PROLOGUE and Chapter 1
PROLOGUE
Paano kung isang araw nakabangga ka ng isang suplado, mayabang, mapang-asar at cassanovang lalaki na gugulo sa tahimik mong mundo?
Iyon bang tipong kuntento ka na sa buhay na 'di ka nakikita ng lahat, dahil sa mala-uranggutang mong ganda pero, nang magkrus kayo ng mga landas, biglang nag iba ang lahat. Hahayaan mo lang ba na api-apihin ka niya o magpaka-dragon ka upang lumaban?
Paano naman kung baliktad ang mundo? Paano kung isang araw nakabangga mo ang isang palaban , mataray, mahilig mangbara at masungit na babae na gugulo din sa iyong mundo?
Iyon bang tipong tinitingala ka ng lahat dahil sa gwapo ka, mayaman, talented, at tinitilian ng kababihan pero pagdating sa kanya titiklop ka. Aba'y bad record sa 'yo yan!
Hahayaan mo na lang ba ang sarili mo na matalo ng isang invicible, bungangera at higit sa lahat common lang talaga na babae na wala naman talagang kaespe-espesyal sa kanya? Plus, ampangit pa!
"Shut up! Baka nakalimutan mong ako si Nick Alexander Morghan, na gwapo, hot, mayaman kaibig-ibig ng lahat, ang gustong magpabuhat sayo nito! Tapos aarte ka pa? Okay ka lang? Common! There are millions of girls out there, willing to be my pet!"
"Hoy hangal! Baka nakalimutan mo rin na ako si Cassandra Reyes, na hot kahit flat ang ilong at dede! Pagbubuhatin mo ako ng tatlong sako ng bigas paakyat doon sa 5th floor ng condo mo na maghagdan lang? Okay ka lang? Shunga naman siguro ka, hano?! Dont english me, ha?! Akala mo aatrasan kita? 'Wag na 'wag mo nga akong ma 'common common" diyan! Baka masampal lang kita at malipat yang nguso mo sa ibabaw ng iyong noo! Isahog ko pa sa fried rice yang bayag mo!"
Sabi nila the more you hate daw, is the more you love. Malabo yata! World war yata ito!
*****************************
CHAPTER 1
"Huwag kang mag inarte diyan. Alam kong gising ka, Cassandra. Baka gusto mo pang sampalin kita ng itak o tahiin ko yang butas ng pwet mo para lang matigil na yang pagtulog tulugan mo diyan?" Napamulat ako nang marinig ang nakakairitang boses ni Grace.
Shete naman! Kitang natutulog pa ang tao. Hindi naman sa mainitin talaga ang ulo ko, ngunit sino ba ang di mainis gayong isang oras pa lang yata ako nakatulog dahil sa kagagawa ko ng aking suman na ide-deliver ko sa tindahan ni Aling Matit mamaya.
Marahas kong nilingon si Grace sabay bigay sa kanya ng masamang tingin."Gaga! Ano namang nakain mo ba't mo ako ginising ng napakaaga? Ala singko palang oh!" Iritableng asik ko. Loka-loka ata to! Alas otso y media pa lang naman ang pasok ko. Eh, tapos ang aga niyang mambulabog ng tulog? Tinalikuran ko siya sabay takip ng kumot sa aking mata. Matutulog ako ulit!
"May surprise ako sayo!" Sigaw niya sabay yugyog sa akin nang marahas dahilan para bumangon na rin ako sa huli. Alam kong di titigil itong kasama ko kapag di ko pinapansin ang kakulitan niya.
"Talaga? Ano namang kalokohan 'yan ha, Grace?" matabang tanong ko sa kanya. Nawala bigla ang aking pagkaantok nang mapansin ko ang mapanaka nakang ngising demonyo sa kaniyang labi. Nakapagtataka lang kasi may pa ngiti ngiti pa ang babae na 'to. Kinabahan tuloy ako, kasi noong minsan na sinabi niya sa akin na may surprise siya, naku! Isang malaking kahayupan lang pala ang lahat!
