Chapter 2

2089 Words
Kinabukasan.. Problema na agad ang bumungad sa akin sa opisina. Napakadami ko pang meetings na kailangang puntahan. Sobrang toxic ng umagang ito. But I need to fix it alone. I am the CEO of the company and all the decisions are on my hands. Napahawak ako sa aking sintido. I gently massage my forehead to lessen the negativity . Then suddenly.. I was stunned when Anika enters my office. Para bang tumigil ang oras habang naglalakad sya papunta sa akin. Bawat hampas ng beywang nya ay kasabay na sumasayaw ang mahaba nyang buhok.. She is wearing the Fold over collar plaid bodycon dress with pair of work heel shoes na iniregalo ko sa kanya kahapon. She really looks sophisticated with her attire. Just wow! Napatayo ako at hinintay ko ang paglapit nya nang biglang... matisod sya sa carpet. Parang tumigil ulit ang oras habang dahan dahang syang nahulog sa mga bisig ko. Yakap yakap nya ang mga folders na iningatan nyang huwag malaglag.. "Ay kabayong puti na natisod!!!" Sigaw nya. Buti na lang at nasalo ko sya. Hindi nag-iingat ang babaeng ito. Ang gaslaw pa rin kumilos. Buti na lang at narito ako para alalayan sya kundi baka napasalampak pa sya sa sahig at pwedeng magtamo sya ng injury. Nagtama ang mga mata namin.. Bahagyang nailang ako sa kanya nang mahawakan ko ang katawan nya... "Hi Ser! Good morning!" Bati nya habang yakap ko pa din sya. Para bang hindi naiilang sa posisyon naming dalawa. Napalunok ako at unti unti ko syang inayos sa pagkakatayo. Naiilang akong titigan sya. God! "Sorry na Ser. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito kasosyal na damit eh. Ano pasado na ba? Ganda ko di ba??" Malakas na kumpiyansa sa sarili nya. Umikot ikot pa sya sa harapan ko na para bang inirarampa pa ang suot nyang damit. Wala na akong masabi kundi... Lakas! Ang lakas ng kumpiyansa nya sa sarili.. Pero aaminin ko. Mas lumabas ang totoo nyang ganda kapag nakaayos at nakaformal dress sya. Inilapag nya ang dala nyang mga folders sa ibabaw ng table ko at inayos ang kanyang dress na lumihis ng matumba sya sa harapan ko.. parang walang nangyari. Komportable syang kumikilos sa harapan ko. Ano bang klaseng babae ito?? "Oh di ba?? Tulaley ka?" Sabi nya. Nagkunot ang noo ko sa mga sinabi nya. "Tulaley??" Pag-ulit ko sa sinabi nyang hindi ko maintindihan Tumawa sya ng malakas na parang wala nang bukas.. "Tulaley.. Tulala! Tulala sa kagandahang taglay ko!" Sabi nya habang hinahawi ang mahaba nyang buhok. Napanganga ako sa mga sinabi nya. Yun pala ang ibig nyang sabihin. Well.. ewan ko. Nagulat lang talaga ako sa ayos nya ngayon. She is almost perfect to be my secretary. Bawasan lang ang katabilan ng dila at kagaslawan ng pagkilos.. almost there.. "Ah. Okay. Can you call Mr. Ernest Arciaga and set an important meeting next week?" Utos ko sa kanya at hindi ko na pinahalata ang pagkamangha ko sa kanyang ayos ngayon. "Okie dokie Ser!" Agad na syang lumabas ng opisina. I was left open mouthed and still amazed with her outfit. But then.. I smiled.. It was already 12pm when I decided to take my lunch. Nang mapadaan ako sa table ni Anika. She was so busy na nakaharap sa kanyang computer. Sobrang hardworking naman ni hotdog girl at kahit lunch time na ay nakakalimutan na nya. Nakangiti ako ng lapitan ko sya. Marahan ang aking bawat paghakbang habang papalapit sa kanya. "Hey. Ms. Hotdog girl. It's already lunch time. Halika na." Pagyaya ko sa kanya. Pero mas ikinagulat ko ang pagtingala nya sa akin at binigyan nya ako ng nakakatawang expression ng mukha. She rolled her eyes and she is like a child showing his tongue. What the?? Ano na naman to? Ngayon lang ako nakatagpo ng empleyadong kayang dilaan ang boss nya na parang bata. Pero ewan ko ba kung bakit ayos lang sa akin ang lahat ng ito. Basta sya.. ayos lang. "Aba! May bansag ka na rin sa akin Boss amo Pogi ah!" Sabi nya Napahawak ako sa aking batok. Nag-uumpisa na naman syang tawagin ako sa ganoong paraan. It's my first time to make friends with my employee. My first time to talk with my employee this way. Parang barkada lang. Parang matagal na kaming magkakilala. Parang may connection na kaming dalawa. