Chapter 8

1447 Words
‘Death Anniversary’   XIA   “You should be the one who’s worried.” Tumayo ako at tiningnan si Xie. Napakamot nalang siya sa batok niya. “Oo nga pala. Nakalimutan ko.” Aniya at ngumiti siya tsaka tumayo. Sinabayan niya akong maglakad papunta sa dorm namin. Pagdating namin sa pinto ng kwarto ko ay tumingin muna ako sa kanya.   “Limits, Xi.” Those were his last words of the day. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga kaagad sa kama ko. Tomorrow’s gonna be a big day. Hindi ko muna pinikit ang mga mata ko. Something inside me don’t want to sleep kaya napa-upo ako kaagad. Tiningnan naman ako ni Star na nagbabasa ng libro. Marunog pala magbasa ‘to. Akala ko puro pagpatay ng tao lang alam nito.   “Can’t sleep?” Tanong niya. Tumango lang ako at tumayo. Tiningnan ko ang kama ni Vinna. Palagi nalang wala ‘yun. “Star, how does the game work?” Tanong ko sa kanya. Binaba niya naman ang librong hawak niya at tumingin sa akin. Umupo ako sa kama ko at tumingin sa kanya.   “It goes by missions.” Sagot niya. “Araw-araw, iba-iba ang mission. Kung paano tratuhin ang joker, kung anong ipapagawa sa joker, kung anong gagawin sa joker. That’s how it works.” Pagpapaliwanag niya.   “Sino namang gumagawa ng missions na ‘yun?” Tanong ko kaya kinagat niya kaagad ang ibabang labi niya at umiling. “That’s what we’ve been curious about. Sabi nila, ang council daw. Pero hindi eh. Hindi rin naman si King. Wala talaga akong alam.” Sabi niya at itinaas pa ang dalawa niyang kamay.   “Hay. What’s really the purpose of this game?” Tanong ko at ginulo ang buhok ko out of frustration. Tumawa lang si Star.   “It’s an exchange for something, Xia.” What she said triggered me. Palagi ko nalang naririnig na ‘it’s an exchange for something’. Naiinis ako dahil wala akong alam dito. “Exchange. Pssh. This is nonsense.” I wiggled my nose at humiga sa kama ko with my arms hanging beside the bed.   “It’s not really nonsense. To the fact, everything makes sense.” Nilingon ko kaagad si Star na nakatingin lang sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.   “You’ll understand everything soon, Xia.” Aniya at umub-ub nalang ako sa kama ko at sinubukang matulog nang bumukas ng malakas ang pinto kaya sabay kami ni Star na tumingin dito. May lalaking pumasok na may kamay sa balikat niya as if he was guiding someone to walk. Si Art pala. Inaalayan si Vinna papasok. I just shrugged my shoulders at tumagilid patalikod sa kanila.   “My jelly oh!” Sandali kong tiningnan ng masama si Star.   “‘Ibig kong sabihin, may jelly. Jelly! Ito oh!” Tinaas niya ang jelly na hawak niya. Ewan ko dito. Kung anu-anong sinasabi. Humiga nalang ako ng maayos at nilaro-laro ang bracelet sa kamay ko. “Take that off.” Hindi sana ako lilingon dahil baka si Vinna ang kinakausap ni Art pero inulit ni Art ang sinabi niya.   “I said, take it off.” Dun na ako lumingon sa kanya. He was facing me, closely. Medyo napaatras ako sa ginawa niya kasabay ng paghawak niya sa kamay ko.   “Paano napunta sa ‘yo ‘to?” Tanong niya. Malamig ang boses niya. Tinitigan ko lang ang mga mata niya. Hindi ako kumurap pero habang tumititig ako sa kanya ay sumisikip ang dibdib ko. Parang naluluha ako na ewan. B-Bakit ganito?   “H-Hindi ko alam.” I don’t know kung why I stuttered. His eyes were staring at mine, deeply. As if may hinuhukay siya mula sa akin. Binitawan niya kaagad ang kamay ko at dun na ako nakahanap ng hangin para makahinga. Being close to him made me lose my strength. Malakas na sinara ni Art ang pinto nung lumabas siya. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at sa ulo ko na kumikirot. Tsk! I don’t get if this is migraine of what? I don’t know what else I did that night. Ang alam ko lang, I woke up with a gun pointed on my face.   “Star!” Humalakhak si Star at inalis kaagad ang baril sa mukha ko. “Time to wake up, sleeping beauty. School starts at 9.” Tinapon niya sa akin ang isang paper bag. Tiningnan ko naman ang laman. A uniform? May uniform pa pala sa empyernong ‘to?   Tumayo nalang ako at pumunta na sa banyo at tsaka naligo at inayos na ang sarili ko. Bakit ko pa inayos ang sarili ko kung alam ko namang mawawasak din ang sarili ko mamaya?   “The card game has begun, Xia.”   Bigla akong nawalan ng balance at napaupo sa sahig. Damnit! Ano ‘yun?! Something suddenly popped up in my mind and it hurts like hell. Napahawak ako sa noo ko. Ang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong tumayo pero nawalan ulit ako ng balance at tumama ‘yung siko ko sa sahig.   “Ahh!” Napapikit nalang ako at hinawakan ang siko ko. Dun pa sa braso kong may sugat. Damn! Ano ba kasi ‘yun? Natigilan kaagad ako nung malaman ko kung anong nangyayari. I found myself being carried by someone. Teka, sino ‘to?!   “D-Don’t.. look at me.” Hindi ko nga nakita ang mukha niya dahil pinaubub niya ako sa dibdib niya pero kilala ko ang boses niya. It made me grip him tighter. Out of all people, why him? Why Art? Mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Nanatili nalang akong ganun hanggang sa nilapag na niya ako at kama at dali-daling umalis ng kwarto namin. Strange guy.   “Anong nangyari sa ‘yo?” Tumingin kaagad ako sa pinto na kakabukas lang at niluwa ni Warren. Kunot noo ko siyang tiningnan. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at kinamot niya kaagad ang noo niya kaya napatingin ako sa kama ni Star at binalik ang tingin sa kanya.   “Umalis na siya.” Sabi ko at inayos ang upo ko sabay hawak sa siko at balakang ko. Ang sakit talaga.   “H-Hindi si Star ang pinunta ko dito! Ano ba?!” Mas lalong kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Hay naku, Warren. Ewan ko sa ‘yo. I just cracked my neck a little at sinubukang tumayo ulit. Mabuti naman at nakatayo ako sa hindi ko pinahalata kay Warren na nahihirapan akong maglakad.   “Hatid na nga lang kita!” Nakapoker face kong tiningnan si Warren. Obvious naman na napipilitan lang siyang ihatid ako.   Lumabas na kami sa dorm at sinalubong naman kami nina Xie sa hallway. I was walking with them beside me. Si Xie ay nakaakbay sa akin. Sina Harvin naman ay tahimik na nakasunod sa amin. Lahat ng tingin nila sa akin ay nakamamatay. I just kept my usual bored s***h sleepy face at naglakad ng diretso hanggang sa makarating ako sa classroom ko. ‘Yung system ng sections nila dito ay fixed na pero hindi ito bumabase sa ranks o ano. Kung saan ka nilagay, dun ka. ‘Yun ang sabi ni Star. And speaking of that girl, nasaan na kaya ‘yun?   Umupo na ako sa upuan ko at katabi ko si Xie. The whole class, hindi ako makapagconcentrate. Not because I was threatened by their stares and gossips pero dahil sina Papa at Mama lang ang nasa isip ko. Hindi naman sinasagot ni Xie ang tanong ko so I decided to face him again and ask him.   “When will I see them?” Tanong ko for the nth time pero tiningnan lang ako ng malalim ni Xie at inulit na naman ang palagi niyang sagot.. “Soon.” Like when is ‘soon’? Naiinis na ako. I’ve had enough of it. I rested my back on the chair at tiningnan ng seryoso si Xie.   “May tinatago ka sa akin.” Diretso kong sabi which made him back off a little bit. Nagawa niya pang tumingin kina Warren as if he’s asking for assistance. Umangat nalang ang gilid ng labi ko at naghalukipkip na.   “You thought Sleeping Beauty became stupid after she woke up, huh?” Tanong ko ulit and gritted my teeth. I’m about to get pissed.   “Remember what I told you, Xie. Lie to me and you know what’ll happen. Now, I’m gonna ask you one more time. Where are they?” Parang narinig ng lahat ang tanong ko at tumahimik sila. Xie was gulping while looking at me. Hindi na ako nakapagpigil, now I’m asking him to tell the truth in front of everyone.   Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Baka kasi nagpapalaser pa sila dahil may ginawa na namang kagaguhan ang ibang clans at nasugatan sila. Alam na kasi ni Papa na ayaw kong nakikita silang may sugat. I’ve been thinking about them like crazy. Sa tingin ko kasi mas mapapaliwanag nila ng maayos ang mga nangyayari at mas maiintindihan ko kapag sa kanila nanggaling ang lahat. I miss them and I need them.   “July 6 ngayon diba?!” Tumingin kaming lahat sa lalaking kararating lang at may dalang isang pirasong papel. Hinihingal pa siya. “Wala raw munang activities ngayon or Joker punishment or whatever—Ho! Teka lang..” Hinabol niya muna ang hininga niya.   “Bakit? Anong meron?” Tanong nung isang babae sa kanya.   “Nakalimutan niyo na? Death Anniversary ng Chi-Mafia Leaders ngayon.”   My mind went blank. My hands went cold. My throat went dry. My strength left my body. My body was shaking. Dahan-dahan akong tumingin kay Xie. My voice almost cracked after I asked him.. “D-Death.. anniversary?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD