GRACE EMPERIAL POVERTY
"Humanities is not just about an art. It's about creating new and experimenting something." Ngalngal ng professor kong gurang na may suot na makapal na salamin. Di naman ako interesado sa pinagsasabi niya eh, kasi agang aga ang boring na agad. Nasa Humanities class ako ngayon at sa kasamaang palad naging instructor ko tong matandang professor na laging tumalsik ang laway pag nagsalita. Pweh! Kadiri nga yung labi niyang pulang pula eh tapos na paka blue pa ng eye shadow niya. May lahi yatang watawat si maam! Napatawa ako sa kaloob looban ko. Ilang saglit pa na pakikinig sa kaniya, di ko maiwasan ang pagbagsak ng aking mga talukap. Inaantok ako hanggang sa napahikab na lang ako. Meged di ko kaya tagalan tong klaseng na to.
Inabsorb ko ang sinabi ni maam na creating new at experimenting something daw. Bilang matalinong nilalang at pretty like me, gora! May naisip ako bigla.
Paano kung subukan kung umutot sabay laglag ng mga librong hawak ko, marinig kaya nila ang pag utot ko? Let see! Napahagikhik ako ng mahina. Di naman sa baliw ako no, eh experiment daw eh bakit di ko subukan. Pag umutot ako, ilalaglag ko ang mga libro ko para di ako marinig! Hahha! Evil laugh.
Hinanda ko ang mga libro na ibabagsak ko ng malakas. Kaya ko kaya ito? Bahala na! Try at experiment nga diba?
1... 2...3.!
Sabay hulog ko sa mga aklat ko. Nabulabog ang buong klase dahil sa kalabog ng mga libro sa sahig. Nahinto sa pagsasalita si maam. Natahimik ang lahat wari bang nasa the voice ako nang lingunin nila ako. Lahat ng mga mata ay nasa akin, saka naman ako napautot ng napakalakas. Dalawang beses pa! As in napakalakas na talaga namang narinig ng buong classroom kasi nga wala ni isang nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata dahil maski ako nagulat sa aking sarili dahil sa katangahang nangyari. Jusko Lord kunin mo na ako! As in now na! Di naman ganoon ang plano, eh! Dapat sabay yung utot ko at bagsak ng libro. Eh na delay yung utot eh! Walangyan pwet to! Iniscam ako. Lahat napahagikhik ngunit karamihan sa mga kaklase ko ay tahimik na namula pilit na pinipigilan ang mga tawa nila. Eh, sa terror tong si maam Leonda! See pangalan pa lang nakakatakot na. May ilan nagtakip ng ilong, siguro nga mabaho talaga utot ko. Panis na kasi yung nakain kong suman ni Cassandra kanina. Di ko naman akalain na yung suman sa mesa ay two weeks na palang expired! Kaloka! Tahimik ang lahat nang unti unting lumakad si maam Leonda sa harapan ko dala ang stick na hawak niya. Madalas niya itong ipanghampas sa mga kaklase kong bugok kapag di makasagot sa oral recitation. Nagmistulang Mount Everest ang kilay ni maam na lalong nagpapangit sa kanya! Jusko nakakatakot. Nanginig ang tuhod ko pero 'di ko pinahalata saka ako ngumiti ng awkward habang inunahan ko na siya. Bigla akong nag peace sign sa kaniya! Walang ya! Nanginig ba naman labi ni maam na halatang nanggigil!
" Theres an idiot at the edge of this stick! "Sabay duro niya sa akin ng stick na hawak niya.
" Sa-saan ba bandang end maam?" Ngatal kong tanong sa kanya pabalik. Naiihi na nga yata ako eh. Namula si maam sa tanong ko. Eh alam ko na ako ang tinuro ng stick niya pero dalawa naman kasi ang dulo ng stick no? Aminin ko na may pagka shunga ako sometimes pero di ako bobo ha? Mabuti nang sigurado, eh yung kabilang dulo ng stick nakaturo rin kaya sa kanya. Baka kasi sarili niya yung sinabihan niya. Di ba? Get's niyo? Wag bobo please! Baka masampal lang kita!
"GET OUT! I DONT WANT TO SEE YOU IN MY CLASS!" umugong ang tinig niyang iyon. Naluha na ang mata niya dahil sa labis na pandidilat sa akin.
"Ako din naman maam eh, l dont want to see you in my class." Bulong ko sa sarili ko sapat lang na di niya marinig. "Same lang tayo maam. Gaga ka!"
Buwisit na buhay to, oh. Nasa detention hall ako ngayon pagkatapos ko kasing ipahiya ang sarili ko kanina sa room ayun na guidance ako dahil narinig ba naman ni maam ang huling sinabi ko sa kaniya! Ayan tuloy narewardan pa ako pakshet!
CASSANDRA REYES POVERTY
"Okay class dismissed!"
