‘Don’t worry’
XIA
Nanatili akong nakatayo sa harap. Nakatingin sa mga estudyanteng pinapepyestahan na ako sa tingin. Matapos sabihin ni Neo na ako ang may hawak ng Joker Card, their gazes changed. Handa na silang patayin ako. Tumigil ang ingay na ‘yun nung may lalaking tumayo. Si Art.
Nakatingin lang siya sa akin. I never made eye contact. Tiningnan ko lang ang card na hawak ko. This little piece of paper? Huh! Magsasalita na sana si Art pero may nagsalita na.
“As an ace card holder, I would like to say something.” Si Harvin. Nakita kong tumango lang si Neo bilang pagsang-ayon.
“Ngayon pa lang nagsisimula ang Card Game. Which means, from the last ten minutes until the first time this school opened, no one was allowed to hurt anybody, right?” Tanon ni Harvin at tumango ulit si Neo.
“But Xia was almost killed yesterday. That is breaking the rules. Z, broke the rules.” Dun na ako tumingin ng maayos kay Harvin. Nagsabog ng ingay ang hall at nagkagulo sila pero nakatingin lang ako kay Harvin na binigyan ako ng isang ngiti.
Ngumiti narin ako at napatingin ako sa lalaking dumaan sa harap ko.
“Art! Wait for me!” Hinabol pa siya ni Vinna. Nagkibit-balikat nalang ako naglakad palabas.
✥✥
Nakahiga na ako sa kama ko. Hundreds of messages from Xie flooded my phone kaya pinatay ko nalang ang phone ko. Xia, the Joker. Sounds familiar. “Hi, Joker!” Nakapoker face lang ako habang nakatingin kay Star na kakapasok lang at may dalang katana.
Normal na ‘yun pero kumunot ang noo ko nung makita kong may dugo ang katana niya.
“What’s that?” Tanong ko at tinuro ang katana niya kahit alam kong dugo ‘yun.
“Oh, this? Uhh.. nothing? May mga sumunod kasi dito. Papatayin ka raw nila. Hahaha! Pathetic! Kaya ayun, pinutulan ko lang ng daliri. Bloody, right?” Pinakita niya pa ang katana niya. Napangiwi nalang ako at tinakpan ang tenga ko ng unan. Kung anu-ano nalang kasi ang sinasabi ni Star.
“Hey, Joker. Handa ka na bang pumasok bukas?” Hindi ko sinagot si Star at tumingin nalang ako sa braso ko. Tinanggal ko ang bandage dito at tiningnan ‘yung sugat.
“Oh~ Z was suspended!” Aniya. I just scoffed. Suspended? That’s the best they can give? I just shook my head. Hindi pa pala napapalitan ang bandage nito. Tiningnan ko naman si Star na nagbibihis sa harap ko. Ewan ko sa babaeng ‘to. Napakaliberated. “Aalis ako.” Sabi ko at tumayo sabay kuha ng cap ko at headphone.
“Uhh.. magpapakamatay ka ba?” Tanong niya nung nasuot na niya ang hoodie niya. Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya. “This school, is an ocean of monsters. You’re the human. Monsters kill humans.” Aniya at kinuha niya ang baril niya at lumapit sa akin.
“Tara?” Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi ni Star. Napakamot nalang ako sa batok ko at sinundan siya. Pumunta kami sa clinic at pinalitan ng bandage ang braso ko. Si Star naman ay nilalagyan ng alcohol ‘yung fish bowl. What the—?!
“Baliw ka ba?! Mamamatay ‘yung gold fish!” Sigaw ko at sinipa ko ng mahina ang hita niya pero tumawa lang siya at binalik sa mesa ‘yung alcohol. “I’d rather kill it than make it suffer.” May iba akong naramdaman sa sinabi niya pero binalewala ko nalang ito. Tapos nang palitan ang bandage ko nung may pumasok sa clinic.
Tumingin kaagad ako dito.
“Ginagawa mo dito?” Tanong ni Star kay Chester na kararating lang habang hawak-hawak ang nose bridge niya.
“Nataaman ako ng pinto sa nose bridge, and now Xie punched me? Ugh! Ano bang problema niyo?” Umupo si Chester sa harap ko at hinintay ‘yung nurse pero parang hindi na ata dadating ‘yun. Si Xie naman ang may gawa ng sugat niya kaya kinuha ko nalang ‘yung cotton buds at tsaka ‘yung panlinis ng sugat. Nilinis ko ang sugat niya at hindi man lang siya pumalag. Nilagyan ko narin ito ng band-aid.
“Halikan mo na kasi!” Napaatras kaagad ako dahil sa sinabi ni Star. Baliw ‘to ah! Dun ko lang nalaman na ang lapit pala ng mukha ko sa mukha ni Chester. Ewan ko sa ‘yo, Star. Tumayo na ako at hinila siya palabas.
“Crazy b*tch!” Pinalo ko si Star kaya mas lalo siyang tumawa.
“Pikon ka talaga palagi. Lika nga! Let’s have dinner!” Ako na naman ang hinila ni Star papunta sa diner ng Card High. Habang papunta kami dun ay ang daming nakatingin sa amin. Sa akin. Oh yeah, I was the prey and all of them are the predators.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko nung napansin kong nabadbad ‘yung pagkakatali ng shoe lace ko. Kaya inalis ko muna ang pagkakahawak ni Star sa braso ko at yumuko para itali ang shoe lace ko. Nung tapos na, tumayo ako—teka, asan si Star?