Pinabuksan niya sa akin ang ref namin noon, kasi daw doon niya inilagay ang surprise niya para sa akin. Excited kong binuksan ang ref sa pag-aakalang may binili siya sa akin na ice cream. At nasurprise nga ako! Sino bang 'di ma surprise kung pagbukas ko ng ref, bigla bigla na lang may pusa ang tumalon mula sa loob ng freezer no? Parang nilayasan yata ako ng aking kaluluwa sa panahong iyon. Eh, may pagka topak din kasi itong si Grace kaya duda ko ngayon, may kahayupang ginawa na naman ito. At mas malala pa, tuwing gumagawa siya ng kaniyang mga pranks,talagang ako lagi ang puntirya niya gayong kami lang namang dalawa ang narito sa loob ng boarding house na tinutuluyan namin.
"Oo nga besh, totoo na to siguradong masu-surprise ka dahil loves na loves kita ayan pinaganda na kita." Patawa tawa niyang sabi sabay abot sa akin ng bilog na salamin. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagngiti, alam kung may ginawa itong masama laban sa akin. Kaya dali dali kong hinablot ang salamin sa kaniya sabay sipat ko ng aking sarili.
Agad nanlaki ang aking dalawang mga mata! Natigalgal ako ilang saglit, at di makapaniwalang napatingin na lang ako kay Grace na tumatawa na ng mariin. Nakahawak pa ito sa kaniyang tiyan. Ang tawa niya ay talaga namang nakakarindi dahilan para mamuo sa aking mga mata ang maliit na butil ng luha dahil sa inis.
"Grace!" sambit ko sa basag na tinig ngunit patuloy pa rin siyang tumatawa.
"Grace, anong ginawa mo sa kilay ko? SUMAGOT KA!" Lahat ng dugo ko sa katawan ay parang pumunta lahat sa ulo ko. Eh! Sino bang 'di mapasigaw kung pagtingin ko sasalamin, tumambad sa akin ang aking mukha na wala ng kilay? Oo! As in literal na naupaw ang kaliwang bahagi ng kilay ko.
"Sorry, bes! Gusto lang sana kitang isurprise, eh! Nasurprise kaba? Isa pa ang kapal ng kilay mo kaya shinave ko nalang lahat." Painosenteng sagot niya kapagkuway humahalakhak.
Dahil sa sinabi niya na iyon, kaya mas lalo akong maiyak. First day of school ngayon, eh sino bang gaga na pumasok sa first day of school ng walang kilay?
Binato ko sa kanya ang salamin dahil sa inis! Aba, nakailag pa ang bruha na lalong nagpangitngit sa akin.
Tumayo ako para sabunutan ang loka loka kong bestfriend pero, hindi pa man ako tuluyang nakatayo, ayun wala na! Tumakbo na ang gaga! Tumalon pa sa bintana!
"Hoy! Bumalik ka dito! Pagbayaran mo itong ginawa mo sa akin! Makikita mo!" Sigaw ko sabay bunot ng itak na nakapatong sa mesa, saka hinabol ko siya. Hindi ko rin naman siya papatayin. Panakot ko lang ito, nang sa gayon huminto na siya kakatakbo. Pero sa halip na huminto, mas bumilis pa ang kaniyang mga hakbang.
"Bestfriend, habulin mo ako!" Sigaw niya. Tuwang tuwa talaga aiya sa nangyari!
"Talagang hahabulin kita! Makikita mo! chop-chopin ko iyang bungo mo!" ang aking tugon sa nanggagalaiting tinig.
"Wag ka nang magalit besh! Bagay naman sayo, eh. Dapat dalawang kilay pa nga ang inupaw ko para pagtumubo iyang kilay mo ulit, mukhang si lola Nidora na ang beauty mo. Diba idol mo yun?" Halakhak niyang sabi. Tulong tulo na ang pawis ko sa katawan. Nawala na rin ang pagkapuyat ko. Sino bang 'di pagpawisan kung ilang kilometro na ba ang natakbo namin? Pero bahala na! Ang gusto ko lang sa ngayon, maabutan ko ang baliw na si Grace, na sa kasamaang palad best friend ko, para pagbayarin sa kahayupang ginawa niya sa akin.