Tumayo na agad ako matapos ligpitin at pinasok sa bag ko ang mga gamit ko, saka lumabas mula sa classroom. Kailangan ko pang hanapin si Grace kasi sabay kaming kakain ng tanghalian. Napatigil ako saglit nang biglang tumunog ang iPhone 10 ko. Oo advance ako kasi tong cellphone ko de antena pa! Namumukod tangi ito sa academy. Kasi itong cellphone ko ay may sungay sa gilid. Pwede na panaksak sa mga kaklase kong panay lait sa kapangitan ko raw! Hay naku sakit nila sa bangs ng kambing!
Nilabas ko ang cellphone kong dalawang keypad nalang ang natira. As in OK, saka CANCELL BUTTON na lang talaga ang natirang keypad. Wag ka pamana pa to ng lola ko bago siya namatay.
Tiningnan ko ang nagtext, mabuti naman at nagparamdam ang gaga!
Sender: Grace
"Pren, di ako makasabay ng kain sayo ngayon. Detention ako."
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Ano naman kayang kahayupan ang ginawa niya? Bahala siya. Di na ako nag abalang mag reply sayang lang sa load. Nagpa-unli ako hindi para sa kaadikan niya!
Nagpalinga linga ako sa paligid ko. Ngayon ko lang talaga na realize na ang laki pala talaga ng skwelahang ito. Uniform ang color sa bawat building na white saka green. Ang tataas ng mga building na nakapalibot sa pabilog na soccer field. Napangiti ako ang swerte ko at nakapasok ako dito eh sa pangmayaman tong school na to, eh kahit na hindi naman ako katalinuhan. Siguro nga, swerte swertehan lang talaga ang buhay.
Dinala ako ng mga paa ko sa pinakadulo ng academy, saka ako lumiko ng pakanan. Wala na masyadong estudyante dito kasi medyo malayo layo na ako sa likod ng academy pero napakaganda pa rin dito kasi alagang alaga ng mga janitor ang lahat ng sakop ng paaralan.
May nakita akong mga puno ng rambutan, ilang metro ang layo nito sa kinatayuan ko. Lumakad ako palapit doon. Napakapresko ng paligid at napakatahimik na tanging mga huni ng ibon lang ang bumubuhay dito.
Umupo ako sa lilim ng puno saka ko inilabas ang baon ko. Binuksan ko ito at gora naamoy ko ang masarap na pritong tuyo.
Matapos kong kumain naisipan kong magbasa ng libro na hiniram ko kay Tricksie, anak ni aleng Matit.
Hmm! Ang Lover Kong Aswang? Basa ko sa title ng libro. Mukhang maganda to ah! Nasa ikatlong chapter na ako nang biglang nakaramdam ako ng pagka-ihi! Pucha na naman! Bakit ngayon pa, eh wala naman kasing CR dito no? At isa pa malayo pa classroom namin! Pero naiihi na talaga ako eh. Dito nalang siguro ako sa likod ng puno na kinaroroonan ko, tutal wala namang tao dito, eh. Nagpalinga linga muna ako sa paligid at nang masiguro ko na walang tao saka ko binaba sa pwet ang suot ba palda.
"Waaah! Ayy!" Tili ko nang bigla may marinig akong kalabog mula sa likuran ko na para bang may malaking bato ang nahulog mula sa itaas ng puno. Agad kong hinila pabalik ang saya ko sabay lingon ora mismo sa kung ano man iyon.
"Ikaw na naman?" Nagulantang ako nang makita sa harap ko ngayon ang lalaking binato ko ng suman kanina sa kalsada. Nag init bigla ang dugo ko. Binobosohan niya ba ako habang tumutuwad ako?!
"Waaah! Bastos! Bastos ka!" Pinaghahampas ko siya ng kamay.
"Hey, stop!" panay naman ang ilag niya. "What are you doing witch?!"
"Huwag mo akong ma 'doing doing' na mukong ka ha? Anong ginagawa mo dito? Binobosohan mo ako no? Umamin ka!" akusa ko sa kaniya habang siya naman ay hindi makapaniwalang nanlikisik ang mga mata.
"Tuuulong! May manyak dito! Reeeep!" Sigaw ko. Bakit ba niya ako sinusundan? Lord repin ba ako nito? Wag naman sana.
" What?!" Puno ng pandidiri niyang tanong. "Are you insane? Stop shouting!" Ay? Bistmode si kuya. Nag freak out din kasi siya sa pagsigaw kong iyon.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Kulang na oang baliin niya ang mga ito! Pinilit kong makawala sa kanya pero madali niya akong pinaikot at ginapos ang katawan kong lupa sa kanyang mga bisig. Infernes ang tigas ng dibdib ni kuya. Ang bango pa! Maskmal nga to minsan! Chos! Ano? Joke lang! Wag seryosohin! Magagalit si mama Mary nito sa akin! Erase erase!