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko. Maybe, I just love her personality. "Tara na!" Sabi ko pa. She just smiled at me. Agad nyang pinindot ang save button sa ginagawa nya. Naramdaman ko ang excitement sa puso nya. At sa di inaasahang pagkakataon ay pareho kami ng nadarama. "Libre mo ba ang lunch boss?" Sabi ni Anika. Aba.. talagang nung nagpaulan yata ng kakapalan ng mukha ay nasalong lahat ng babaeng ito. Pero ayos lang naman kung itreat ko sya ng lunch. Maliit na bagay lang naman. "Charot lang. 'to naman di na mabiro. May baon ako. Tinapa. Pinabaon sa akin ni Tatay. Pwede ba ako kumain sa cafeteria kahit wala naman ako bibilhin? Makikihingi pa ako ng tubig." Nangingisi nyang sabi. Hindi naman mapigilan ng sarili ko ang matawa. At ano naman ang tinapa?? Nakakabusog ba iyon? "Okay lang naman. Sasabayan kita sa cafeteria. Para hindi naman nakakahiya na wala kang bibilhin. I will treat a dessert na lang!" Alok ko at biro ko sa kanya. "Ayun oh! Yan talaga ang boss amo pogi ko! Nanlilibre! Halika na.. baka pwede mo na rin akong bilhan ng saging. Hindi kasi nakabili si tatay ng saging eh. Sige na. Saging lang naman." Sabi nya. Sa puntong ito ay napahalakhak nya ako. Gusto ko ang self confidence nya habang kausap ako. Kung ang iba ay naiilang na kausapin ako, pero si Hotdog girl ay itinuturing lang akong barkada nya. At humirit pa ng saging sa akin. Ibang klaseng babae talaga. "Okay! Saging lang pala!" Sabi ko "Yes! Thank you!" Parang bata na bulalas nya. At agad na kaming nagtungo sa cafeteria. Dala dala nya ang isang plastic bag na naglalaman ng kanyang baon. Naeexcite tuloy ako kung ano ang tinapa na sinasabi nya. Actually this is my first time to eat at the cafeteria. Mas madalas ako kumain sa malapit na restaurant sa building or sometimes nagpapadeliver kapag sobrang dami ng trabaho. Kaya pagpasok pa lang namin sa cafeteria, lahat ng empleyado ay nagulat sa amin at ang iba ay parang mabibilaukan ng mabigla sa pagdating namin. Or should I say sa pagdating ko? "Good afternoon Sir!" Bati ng iba sa amin. I gave a wonderful smile to my employees. Lahat sila ay may sulyap sa aming dalawa ni Anika. I don't know what they're thinking. Wala naman sigurong masama kung dito ako kakain ng lunch. Kasama ang childish kong sekretarya. Naupo si Anika sa isang table at hinatak pa nya ang isang upuan para sa akin. Pinagpag pa nya ang upuang inilaan nya sa akin. "Dito ang boss amo ko!" Sabay kindat pa sa akin. Kapag kasama ko sya, hindi nawawala ang mga ngiti ko sa labi. "Okay thank you! But I will just go to the counter to buy my lunch and our dessert. And ofcourse.. your saging!" Sabi ko sa kanya. Nagthumbs up sya sa akin habang binubuksan ang plastik na kanyang baon at isinalin ito sa kanyang tupperware na baunan. Nakita ko ang tatlong pirasong isda. Malakas ang amoy ng pagkaing iyon. Yun pala ang tinapa na sinasabi nya. Ngayon ko lang yun nakita buong buhay ko.. mukha namang masarap. Kung titignan ay hindi bagay ang suot nyang eleganteng office dress, sa kung paano sya kumilos ngayon. Napakasimple lang ng babaeng ito. At napakasaya nya kahit sobrang simple lang ng buhay nila. Kuntento na sya kung ano ang meron sya. And I envy her for that. Magkabaligtad ang buhay namin. Dahil nasa akin man ang lahat ng yaman at karangyaan sa buhay ay hindi pa rin ako masaya, hindi pa rin ako kuntento at parang laging may kulang sa mundo ko. Pumila ako sa may counter. Pero agad akong pinauna ng mga empleyado na nasa harapan ko. Nahihiya siguro sila sa aking presensya. I bought menudo for my lunch and 2 slices of blueberry cheese cake, and two bottled water. At syempre hindi ko nakalimutan ang saging na ibinilin nya sa akin. "Wow.. ang sweet naman talaga. Ang swerte ko at kasabay kong kumain ang pinakamabait at pinakgwapong