"Tumigil ka na! Huwag mong hayaan mong galitin pa ako masyado baka hindi na kita mapatawad sa ginawa mo sa akin!"
"Basta huwag mukong habulin!" Sigaw niya pabalik na lalong nagpapainit ng ulo ko.
Napangisi ako nang makita ko siyang humito. Akala ko maabutan ko na siya ngunit hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla na lang kasi itong umakyat sa di kalakihang puno na nasa kaniyang harapan.
" Bumaba ka diyan!"
"Besiwap, abutin mo ako!"
"Urrrrrgh!" Gigil na sigaw ko. Paano ko pa siya maabutan? Bukod sa takot ako sa height, di rin ako marunong umakyat ng puno.
Isang idea ang pumasok sa aking isipan. Tingnan ko lang kung hindi ito kusang baba kung tatagain ko ang punong inakyatan niya.
"Hoy ano yang ginagawa mo ha? Tigilan mo yan." Pigil niya sa akin. Naroon ang takot at pangamba sa kaniyang boses. Napangisi ako.
"Pwes, kung 'di ka bababa diyan at pagbayaran tong ginawa mo sa akin, babaliin ko iyang mga buto mo!" Seryoso kong sabi. Puputulin ko talaga 'to pag di siya bumaba diyan tingnan lang natin kung di madurog ang mga buto niya kung kasama siya kapag natumba ang punong tinataga ko sa kasalukuyang ito.
"Oo sige, na bababa na!" Pagsuko niya sa huli.
Dahan dahan siyang bumaba. Talagang inaabangan ko siyang makababa! Agad kong hinawakan ang kaniyang leeg ng napakahigpit ni wala akong pakialam kung nasasakal na siya. Kinaladkad ko si Grace pabalik ng bahay.
Napaaray siya ng paulit ulit dahil sa ginawa ko sa kaniya pero brutal ako ngayon. 'Di na siya nagsalita pa kasi naman tuwing susubukan niyang magsalita, lalo ko pang pipilipitin ang leeg niya.
Hawak ko pa rin siya hanggang sa makapasok kami ng bahay saka kinuha ko ang shave na nakapatong sa ibabaw ng aming kama, saka inupaw ko rin ang kilay niya.
Take note! Mas malala pa ang sa kanya kasi dalawang kilay niya ang inupaw ko.
"Ang daya mo ha? Sayo isa lang tapos sa akin dalawa? Asan ang hustisya?" Nakabusangot niyang sabi.
"Wow ha? So ako pa ang sinisi mo ngayon gaga ka? Naisip mo ba yang ginagawa mo? First day sa school ngayon tapos uupawin mo ang kilay ko? Ayan patas na tayo." Pasalamat nga siya inupaw ko lang din kilay niya kesa naman pinagtataga ko talaga siya ng itak no.
Napatawa ako bigla sa hitsura niya. Eh kasi naman eh sino bang di matawa kung kaharap mo ang bestfriend mo na nakabusangot ang mukha tapos walang kilay? Buti pa sana kung nakangiti siya eh mas lamang pa nga ng isang libong ganda si mona lisa sa kanya. Sabagay pangit nga naman tong si Grace no. Kung pangit ako eh mas malala yung kapangitan niya. Napatigil ako sa pag mumuni muni ng marinig kong malakas na halakhak ni Grace. Baliw nga naman talaga to eh. Abay parang masaya pa siya sa pagkawala ng kilay niya.
"Hahaha! Ganda ng araw na to besh no? Akalain mo nga namang sabay pa tayong nag ka free make over! Saya!" Inirapan ko na lang siya saka tumayo papuntang kwarto para makapaghanda sa pagpasok.
