‘Poison’ XIA “Exam?! May exam dito?!” Napatakip kaagad ako ng tenga ko dahil sa sigaw ni Warren. Nandito ako sa dorm ng Chi-Mafia, nakikipagkwentuhan sa kanila. “Bakit? This is still a school, Warren.” Sagot ni Kevin at binalik ang tingin niya sa libro niya. Mahilig talaga siyang magbasa ng hardbound na libro. He has something about hardbound books. “Eh nagpapatayan ‘yung mga tao dito tapos mag-eexam pa?!” Hysterical na tanong ni Warren. “Baka nakakalimutan mong kasama ang academics natin sa rankings ng clan?” Sambit ni Mike na nilalantakan parin ‘yung lollipop niya. Napansin kong namamayat si Mike. Siguro dahil sa kakalapa niya ng lollipop kaya ganyan. Kanina pa si Warren nagrarant tungkol sa exam dito sa Card High na magaganap bukas. “It’s not about academics, Mike.”

