magiliw si Anika at sadyang makapal ang mukha ay sya ang unang bumati kay Monica.
"Hi Ma'am. Nice to meet you po. Sayo po pala mana si Franchesca. Kaya napakaganda eh.. ang ganda ng mommy nya." Sabi nito.
Inabot ni Anika ang kamay nya kay Monica. Pero nakita ko ang pag-arko ng mga kilay ni Monica. Hindi ko alam ang problema nya. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pakikitungo nya kay Anika.
She is always not in the mood. Lalo na kapag dinadalaw ko sila sa mansyon. At ngayon naman ay sobrang weird nya dahil hindi nya pinapansin si Anika.
Ibinaba ni Anika ang kamay nyang naiwan sa ere na hindi man lang pinansin ni Monica.
"Ate Clara. Sa kabilang restaurant na lang tayo." Sabi ni Monica.
Hinatak nya ang kamay ng anak ko. Wala nga sya sa mood. Baka pagod? I don't know..
"Mommy.. dito gusto ko kain. Kasama ko pa si Daddy. " sabi ng anak ko.
Pero nakita kong kinarga ni Monica ang anak namin at tuluyan na kaming tinalikuran.
Dinig na dinig ko ang pag-iyak ng anak ko habang lumalabas sila ng restaurant.
Wala akong nagawa. Pinanood ko lang sila habang papalayo sa amin..
"Ay. Iba! Parang galit si Madam.. bakit kaya?" Curious na tanong ni Anika
Ayoko namang isipin na nagseselos sya kay Anika.
No!! Bakit naman sya magseselos. Wala na kami! Pinili na nya si Vincent. Wala na akong puwang sa puso nya.. kaya bakit sya magseselos?
Maybe.. she was too stressed dahil sa nalalapit na birthday ng anak namin. Yes! Stressed lang sya..
Dumating ang birthday ng anak naming si Franchesca..
Sa isang sikat na hotel ang venue ng birthday. Lahat ng malalapit na kaibigan ng pamilya namin at pamilya ni Monica lang ang ininvite namin.
Isinama ko si Anika dahil gustong gusto nya ang anak ko. Ako naman ang nag-imbita sa kanya kaya wala naman sigurong masama doon. At dinala ko sya doon hindi bilang secretary ko.. kundi bilang malapit na kaibigan ko.
Pagpasok pa lang namin ng hotel ay agad kong namataan ang tingin ni Monica. Tila ba hinihintay nya talaga ang pagdating ko dahil nakaabang na sya sa may pinto ng event place. Or naiisip ko lang iyon. O baka nagkataon lang na nakatingin na sya sa pinto?
Pinasadahan nya kami ng tingin. Yung mukha nya nung nakita namin sya sa restaurant ay nasilayan kong muli. Parang galit na galit.
What??? Wala na naman sya sa mood? Kelan ko ba sya makikitang nakangiti. Kahit sa mga bisita ay pilit lang ang mga ngiti nya. May problema ba sya??
Nilapitan namin si Monica at Franchesca na nakapalibot sa kanila ang buong pamilya nya at si Vincent.
Ngunit nakita ko ang pag-alis ni Vincent sa kanyang pwesto. Hindi ko alam kung iniiwasan nya ako. Pero bakit naman? Nagparaya naman na ako sa kanila at hindi na nya ako karibal ngayon. Nandito lang ako para sa anak ko.
Maya maya lang ay nilapitan din ni Daddy si Franchesca habang tulak nya ang wheel chair ng mommy. Binigyan nila ng yakap at halik ang kanilang apo.
Nang makita ako ng aking anak ay agad syang lumapit sa akin.
"Happy birthday My Princess! Eto gift ng daddy sayo!" Sabi ko.
"Thank you Daddy!" Habang kinuha nya ang regalo nya.
Nakatingin ang lahat sa akin.. sa amin ni Anika?? Tila ba may mga tanong sa kanilang mga mata kung sino ba ang kasama ko.
"Oh.. she is Anika.. my secretary." Pagpapakilala ko.
Lahat naman sila ay nakangiti at magiliw na binati si Anika.
"Hala. Si President? Diosko. Mamatay na yata ako. Nakita ko ang Presidente ng Bansa!" Nakakatawang sabi ni Anika.