boss sa balat ng lupa! Thank you!" Sabi nya sabay kuha sa saging na paborito nya. Pakiramdam ko ay ang saging talaga ang dahilan kaya nya ako binola. Nasaksihan ko pa ang pagbukol ng kinakain nya sa pisngi habang nagsasalita sya. "Okay. Just enjoy your lunch. Mamaya sabak na naman tayo sa trabaho okay?" Sabi ko. Nagthumbs up naman sya sa akin, hindi na sya makapagsalita dahil sa dami ng laman ng bibig nya. Inilagay nya sa aking plato ang isang tinapa na baon nya. "Masarap yan Ser try mo. Tapos eto may kamatis ako dito. Medyo maamoy lang sya. Pero da best naman yan!" Sabi nya Napasabunot ako sa buhok ko at napailing na lang. Nag-umpisa na kaming kumain at kasabay nito ay masayang kwentuhan. It's my first time to eat Tinapa. And she's right.. napakasarap pala nito.. Nalaman ko sa mga kwento nya na nagkasakit ang papa nya last year. Ang bunso nyang kapatid na lalaki ang nag-aalaga sa kanilang ama. At si Anika naman ang tanging sumusuporta sa kanila. Kaya pala problemado sya nang malaman na magtatanggal ng mga empleyado ang pinapasukan nya sa amusement park. "May anak ka na Ser di ba? Nasaan ang mommy nya?" Seryosong tanong ni Anika. Napalunok ako sa mga tanong nya. Bigla na lang naging seryoso ang lahat. "Hiwalay na kami ng mommy ng anak ko. May bago na syang boyfriend. Every sunday ko lang nakikita at nakakasama ang anak ko." Sabi ko sa kanya. Parang may kumurot sa puso ko habang sinasabi ko ito sa kanya. Kung pwede nga lang mabuo ulit ang pamilya namin. Kung pwede lang na mahalin ulit ako ni Monica sa isang kisap mata lang.. ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero ayokong pilitin sya na mahalin ako, ayokong maging malungkot sya sa pagpili nya sa akin.. "Ang lungkot naman pala Ser. Hayaan mo makakatagpo ka rin ng babae na para sayo.. Malay mo nasa paligid lang.. Smile na Boss amo kong pogi!" Sabi nya sa akin. "Yeah right. Malay ba natin kung nasa paligid lang sya.." sabi ko. Nagkatitigan kaming dalawa at nakapagbigay ito ng matinding goosebumps sa akin. Her brown eyes captivated my soul. She bit her lower lip na para bang natatakot sa tingin ko. Pero bakit naman? Nakakatakot ba akong tumingin? I gave a deep breath and smiled at her. Napansin ko ang kanin sa gilid ng bibig nya. Hindi ko alam kung bakit ba bigla na lang lumapat ang daliri ko sa gilid ng bibig nya at inalis ang kanin na naroroon. I know she feels uncomfortable with what I did. Parang nagblush pa ang mga pisngi nya. Agad ko nang inalis ang aking kamay.. Yumuko sya at kumuha ng tissue para ipahid sa kanyang bibig.. I cleared my throat. At binalikan ko ang kinakain ko. Sandali kaming natahimik. f**k? What I have done? Nailang tuloy sya sa ginawa ko. Bumalik na kami sa aking opisina. Pero hindi na sya nagsalita pa mula nang mailang sya sa ginawa ko. Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa kanya. Baka mali ang iniisip nya sa paghawak ko sa gilid ng bibig nya.. baka isipin nya na isa akong mapagsamantalang boss? And that idea makes me upset.. akala ko pa naman ay hinding hindi sya maiilang sa akin. Buong akala ko ay hindi sya mangingilag sa akin dahil sa mga pinakita nyang lakas ng kumpiyansa kaninang umaga. Pero ngayon? Bakit ilag na ilag na sya sa akin. Dumerecho na sya sa kanyang table at hindi man lang ako nilingon. Napailing na lang ako. At bumalik sa aking opisina. Naupo muli ako sa aking office chair at nakaharap ako sa aking laptop at nagsimula nang magtrabaho muli. I was doing the monthly gross sales report when suddenly I received an email from my father. Binuksan ko ang email... At nagulat ako sa aking nabasa. Nagulat ako sa laman ng email na sinend ni daddy sa akin. "f**k!" Parang gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang lihim ng aking pamilya.. I have no idea if I can accept all of this bullshit..?? Tinago nila ito sa akin ng matagal na panahon?? Pero kailangan kong tanggapin.. iyon lang naman ang kaya kong gawin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD