‘Caught in the Trap’ XIA Nakatingin lang ko sa katawan ni Mike na nakahiga sa kama dito sa clinic. Sandali kong tiningnan si Warren na tulog na at dumudugo parin ang mga kamay niya.Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at lumapit sa kanya tsaka lumuhod sa harap niya. Una kong nilinis ang sugat niya. Pansin ko lang, pwede na akong mag-nurse dito. Ang galing ko yatang maglinis ng sugat. Palagi naman akong naglilinis ng sugat dahil pinapalibutan ako ng mga taong basag-ulo. “Xia..” Saktong natapos ko na ang p*******i ng panyo sa kamay niya ay tinawag niya ako. Nakapikit parin siya. He’s not dreaming, is he? “I-I’m sorry..” ‘Yun lang ang tanging nabanggit niya. Sandali akong natigilan habang nakatingin parin sa kanya. Tinapik ko ang balikat niya at lumabas na ng clinic. I’m sorry as wel

