Pagkatapos kong magparaya at ibigay ang kalayaan ni Monica at Vincent ay hindi naman ako binigo ni Monica na madalaw ang aming anak na si Franchesca.
Tuwing Linggo ay dumadalaw ako sa mansyon para makasama ko ang anak ko. Ipinapasyal ko sya at kung minsan ay dinadala din sa aming mansyon para makasama nila Mommy at Daddy.
Habang hinahanda ni Ate Clara ang mga gamit ng aking anak ay palihim ko lang na tinitignan si Monica na tahimik na nakamasid sa bintana.
Ni hindi nya ako kinakausap. Hindi nya ako dinapuan ng tingin sa tuwing dadalaw ako sa sa mansyon nila. Para akong hangin na hindi nya nakikita. And it always breaks my heart. Pero ang tanging magagawa ko na lang ay sanayin ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Siguro ay umiiwas na rin sya sa akin. Marahil ay ayaw nya lang bigyan ng dahilan si Vincent para ikaselos nito.
"Daddy.. pupunta tayo park? Sakay tayo cawosel?" Bulol na sabi at paglalambing ng anak ko sa akin.
Binuhat ko sya at inupo sa aking kandungan. Niyakap ko sya ng mahigpit. Once a week ko lang sya makita kaya naman lagi ko syang namimiss.
"Sure baby.. sasakay tayo ng carousel." Sabi ko habang pinupog ko sya ng halik sa pisngi.
Agad kaming nilapitan ni Ate Clara para iabot ang bag ng anak ko.
"Kumpleto na po yan Sir." Sabi nito
"Salamat!" Tugon ko sa kanya
Napalingon ako kay Monica para sana magpaalam na. Pero parang tumalon ang puso ko nang makita ko syang nakatingin sa akin. Agad naman nyang inalis ang tingin nya nang mahuli ko sya.
Nahiya sya sa akin? Halos hindi na sya makatingin muli sa akin.
Alam kong mali ang nararamdaman ko. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasan ang puso ko na lagi na lang nasasabik sa kanya.
"Aalis na kami.. Monica.." sabi ko.
Ngumiti sya at lumapit sa anak namin.
"Be a good girl always ha. Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang daddy mo okay?" Sabi ni Monica
"Opo Mommy."
Binigyan nya ng matamis na halik ang anak namin.
Agad na kaming umalis at nagtungo na sa aming destinasyon. I want my daughter to enjoy every single moment with me.
At hindi nga ako nagkamali. Sobrang nagenjoy ang anak ko nang magpunta kami sa isang amusement park at sumakay kami sa carousel. Para din akong bata dahil lahat ng rides ay sinasakyan namin.
"Daddy.. I want atdog.." request ng anak ko habang tinuturo ang isang food cart ng hotdog.
"Okay.. baby."
Hawak hawak ko ang kamay ng anak ko habang naglalakad papunta sa food cart.
Kinarga ko ang anak ko at pinapili ko sya doon.
"What do you want? With cheese?"
"Okay daddy.."
Natutuwa talaga ako sa anak ko kapag naglalambing sya sa akin. Ang cute cute nya. Yung mga mata nya ay nakuha nya sa maganda nyang mommy.
"Miss. Dalawang order nga ng hotdog with cheese." Sabi ko sa babaeng staff ng food cart.
But.. she was so busy talking to someone on her cellphone. At para bang nagtatalo sila?
"Makulugon man sa boot ko ini!! Iyo man nanggad. Habo ko na magparasakripisyo sa relasyon na ini!!!" Sigaw ng babae sa kanyang kausap.
Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nya pero alam ko ang galit nya. Nararamdaman ko ang pagkairita nya sa kanyang kausap.
Ibinato nya ang cellphone sa drawer na nasa harapan nya. Nararamdaman ko ang tensyon sa kanya.
Pagharap nya sa amin..
"Ay.. sorry Ser. Sorry po. Ano po ang sa inyo." Agad nagbago ang mood nya ng harapin nya kami.
