Chapter 12 Halos mapalukso ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Si Potpot andito siya? Handa na ba akong makita siyang muli kapag siya nga yun? Pero pwede din naman nagkataon lang na magkamukha sila. Ngatog ang mga tuhod kong lumingon sa kanya. Lumakad siya palapit sa akin na nakangiti. Potpot? Ikaw ba talaga yan? Matagal kitang hinintay. Hindi ko kayang iangat ang mga paa ko para lumapit din sa kanya. Naramdaman ko na lang ang nangingilid na luha ko. Pero lubos ang pagtataka ko ng diritso lang ang lakad niya lumihis siya at iniwan ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ba niya ako nakilala? "Yow musta Mik, nakapasok ka ba sa try out ng basketball kanina?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko siyang nakipag apir sa lalaking naka sport attire na pang basketball. "Di pa ako naka

