Chapter 6

1939 Words
‘The Joker Card’   XIA   “Ahh! s**t!” Dahil sa pagulong-gulong ko sa kama ko ay nahulog ako at tumama ‘yung ulo ko sa isang matigas na bagay. Naimulat ko kaagad ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo ko. Tinapon ko nalang ang unan na nasa hita ko at tumayo. I was having a nightmare again. The same nightmare I had simula nung nagising ako. Even though I just theorized that I was in a memory seal for four to five years, kagabi ko lang nakumpirma nga totoo nga ito.   Matagal kong pinag-isipan ang bagay na ‘yun. And it sums up the calculation. Wala akong alam dahil sa memory seal ko. Napasapo nalang ako sa noo ko. Kailangan ko ba sila makikita? I miss them. Even if they don’t really care that much.   “Time to move out, Missy!” Tumingin kaagad ako sa pinto nung marinig kong may nagsalita sa labas. Sino naman ‘to? Tumingin ako sa paligid at nalaman kong nasa clinic pa pala ako. Kinuha ko na mini bag ko at lumabas na. I just swung the door open.   “Ahh—Sh*t!” Nakatingin ako ngayon sa lalaking nakahawak sa nose bridge niya. Hindi ko naman sinasadya na lakasan ang pagbukas ng pinto at tinamaan ‘yung nosebridge niya sa pinto.   “Oh! Sorr—” I stopped. Do I have to apologize? I mean, this is Card High. Wala namang silbi ang sorry ko dito. Tinikom ko nalang ang bibig ko at umalis na. I heard him grunt so out of worry, I looked back at him. Tumingin siya sa akin at nakita ko ‘yung kulay ng mata niya. They were blue. Ocean blue.   “Salamat ah! Tsk! Hindi ka ba mag-sosorry?!” Tanong niya at nagkibit-balikat lang ako at tumalikod na.   “Tss. Chi-Mafia nga naman.” Dun na ako napahinto at pumikit. ‘Palibhasa, Chi-Mafia’ ‘Chi-Mafia nga naman’ Mga walang manners.’ Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang naglalagay ng band-aid sa nose bridge niya. I gritted my teeth at lumapit sa kanya.   “Do you have a problem with Chi-Mafia?” Medyo gigil kong tanong sa kanya. Nakita kong ngumiti siya at tumingin ng diretso sa akin. “Sa Chi-Mafia, wala. Sa ‘yo, meron.” Kumunot kaagad ang noo ko sa sinabi niya. Me? Napaturo agad ako sa sarili ko.   “Oo, ikaw. Ang ganda mo kasi~ Nakakasilaw!” Isang minutong katahimikan ang binigay ko sa kanya. Was that a joke? Kasi hindi ako natatawa. Siya lang naman ‘yung tumatawa. “Okay! Okay. Hahaha. I’m Chester. I’m gonna be the one to take you to your dorm.” Oo nga pala. ‘Yung dorms. I almost forgot. Tumingin agad ako sa kanya.   “Uhh.. why you? Where’s my twin?” I asked and he curled his lips for a moment as if nag-iisip siya at tumingin ulit sa akin.   “Uhh.. tulog pa?” Napasapo nalang ako sa noo ko. Hay naku, Xie. Isusumbong talaga kita kay Papa.   “I’m the school Vice President kaya ako talaga ang nagdadala sa mga bagong studyante sa mga dorm nila.” Tiningnan ko lang si Chester na nakatingin din sa akin. “I wasn’t asking.” Walang gana kong sabi at nagsimula ng maglakad.   “Oh~ fierce!” Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng clinic, which is upper floor lang ng coffee shop ay may dala-dala na si Chester. Two cups of cappuccino. Binigay niya sa akin ‘yung isang cup pero tumanggi ako. Pero ang kulit niya talagat at nilagay niya = sa kamay ko ang cup at ngumisi. Baliw. Baliw yata lahat ng nandito. Neo is crazy, Z is weird, Chester is crazy and.. Art? Bakit ko nga ba biglang naisip ‘yung taong ‘yun? I just shook my head at naglakad ulit.   Dinala ako ni Chester sa isang malaking building. Somehow, it’s not really creepy. ‘Yung ngiti lang ni Chester ang nakakakilabot. “Is this where you’re gonna kill me?” Sarcastic kong tanong sa kanya.   “Hindi pa nga nagsisimula ‘yung laro.” Kunot-noo ko siyang tiningnan habang nasa elevator kami.   “The card game hasn’t started yet? Pero behind na kami ng dalawang quarter diba?” Tanong ko at tumingin lang siya sa akin at uminom ng cappuccino.   “The card game can’t start without the King.. and the Joker.”   ✥✥   Hindi mawala sa isip ko ‘yung sinabi ni Chester. Bigla tuloyng pumasok sa isip ko ang sinabi ni Warren noon.   “All I know is that you.. are the joker.”   Umupo nalang ako sa kama ko at tiningnan ang kwartong ‘to. This is where I’m gonna stay? May dalawang kama pa akong nakita. Which means, may mga roommates ako. Is this even real? Nawala ang tingin ko sa mga kama nung bumukas ang pinto at may pumasok na babae. Medyo nabigla pa siya nung nakita niya ako.   “Hmm. Chi-Mafia.” ‘Yun lang ang sinabi ni at humiga sa kamang kaharap ko at tinanggal ang sapatos niya. Hindi nalang ako nagsalita at tiningnan ang bandage sa braso ko.   “Kilala mo na ‘yung bruhang may-ari ng kamang ‘yan?” Hindi sana ako sasagot sa tanong niya kasi wala akong ganang makipag-usap pero sinagot ko nalang ng ‘No’ at tumango-tango lang siya.   “Just take note, if the game starts. She’s mine to kill.” I felt shivers down my spine when she said the word ‘kill’. This is the real deal, huh? Killing. Hihiga na sana ako sa kama ko nang bumukas na naman ang pinto.   “Okay. See you~” Tumingin ako sa babaeng kakapasok lang at may lalaking naghatid sa kanya. Nag-usap pa sila nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa lalaking kausap niya, which made me turn away immediately. Kausap niya si Art. Dun ko lang napagtanto, si Vinna ang babaeng kakapasok lang. Tumingin ako dun sa babaeng naka-upo sa kama. She was giving deadly glares to Vinna at sandaling tumingin sa akin. Pagtingin niya sa akin ay nag-OK sign ako sa kamay ko. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.   “I’m Star. Leopard Clan.” Leopard Clan, huh? They’re famous for having the best bone breakers in the city. Sa mukha niya palang ay makikita mo nang handa siyang makipagpatayan kahit na anong oras. ‘Yun lang ang sinabi niya at nakipagkamay sa akin tsaka bumalik sa kamay niya just in time na tumingin sa amin si Vinna. She smirked when she saw me. Nagkibit-balikat lang ako. Wala akong oras makipaglaro. We already have the card game going on.   ✥✥   “Hey! Sleeping Beauty! Wake up!” Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at muntik na akong mahulog sa kama dahil baril kaagad na nakatutok sa mukha ko ang nakita ko. “What the hell, Star?!” Tumawa lang siya at nilagay sa likod niya ang baril niya.   “Akala ko kasi hindi ka na gigising. Papatayin na sana kita.” Inirapan ko nalang siya at tumayo na. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na maputla ang labi ko. Uminom nalang ako sa tubig at tumingin kay Star na inaayos ang leather shoes niya.   “Get yourself ready. The final card distribution is gonna happen.” Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. Final card distribution?   “The card game can’t start without the King.. and the Joker.”   Napalunok nalang ako sa naisip ko. “Ikaw? Ano bang card mo?” Tanong ko kay Star. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti.   “Queen.” Aniya. What a lucky one. ‘Yun ang naisip ko. Nalaman ko rin na niraranko nila ang mga mga studyante dito base sa clan nila. A caste it is. Ganito ‘yung system nila. Low rank Cards. 2 card. Mga followers lang ang pinanggalingan nila. Mag myembro lang ng clan. 3 card. Mga second rank members. 4 card. Mga delivery personnel lang sila. Myembro lang sila ng clan dahil kailangan ng mga tagahatid ng bagay-bagay. Kumabaga kung sa drug business, sila ‘yung runners. 5 card. Kagaya ng 4 Card holder ang ginagawa nila. They’re the messengers pero mas kumplikado ang ginagawa nila kesa sa 4 Card holder kaya mas lumamang sila. 6 card. Mga ‘born out of wedlock’. In short, concubines lang ‘yung parents nila. Kumbaga Mafia Leader ‘yung ama at pinaanakan lang ‘yung ina nila. Kinokonsider paring low rank.   High rank Cards. 7 card. ’Yung mga myembro ng independent clans. A small clan, but a deadly one. 8 card. Group leaders ng bawat groups ng clans. 9 card. Mga right-hand ng leader ng mga clan. 10 card. The clan leaders.   Royal Cards. Jack. Elite clan Leaders. Ace. Elite Teams. King & Queen. Heiress and Heirs.   