Lahat naman ay nagtawanan sa reaksyon nya ng makita ang Daddy ni Monica.
"I like the humor!" Wika ni President Del Valle.
Kahit si President ay nagugustuhan ang nakakatawa at loka lokang pagkatao ni Anika.
Nilapitan din namin si mommy at daddy..
"Anika.. meet my Mom and Dad!" Sabi ko.
Agad na hinawakan ni Mommy ang mga kamay ni Anika. Nagulat si Anika sa ginawa ng Mommy ko..
"Sya na ba anak? Sya na ba?" Sabi nito.
Hinawakan pa nya ang pisngi ni Anika..
Ohh! Kailangan kong pigilan si mommy. Hindi pwedeng masira ang birthday ng aking anak. Baka kung ano ang isipin nila. Baka kung ano pa ang masabi ni mommy.
"Oh! Let's have a seat and enjoy the party!" Pagpuputol ko na lang sa mga sinasabi ng aking mommy.
Masaya ang naging party ni Franchesca. At nakita kong tuwang tuwa si Anika. Lalo na nang lumabas ang mga clown. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Anika. Talagang nadaig nya ang anak ko sa kasiyahan.
Habang kumukuha ako ng pagkain sa buffet table ay hindi ko napansin na nasa likuran ko si Monica.
"Talagang sinama mo pa yang sekretarya mo sa birthday ng anak mo??" She says with bitterness.
Nagulat ako sa mga sinabi nya. Lumiit ang mga mata ko sa kanya dahil hindi ko makuha ang point nya.
"Hindi ko lang sya sekretarya. Kaibigan ko sya!" Sabi ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng pagkain sa buffet table.
"Oh. Common! Wag na tayong maglokohan! Kaibigan?? O girlfriend? Mahiya ka naman! Dinala mo pa talaga yan dito??" Sabi ni Monica.
Ibinaba ko saglit ang hawak kong plato at hinarap ko sya. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nagagalit. At bakit nga ba sya nagagalit??
"Walang masama sa pagdala ng kaibigan ko sa birthday ng anak ko. At bakit ka ba nagagalit? Nagseselos ka ba?" Tanong ko.
Namilog ang mga mata ni Monica. Siguro ay natauhan sya sa mga sinabi ko. Sa ikinikilos nya kasi ay selos lang ang nakikita kong dahilan ng matinding galit nya. Siguro naman ay hindi sya nagseselos.
"No!! Bakit ako magseselos? May boyfriend ako di ba. At sya nga ang pinili ko kesa sayo diba?!" Sabi nya.
Parang tinarakan ng matulis na bagay ang puso ko. Ang sakit at tagos lahat sa puso ko ang mga sinabi nya.
"Okay!" Sabi ko na lang.
Kinuha ko ulit ang plato ko at naglagay pa muli ng mga masasarap na pagkain.
Nang biglang..
"Ser. Ang tagal mo namang kumuha naubos na yung kinakain ko. Pang second batch na to!" Sabi ni Anika sabay sandok ng pagkain sa plato nya.
Napasulyap muli ako kay Monica at nakita ko ang salubong na kilay nya sa amin ni Anika.
Nagseselos ba sya? The way she reacts indicates jealousy! God! Sana mali ang iniisip ko. Malinaw naman nyang sinabi na may boyfriend na sya at iyon ang pinili nya kesa sa akin. Panindigan na lang nya. Kahit sobrang sakit.
Dahil sa kagaslawang kumain ng sekretarya ko ay nagkaroon na naman sya ng kanin sa gilid ng bibig nya. Kumuha ako ng tissue at ipinahid sa bibig ni Anika. Marahan kong inalis ang kanin sa kanyang bibig..
Nang mapadako ulit ang tingin ko kay Monica ay nakita ko ang pagbilog ng kamao nya. Mas nasaksihan ko pa ang galit sa mga mata nya.
Nang biglang dumating si Vincent..
"Monica!" Pagtawag nito
Nakita ko rin ang magkasalubong na kilay ni Vincent.. Nakita ko rin ang pagkairita nya sa lahat ng mga ipinapakita ni Monica.
Sa totoo lang.. sa ikinikos nila ay tila ba may malaki silang problema. Ni hindi ko nakita ang mga ngiti nila mula ng magsimula ang party ng anak ko.
May problema nga ba sila?