Matapos kong makapagbihis at mag almusal saka ako umalis ng bahay. Buti na lang may eye brow ako. Medyo di na halata na nawala ang kilay ko. Alas siyete y media pa ng umaga kaya hindi pa ako malate sa first subject ko. Idadaan ko muna tong niluto kong suman kina aling Matit para isama dun sa mga kakaning paninda niya. Di naman kasi ako mayaman no? Eh magsasaka lang ang papa ko tapos yung lupang sinasaka niya ay iba pa ang nagmamay ari. Bale parang nangungupahan lang. Naawa na nga ako sa mama ko eh araw araw na lang kumukuha ng labada para may maipadalang pangbayad sa sa tuition at allowance ko. Kaya heto ako ngayon pasan ang isang bilao ng suman para i deliver kina aling Matit para di na ako hihingi ng pang project ko. Buti na lang din sa awa ng Diyos naging scholar ako sa Morgan Empire Academy. Naging scholar ako hindi dahil sa matalino ako, kundi dahil sa kahirapan. Tinutulungan ng academy ang mga estudyanteng mahirap na interesadong makapagtapos. Sinagot nila ang kalahating bayaran ko sa school. Tapos yung bahay na tinutuluyan namin ni Grace ay kailangan pa naming pagbayaran yun buwan buwan.
Tagaktak ang pawis at nangangalay na rin ang mga paa ko, eh sa malayo layo na rin ang aking nalalakad no. Sa wakas natanaw ko na rin ang bahay ni aling Matit mga ilang metro mula sa kinaroroonan ko. Tatawid na sana ako nang biglang may bumusinang sasakyan mula sa likuran ko. At sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang bilao na nakapatong sa ulo ko at lahat ng suman koy tumilapon sa sahig.
Sandali akong napatanga nang makita kong nakakalat at nakasalansan na sa gitna ng kalasada ang mga suman ko. Ang pinagpuyatan at pinaghirapan ko!
Kasabay ng pagharap ko sa naturang kotse ay ang pagbusina rin nito ng malakas dahilan para mabingi ako. Tinted ang nakasarang bintana kaya hindi ko maaninag ang sino mang nagmamaneho nito.
"Hoy! KUNG SINO KA MANG HAYOP KA LUMABAS KA RIYAN! Anong gusto mo p*****n tayo, di kita uurungang talipandas ka! Lumabas ka!" Sigaw ko ng malakas. Eh sino bang di ma beast mood no, eh ala una na ako nakatulog dahil sa kakagawa ko ng suman na yan tapos ganun ganun na lang? Litse lang. Mas lalong uminit ang ulo ko nang di pa rin lumabas ang kung sino mang demonyong nagmamaneho ng sasakyan.
"Ano di ka talaga bababa diyan? Harapin mo akong litsugas ka!" Abay busina lang ang isinagot niya sa akin! Walang modo talaga! Akala niya siguro aalis ako rito nang hindi niya mabayaran ang mga paninda ko!
Di na talaga ako nakapagtimpi pa. Aba talagang matigas ang ulo ng tarantadong ito no, di pa rin lumabas eh. Ngayon ka lang, makikita mo. May nakita akong may kalakihang sanga ng kahoy doon sa gilid ng daan. Kinuha ko iyon saka pinaghahampas ang harapang bahagi ng sasakyan. Unang hampas ko pa lang nag c***k na agad ang unahang bahagi ng sasakyan niya.
"Isa! Di ka pa rin baba diyang buang ka? Ha?"
"Dalawa!" Sabay hampas uli ng kanyang sasakyan.
"Tat-!" Napatigil ako nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaki na siguro'y sing edad ko rin. Matangkad ito na animoy isang player ng soccer. May kalakihan rin ang katawan na hinahapitan ng puting T-shirt. Nakabrush up ang kaniyang itim na buhok. Matangos ang kanyang ilong at may kasingkitan ang mga matang nanlilisik. Gwapo siya, ang bulong ng aking isipan. Pero wala akong pakialam basta ang alam ko malaki ang kasalanan niya sa akin.
Sandali niyang inilayo ang kaniyang nag-aapoy na tingin sa akin saka niya sinipat ang bahagi ng sasakyan kung saan ko hinampas ng kahoy.
"Oh my God! My precious car!" Hestirikal niyang sabi. Sino bang di mabuang kong ka bago bago ng sasakyan mo ngayo'y basag na! Buti nga sa kanya!
Marahas niyang ibinalik sa akin ang kaniyang pansin. Napalunok ako nang makita ko ang kaniyang panggigigil. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao sabay lapit sa akin.