Bilib ako sa kanila dahil sa kabila ng problema ay kailangan nilang magpanggap sa mga customer na ayos sila.
"Two orders of hotdog with cheese please." Sabi ko
"Okay po Ser! Eto na po."
Kumuha sya ng dalawang hotdog at inilagay sa plastic.
"Hi bebe girl. Peyborit mo rin ba ang hotdog?" Magiliw na tanong nya sa anak ko
Nilagyan nya ng ketchup ang hotdog. At kumuha ng tissue.
"Yes po. Feybowrit ko po atdog!" Sagot naman ng anak ko.
Nakita ko ang pagngiti ng babae sa aking anak. Her smile suddenly captured my heart. Nakita ko ang mapuputi at pantay pantay nyang mga ngipin.
"Ang cute naman ng bebe na yan. What's your name?" Tanong pa nito habang inaabot ang hotdog.
Inabutan ko sya ng 500 pesos para sa bayad.
"I'm Frantesca!" Bibong sagot ng anak ko pero bulol pa din.
"Wow! Ang cute talaga!" Pagkamangha pa nya sa anak ko.
Inabot nya ang sukli sa akin at nagbigay ulit ng matamis na ngiti.
"Thank you Ser. Enjoy your hotdog bebe girl.." sabi nya
Maya maya lang ay dumating ang isa pa nyang kasamang babae.
Habang kinukuha ko ang isang hotdog para s anak ko ay hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nilang dalawa.
"Bakla! Naku. May bad news. Magbabawas daw ng staff dito. Isa na lang daw ang kailangan dito! Naku! Goodluck sa atin!" Sabi ng babaeng dumating.
Napahawak sa kanyang noo ang babaeng nag-aassist sa amin kanina. At para bang natuliro na sa balita. Tila ba naging problemado na sya sa balitang narinig nya.
"Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. May sakit ang tatay ko! Ako na lang ang inasahan nya!" Sabi nya.
Parang may bumulong sa puso ko at nagtulak sa akin para tulungan sya. Hindi ko alam kung bakit.
Kumuha ako ng calling card sa aking wallet. Alam kong makakatulong ito sa kanya.
"Here's my calling card. I am looking for a female secretary. If you are interested just contact me." Sabi ko.
Namilog ang mga mata nya. Pero agad din naman nyang kinuha ang card na ibinigay ko.
Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Maybe she was surprised by my offer.
Tinalikuran ko na sila at agad kaming naupo sa di kalayuang wooden bench at table.
Pinagmamasdan ko ang anak ko habang kumakain ng hotdog. Kumuha ako ng tissue para ipunas sa bibig ng anak ko na puno ng ketchup.
Maya maya lang.
"Ser. Kakapalan ko na po ang mukha ko. Gusto ko pong magtrabaho sa inyo. Panigurado kasi na ako ang tatanggalin ng management sa trabaho dahil isang taon pa lang ako sa kanila. Kumpara sa kasama ko, limang taon na sya sa kumpanya.!" Sabi nito habang nakayuko sa akin.
Napakacute naman ng babaeng ito. Parang bata kung kumilos. Pero sa tingin ko ay mas bata lang sya sa akin ng dalawang taon. Parang si Monica..
Fuck! Bakit na naman sumasagi sa isip ko si Monica.
"Okay! So what's your name? How young are you and your Educational background?" Tanong ko.
Napakagat labi sya sa akin. I witnessed how nervous she is.
"I-I'm Anika San Andres, t-twenty five years old. College undergraduate lang po ako Sir." Nahihiya nyang sabi sa akin.
I don't know why I felt this kind of feeling towards her, pero napapangiti nya ako.
Anika? Sounds like Monica? Fuck...
"Okay.. you're hired! Pumunta ka bukas sa address na nasa calling card. Magsisimula ka na bukas." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Agad ko na naman nasilayan ang pagbilog ng mga mata nya. Kumurap pa syang muli at parang hindi makapaniwala.