" Ano ba?" pumiglas ko. "Bitiwan mo nga ak sjfkfkodjdjj!"di ko natuloy ang sinabi ko nang bigla niyang tinakpan ang aking bibig. Pilit kong kinuha ang kamay niya sa bibig ko pero di ko magawa kasi ang lakas niya. Unti unti niya akong inikot paharap sa kanya at dahil nga nagpupumiglas ako na out of balance kami pareho. At gaya nga sa nangyari kay Liza Soberano at Enrique Hill natumba kami sa lupa at heto siya ngayon nakadagan sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga at nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. Infernes cute din pala tong si kuya! Wait bakit ko ba to pinupuri eh nasa b****a na nga ako ng kapahamakan. Gahasain nga talaga niya ako!
Tinulak ko siya ng pagkalakas lakas dahilan para mapaupo siya. Dali-dali akong tumayo.
"Walangya ka. Ikaw tong bigla bigla na lang sumulpot sa kalagitnaan ng pagtuwad ko, tapos ako pa ang sabihan mong "insane"? Don't English me nga! Nasa Pilipinas tayo! Nandito ka para i rep ako no?
"What? Di kita maintindihan. Anong rep?" hingal kabayo na tanong niya.
"Rep, ba! g****a! Panay english ka tapos di mo alam English ng g****a! Adik lang?"
"Excuse me it's r**e! ?Not rep." Kapagkuway tumawa siya ng kaunti. " So you think l'm gonna r**e you?" Di makapaniwalang tanong ngunit unti-unting bumaba ang tingin niya mula ulo ko hanggang paa wari banh kinikilatis niya ang kabuuan ko. "Funny! Come on! You're not even my type! You are so ugly! " aliw na wika niya sa gitna ng kaniyang pagtawa. Aba nang in sulto pa tong letseng to ah!
"Bakit ka nandito? Bakit pinalo palo mo ako dito, aber?" Taas kilay kong tanong? Pahiya ako ng kunti sa pag aakalang rapin niya ako.
"Sorry? Im not following you! I came here first and lm sleeping up in that branch!" Tinuro niya ang malaking sanga sa itaas." Then l saw you doing some kind of s**t and then l fell!" Napanganga ako hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa wala akong naintindihan sa sinabi niya. Slang naman kasi ang pagka english at tunog western ang accent niya! Kung si Aling Junesiya sana kaenglishan ko abay magkasundo kami! He he l need interpreter.
"K!" Tanging sabi ko. Eh sa wala naman akong naintindihan eh ano naman ang sasabihin ko? " You what? Sleep in that tree? Are you urranggutang? Unggoy? Bakulaw? Kingkong ikaw ba yan?" tanong ko na lang.
"Stupid. Ako? Sa gwapo kong ito? Mas maputi pa nga tong puwet ko kesa diyan sa mukha mo!"
" Halleluya!" tili ko. Marunong ka palang magtagalog, eh pinahirapan mo pa ako."
Hmm! Yabang! Urrrgh gwapo ka sana kaso sama ng ugali.
"Buti naman di mo na ako pinahirapang hanapin ka. Baka nakalimutan mo na may atraso ka pa sa akin?" Kapagkuway sabi niya." You broke my car."
"You broke may suman. Kaya patas lang tayo. Ulol!"
"Baka di mo alam kung sino ako?" Hm? Buang naman siguro ito? Ngayon ko nga siya nakita tapos tatanungin niya ako kung kilala ko siya? Adik much?
"Ako lang naman si Nick Alexander Morgan na anak ng may-ari sa academing ito and if im not wrong dito ka nag aaral. Right? Kayang kaya kitang ipatapon sa labas ng school na ito." Nakangisi niyang sabi.
Ako? Kung pwede lang sidlan ng eroplano ang bibig ko siguro malamon ko nang buo dahil sa laki ng nganga ko. Ano daw? Sila ang may ari ng paaralan ito? Lord akala ko ba grasya tong pinapasukan ko , disgrasya pala!
"Weh, joke yan?" panigurado ko.
"No!"
"Ahh.. Ehh di congrats! Mayaman kayo!" Utal kong sabi.
"Alam kong wala kang tatlong milyon para ipaayos ang sasakyan ko kasi sa itsura mong yan halatang poor ka. I wonder kung bakit ka nakapasok dito?" Sabi niya. Napalunok ako." You have three choices. So choose. Y'all pay my car, leave this school or ...." May pasuspense niyang putol.
" Ano?" Nginig kong tanong. No! Ayaw kong masira ang future ko dahil lang dito. Paano na si nanay at si tatay? Yung scholarship ko?
"What do you want?" Ay! Na straight bigla ang english ko dahil sa takot at kaba. Nakangisi siyang lumapit sa akin saka bumulong.
"BE MY TOY!"