"You! You broke my car! Y'all pay for this!" Duro niya sa akin pero di ako nagpatinag.
Pinabilog ko ng husto ang butas ng aking ilong nang sa gayon madama rin niya ang galit ko! Kung galit siya! Keri pa rin ng beauty ko no. Mabait ako, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon!
"Bruk brukin mo yang mukha mo!" ganti ko. "Ayan patas na tayo. Wala na ang paninda kong suman dahil sayong unggoy ka!" Duro ko rin sa kanya."Oh my precious suman. My Gad!" Panggagaya ko din sa paraan ng paghehestirikal niya. Lumaki ang singkit niyang mga mata bigla wari bang hindi makapaniwala sa ginawa kong iyon. Napatawa ako sa loob ng aking isipan dahil sa itsura niyang galit na galit. Parang kamatis na nga yung ilong niya eh.
"How dare you broke my Ferrari car!" umiigting ang panga niya nang madiin. Alam mo ba kung gaano kamahal ito? Mas mahal pa to sa buhay mo at sa s**t na yang dala mo!" Hanu daw? s**t ang mga suman ko? Hindi ba niya alam kung gaano ko pinaghirapang lutuin ang mga iyan?
Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Napanganga ako sa gulat nang apakan niya ng ang isa sa mga suman ko. Ayan beast mode na ulit ako. Apakan niya lang lahat wag lang ang suman ko!
"How dare you apak apak my suman ha?" Maangas na tanong ko. Panay English siya kaya hindi rin ako papatalo sa kaniya! Alam mo kung gaano kahalaga ito? Mas mahalaga pa ito sa bayag mong bulok at sa litseng perari mo!" Sigaw ko sa kanya sabay sipa ng salamin sa sasakyan niya. Akala siguro niya natatakot ako sa kanya no?
"Stop messeng up my car!" Sabay apak ulit sa suman ko.
"Pwes tigilan mo rin yang pag apak sa mga suman ko!" Sabay sipa ko rin sa sasakyan niya.
Matagal na nagsukatan kami ng aming mga tingin. Ang aming mga mata ay tila dragong nais bugahan ng apoy ang isa't isa. Kung sa tingin niya ay basta basta na lang niya akong masindak dahil sa laki ng mga braso at mga kamao niya pwes nagkakamali siya! Pinaglihi ata ako sa bupalo, ano. Kaya kong talunin sa bolo kahit dalawang kalabaw pa kalaban ko! Hindi ako aatras sa kagaya niyang walang modo! Kung sana ay nagsorry nalang sana siya baka mapalampas ko pa. Eh anong nangyari? Siya na nga may kasalanan siya pa tong may ganang mambusina sa akin para paalisin ako sa daan!
Hindi ko alam kung ilang oras tatagal itong pagsukatan namin ng tingin. Buti na lang biglang tumunog ang cellphone niya na ikinatigil namin pareho. Tumingin muna siya sakin ng masama saka inilabas mula sa bulsa ang cellphone saka sinagot ang tawag.
"Hello, Drake. Yeah I'm on my way! Yeah, yeah l'll see you later!" Ewan ko lang kung anong pinag uusapan nila, di ko naman na gets yun no? Tsaka wala akong pakealam!
Nang maputol ang tawag muli na naman niya akong pinanlilisikan ng mata. "Pasalamat ka nagmamadali ako! Pero tandaan mo to, hahanapin kita at pagbabayaran mo tong sasakyan ko. Urrrrgh! Get out of my way!" Sabi niya sabay tabig ng marahas sa balikat kong nakaharang sa pintuan ng sasakyan niya. Gago talaga! Napangiwi ako! Ansaket nun ah!
"Dont English me ha? Ano sa tingin mo sa akin bobo? Oh ayan bayad na ako!" Sabay bato ko sa kanya ng suman. Ayun nasapol siya sa mukha. Pero bago pa man siya makapagsalita ay kumaripas na ako ng takbo.
Authors note!
The story was written 7 years ago. Jeje days ko ito isinulat. So may mga hindi talaga ganoon ka matured na mga choices sa buhay ang mga tauhan na nagbibigay kulay sa akda.