I can't even believe that I interviewed her in this place. It so unprofessional, but I am the boss, so the final decision is still with me!
Mas pinili na lang mag-alaga ng anak ang secretary kong si Jena kaya nagsubmit sya ng resignation last week . Kaya I really need to hire a new Secretary. Luckily I found this lovely woman who definitely loves children. At nararamdaman ko naman na mabait sya. I feel at ease with her.
"Thank you sir!" Sigaw nya.
Yumakap sya sa akin na syang ikinagulat ko.
Niyugyog pa nya ako habang yakap yakap nya.. Halos maalog ang utak ko sa lakas ng pagkakayugyog nya sa akin.
Napalunok ako sa ginawa nya. I just did'nt expect her reaction. She was so childish.
"Thank you po!! Sobrang bait na, sobrang gwapo pa ng boss ko..!" She says with confidence.
Para bang ang tagal na naming magkakilala at hindi man lang sya nakaramdam ng pagkailang sa akin.
Wow! This woman is amazing! And very funny. And I think she's really fun to be with.
Kinaumagahan.
Sobrang ganda ng gising ko. Maaga akong pumasok ng opisina. Nakaharap ako sa whole body mirror habang inaayos ko ang pagkakabutones ng aking coat.
Pagpasok ko sa building ay agad akong binati ng mga guards at nang lahat ng empleyadong nakakasalubong ko.
It's just an ordinary day for me. Pero pakiramdam ko ay may kakaiba sa araw na ito. Bakit ba may mga ngiti ako sa labi?? Ang tagal na rin simula nang ngumiti ako ng ganito.
Naghihintay ako sa tapat ng exclusive elevator nang marinig ko ang komosyon sa labas. Sa pagitan ng guard at nang isang babae.
"Kuya Guard!! Sinabing ako na nga ang bagong sekretarya ni Mr. Marcus Guererro. Pinapunta nya nga ako dito!!"
"Miss! Wala pong endorsement sa amin tungkol sa inyo! Pasensya na po. Ang mabuti pa umalis na po kayo. Saka yung suot nyo po ay hindi pwede dito!" Sabi ng guard habang ngumingisi.
Naglakad akong papunta sa may guard.
And surprisingly, I saw Anika the hotdog girl. Natawa ako sa ibinansag ko sa kanya.
She is wearing a simple white blouse with faded maong jeans and an old pairs of rubbershoes.
Napangisi ako.
"Ser Marcus!! Oy! Ser!! Ako to oh!! Si Anika! Yung bago mong sekretarya! Oh patay kayo kuya! Di nyo kasi ako pinapasok!" Sabi nito.
Para talagang bata! But she made me smile. Nakakatuwa ang bawat kilos nya.
Nakita ko ang mga guards na napakamot ng ulo.
"Papasukin nyo na sya! Sorry hindi ako nakapag-endorse agad!" Utos ko sa guard.
Nagtinginan ang mga guards at agad na pinapasok si Anika.
"Sorry Ma'am. Sige po pwede na kayo pumasok!" Sabi ng guard.
Kumindat pa si Anika sa guard.
"Sabi ko kasi sainyo eh. Sanggang dikit ko yan si Ser eh!" Sabi ni Anika habang dumadaan sa harapan ng mga guards.
Ngumiti ako sa kanya.
"So. Good luck sa first day mo!" Sabi ko sa kanya
Tumalikod na ako sa kanya at bumalik ulit sa exclusive elevator. Nakasalubong namin si Jenna, my secretary.
"Good morning Sir Marcus!" Bati nya.
I gave her a warm smile and gladly introduce the new secretary.
"Oh. Jenna. She is Anika. Ang papalit sayo. Iendorse mo lahat sa kanya ng trabaho mo okay. Pero dumaan muna kayo sa HR para isubmit lahat ng requirements nya okay?" Utos ko.
Tinignan ni Jenna si Anika at napalunok. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya pero sa tingin ko ay parang nadismaya lang sya sa suot ni Anika.
"Oh. Okay po Sir." Sabi ni Jenna.
Nakita kong inakbayan ni Anika ang sekretarya ko. At inuga-uga nya din ito gaya nang ginawa nya sa akin nung una kaming nagkita
"Oyy. Nice meeting you Madam. Buti nalang at magreresign ka na. Kundi wala akong trabaho ngayon!" Sabi ni Anika sabay kindat pa.
Nakita ko ang pagngiwi ni Jenna sa lahat ng mga ginawa ni Anika sa kanya. At ang mga sinabi nito ang mas lalong nagpairita kay Jenna.
I need to hide my laughters. Sobrang natatawa talaga ako sa babaeng ito. Pero mukhang hindi ko yata maitago.
"Uyy. Ganda ng smile ni Boss amo pogi!" Biro pa nito.
Bigla akong nahiya. I cleared my throat at inayos ko ang aking necktie.
Nakita ko rin ang pagngisi ni Jenna. Ewan ko ba. Hindi naman ako naiinis sa kung ano pa ang ipinapakita ni Anika. Nagpapakatotoo lang sya.
Ito ang totoong pagkatao nya. Masayahin. Kalog at parang bata kung kumilos.
Nakita kong nakasunod sa akin si Anika at nakatingin sa buong paligid. Parang manghang mangha sa lahat ng nakikita nya. Nabunggo pa nya ang likuran ko dahil hindi sya nakataingin sa dinaraanan nya.
"Ay! Kalabaw na puti!!" Sabi nya ng bumangga sya sa likuran ko.
Napatingin ako sa kanya at nakapeace sign sya sa akin. Napailing lang ako sa kanya.
"Soree!!!" Sabi pa nya.
Yung mga labi ko naguumpisa na namang ngumiti.
"Miss Anika. Dito tayo sa kabilang elevator. Exclusive for the President lang ang elevator na yan." Sabi pa ni Jenna
Napanganga si Anika at biglang umurong sa tabi ni Jenna at pumila sa service elevator.
Lihim ko pa rin syang tinitignan. At lihim pa ring ngumingiti ang puso ko.
Mukha namang matalino si Anika dahil madali nyang nakukuha ang lahat ng mga itinuturo ni Jenna. Nakuha nya rin ang kiliti ni Jenna dahil halos puro hagikgikan at tawanan ang napapansin ko sa kanila.
Maya maya lang ay pinatawag ko si Anika sa aking opisina.
"Yes po Ser. Bakit nyo po ako pinatawag?" Nagtatakang tanong nito.
"Maupo ka muna!" Pagyaya ko sa kanya.
Inilabas ko ang ilang mga paper bags at inabot ko sa kanya.
"Sayo ang lahat ng yan!" Sabi ko.
Nakita ko na naman ang nakakatawa nyang reaksyon!
"Seriuosness?? Sa akin ito lahat?" Pagkamangha nya
Agad nyang binuksan ang mga ito at mas lalo syang namangha.
Ang laman kasi nito ay mga pares ng sapatos pang-opisina, at mga formal dress. Ipinabili ko iyon kanina kay Jenna.
Nakita ko kasi ang lumang mga suot ni Anika. At alam ko na hindi nya siguro kaya pang bumili ng mga bagong damit sa ngayon. Kaya niregaluhan ko na lang sya.
"Hala sya! Ang dami naman nito Ser. Pero salamat na rin po. Alam ko napansin nyo na para akong gusgusin, kaya binigyan nyo ako nito! Salamat ser ha. Iba ka talaga Boss amo Pogi ko!" Sabi pa nito.
Nakakatawa naman ang tawag nya sa akin. Boss amo pogi?? Ngayon lang may tumawag sakin ng ganito. At sa totoo lang imbes na magalit ako.. natutuwa ako dito.
Anika San Andres. Ano ba ang magiging papel mo sa madilim kong mundo?