“Star?” Tumingin-tingin ko sa paligid pero wala akong Star na nakita. Asan na kaya ‘yun? In a swift move, tumalikod ako at napaatras kaagad. Damn! Muntik na akong mapasigaw. Sinubukan kasi akong gulatan ni Star.
“Baliw ka talaga!” Ngumisi lang si Star at binigay sa akin ang shake na dala-dala niya. Tumuloy na kami sa diner at umupo sa isang round table. Nabigla ako nung nilagay ni Star ang baril niya sa mesa. “Uhh.. Star? No guns on the table?” Taas-kilay kong sabi sa kanya pero ginantihan niya lang ako ng ngiti.
“Sleeping Beauty, the monsters are everywhere~” Tumingin-tingin agad ako sa paligid dahil sa sinabi ni Star. Nakatingin nga sila sa akin. Tiningnan ko naman si Star. “Isa ka din naman sa kanila ah.” Sabi ko at ngumiti siya ulit at hinawakan ang dibdib niya.
“I’m a different kind of monster.” She winked at me kaya nagkibit-balikat nalang ako at tiningnan ‘yung menu. Nag-order kami ng course meals. Habang naghihintay kami sa order namin ay napunta ang tingin namin sa lalaking kakapasok lang sa diner at parang bad trip.
Nakita niya kaagad ako kaya naglakad siya palapit sa direksiyon namin.
“Problema mo?” Tanong ko kay Warren. Umupo lang siya sa tabi ko at nag-order. Hindi siya nagsasalita. That’s odd. Once again, nagkibit-balikat lang ako at tumingin na naman sa lalaking palapit ‘na naman’ sa amin.
“He came back for the kiss~” Tiningnan ko lang ng masama si Star at nakita kong binaba ni Warren ang menu na hawak niya.
“Teka, ano bang tinuturo mo kay Xia? Kiss?! Tsaka, bakit ba kayo magkasama? Sino ka ba? Will you kill her after this? Ano bang card mo?! Ano bang clan mo? What’s your plan? Huh?” Napasapo nalang ako sa noo ko. Nagsalita nga si Warren, dakdak naman sa tanong.
“Sweetie, do you want me to shoot you?” Ginamitan ni Star si Warren nung nakakaloko niyang ngiti. Ewan ko pero ako naweweirduhan ako sa ngiting ‘yun. I think iba ang epekto ng ngiting ‘yun kay Warren. He stopped talking. Like wala talaga siyang nasagot.
“Good. Mag-order ka na~” Binalik kaagad ni Warren ang tingin niya sa menu. “Here.” Tiningnan ko kaagad ang maliit na notebook na hawak ni Chester.
“What’s this?” Tanong ko at kinuha ang notebook tsaka tiningnan ito. Binasa ko narin kung ano ang nakasulat sa loob. Schedule ng classes. “Bakit ikaw nagbibigay niyan? Diba dapat si Neo?” Tanong ni Star kaya binaba ko na ang notebook at tumingin sa kanilang dalawa. Si Warren naman ay kanina pa tinatago ang mukha niya sa menu kaya tinanggal ko ang menu na hawak niya.
“Para kang tanga. Waiter, isang course B.” Sabi ko sa waiter na dumaan. Tumango kaagad ito at yumuko sa akin kaya napalunok nalang ako at binalik ang tingin ko kina Chester at Star.
“Neo is in a serious business right now.” Angat-labing sabi ni Chester. Tahimik lang ako sa buong dinner namin. Binabantayan ang mga titig ng mga estudyanteng parang lalapain na ako. Being the Joker, huh? Bakit parang hindi na bago sakin ‘to?
✥✥
Naglalakad ako sa likuran nina Star at Warren na nag-aaway tungkol sa pambabara ni Star sa kanya. Ewan ko pero natatawa ako kay Warren dahil may tumatapat na sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko na nagriring at tiningnan ‘yung caller. Si Xie.
Hindi ko sana sasagutin at ibababa ko na sana ‘yung cellphone ko nang makita ko si Xie sa harap ko na hawak-hawak ang cellphone niya. Ugh. Galit na naman ‘to. Napasapo nalang ako sa noo ko nung lumapit na siya sa akin.
“Kumain ka na?” Tanong niya. Akala ko pagagalitan niya na naman ako. Tumingin lang ako sa kanya at tumango. Sinulyapan niya muna si Warren na sinusundan si Star habang dumadadak. Binalik niya ang tingin niya sa akin at ginulo ang buhok ko.
“Dessert?” Tumango agad ako sa sinabi ni Xie. Pumunta kami sa coffee shop at umurder kaagad siya sa cake. Pagbalik niya ay nilapag niya ‘yung dessert at tumingin sa akin.
Hindi siya nagsalita. He just gave out a huge sigh at kinain ‘yung cake. Kumain narin ako at habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang mapahawak sa braso ko.
“Kapag gumaling na ‘yan, ipapalaser natin. So that it won’t leave a scar.” Tumango ako ulit sa sinabi niya. Nung tapos na kaming mag-dessert at naglakad-lakad muna kami ni Xie sa mini park ng Card High. 11 PM na nung huminto kami at umupo.
Hindi nagsasalita si Xie pero makikita mo talagang nag-aalala siya. Nag-cling ako sa braso niya at sumandal sa balikat niya at pumikit.
“I just don’t get it. Bakit ikaw ‘yung Joker?! Tsk!” Galit niyang sabi.
“Lahat ng nangyayari, may ibig sabihin. May dahilan.” Ewan ko kung saan nanggaling ‘yun. Pero ‘yun ang lumabas sa bibig ko. Hinaplos nalang ni Xie ang buhok ko. “I’ll here. We’re here. Don’t worry. We’ll keep you safe.”