At ang pinakatatakutan ng lahat. The Wild Card. The Joker. Walang sinabi kung ano o sino ang karapat-dapat na maging Joker. Some says that the decision is made by someone the no one knows. Therefore, kahit sino ka pa, kapag ikaw ang napiling maging Joker. Wala ka nang magagawa. Card game rules. Shitty card game.   “Stop day dreaming, Sleeping Beauty. Tara na!” Hinila na ako ni Star palabas kaya inayos ko nalang ang jacket ko para hindi makita ang bandage sa braso ko. Dinala ako ni Star sa isang malaking hall. Pagpasok namin ay ang ingay nila. Ganun naman talaga kapag may student gatherings, palaging maingay. Nakita ko si Xie na nakatingin sa akin. He gestured na lumapit ako sa kanila pero inirapan ko lang siya. Bahala ka diyan. Tinulugan mo lang ako. Sumunod ako kay Star at nakita kong tinawanan lang ni Warren si Xie.   “Hindi ka tatabi sa kanila?” Tanong ni Star sa akin.   “Shut up and mind your own business.” I barked back at tumawa lang si Star sa sinabi ko. Was that even funny? Palagi nalang akong tinatawanan nito. Napabuga nalang ako ng hangin.   “Si Art nalang ‘yung hinihintay.” Sabi nung babaeng may hawak ng mic sa harap. Kinuha ko nalang ang earphones ko at sinalpak ito sa tenga ko pero walang silbi ito kasi nangingibabaw ‘yung ingay nila. Tinanggal ko nalang ‘yung earphones ko just in time na bumukas ang pinto ng hall. Pumasok si Art kasama si Vinna. Iniwas ko nalang ang tingin ko at diretsong tumingin sa harap. Mahapdi ang braso ko at wala akong gana.   “Barilin nalang kaya kita?” Tiningnan ko ng masama si Star pero tumawa na naman siya.   “Mukha ka na kasing mamamatay. Hahaha!” Pinakita niya sa akin ang salamin na inagaw niya sa katabi niya. Namumutla na naman ako. Kinuha ko kaagad ‘yung lip balm ko at nilagyan ang labi ko.   “That’s one goddamn kissable lips, Xia.” Lumingon agad ako at nakita ko si Chester na papalapit sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at hindi ko sinasadyang magtama ang paningin namin ni Art. Iniwas ko na naman ang tingin ko at hinawakan ang braso ko. Maya-maya ay natahimik na ang lahat. Binibigay na ‘yung mga cards ng iba. As expected, sina Warren ay tinaguriang Aces. Sina Tetsu ay ginawang Red Cards. ‘Yun naman daw ‘yung dapat na card nila.   “Tatlo nalang ‘yung cards na hawak niya oh. Alin kaya ‘yung sa ‘yo?” Nakangiting demonyo si Star habang nakatingin sa akin.   “Xie John Chiso. Chi-Mafia. King card.” Tumayo si Xie at kinuha ang card niya. Pagbalik niya ay dumaan siya sa harap ko at inayos ang jacket ko tsaka umupo na.   “Kris John Stewart Chua. Empire. King card.” Empire, huh? Kaya pala hindi sila magkasundo ni Xie. Mortal enemies. And haba naman ng pangalan niya. Pareho pa silang may ‘John’ ni Xie. Teka, ano bang pakialam ko? Ahh, I’m thinking nonsense again.   “And the last card..” This time, I felt goosebumps. Si Star ay nakangisi lang habang nakatingin sa akin. Sina Xie ay parang gustong itigil ang mga nangyayari. Si Neo ang may hawak ng card ko. He was looking at me with a poker face at parang hindi siya natutuwa sa nakikita niya. Napatingin narin ako kay Chester. Nagtiim-bagang lang siya. Wala pa akong naririnig na may tinawag na Joker Card. Huh! It is as it was expected. Nawala na ang kaba ko at napalitan ito ng ngiti. Tumayo na ako at ako na mismo ang pumunta sa harap. Sa harap ni Neo.   “X-Xia..” Tawag niya. I just tilted my head at hinawakan ang card na hawak niya. Sinubukan kong hilain ito pero ayaw niyang ibigay. “Parang ikaw pa ‘yung natatakot sa card na ‘yan ah.” Sabi ko sa kanya.   “It’s just a card, Neo.” Dagdag ko pa at hinila ulit.   “But this is the real game, Xia.” Alanganin niyang binigay sa akin ang card. Tiningnan ko ito at ngumiti. Isang ngiting ayaw na ayaw makita ni Xie. Tiningnan ko sina Harvin, pati si Star. And lastly, the Empire’s heir.   “The real game? I know.” Sabi ko at tiningnan ulit ang card na nasa kamay ko. The Joker Card.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD