"Ihinto mo ang sasakyan! Ibaba mo ako dito! Hindi ako sasama sa yo! Ano ba?" Hotel siya diyan. Adik lang te? Sinira niya talaga ang unang araw ko sa klase para ayain lang akong mag motel? Wadapak tong abnoy na to. Kaloka!
"Can you zip up your mouth? Your frogy voice is so f*****g irritating!" sa halip ay tugon niya. Nakita ko ang pagkabanas niya sa akin. Aba! Siya pa talaga tong may ganang magalit? Kung tutuusin ako ang biktima rito!
"Buset ka! Kung wala kang magawa sa buhay mo, edi dakpin mo yang utot mo at amoyin mo! Wag ka ng mandamay ng ibang tao! Namurwesyo ka na!" Angil ko! Please lang di na talaga ako makapag pigil pa. Kung may baril lang siguro akong dala ngayon siguro kanina ko na itong napatay. Na stress na talaga tong buhok ko sa kilikili dahil sa talipandas na to.
"Whatever!" Inirapan niya lang ako ng mata saka muling itinuon ang sarili sa pagmamaneho. Langya talaga to! Eh, bakit pa ba kasi ipinanganak pa tong ugok na to. At sa kamalas malasan pinagtagpo pa ang aming mga landas! Kasira ng araw!
"Sige pag di mo ako ibaba, tatae talaga ako dito sa loob ng sasakyan mo." Pananakot ko sa kaniya. If ever man na hindi pa rin siya papayag sa gusto ko, talagang tatae ako dito! "Ano? Akala mo nagbibiro ako? Tatae hsjdhdkdhdkdjs! Punyeta! Aray!" tili ko habang sapo sapo ang aking ilong.
Ouchness! Nabagok ang pango kong ilong sa unahang upoan ng sasakyan, kasi naman, eh bigla niyang hininto ang kotse niya. Kaloka wala man lang signal para makapaghanda ako.
Urrrgh! May araw ka din sa aking litsugas ka. Sarap niyang sabunutan.
"Then get out!" sigaw at utos niya sa akin.
Pinanlilisikan ko siya ng aking mga mata. "Sarap mong sampalin ng itak!"
"As if naman kaya mo!" Banat niya saka muling nagwika, "Ano nganga ka pa diyan baka gusto mong ako mismo ang magtapon sayo palabas? Labas na!" taboy niya sa akin. Aba siya pa talaga tong may ganang sumigaw samantalang siya tong panggulo sa buhay ko? Hayop talaga tong gunggong na to eh. Napaka ungentleman. Pero duh, ano pa nga bang maasaahan ko dito sa demonyong to.
Dali dali kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya saka lumabas. Bigla naman niyang pinaharurot ang kotse at iniwan akong nakatayo sa gitna ng kalsada. Puro pasakit ng ulo na lang talaga pinagagawa niya sa akin. Ang bastos pa!
"Magkabuni ka sana sa betlog mo! Walangya ka! Wag ka nang magpakita sa aking hayop ka di kita kailangan!" Urrgh! Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis."Balang araw makikita mo ang bagsik ng paghihiganti ko! May araw ka ring hayop ka!" Di ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko sa sobrang galit.
"Ay santisima!"Napatalon ako sa sobrang gulat nang bigla na lang may asong tumahol sa likuran ko. Langya! Parang nilayasan ata ako ng kaluluwa sa sobrang gulat no? Kaloka panira ng moment! Eh sa nag emote pa ako. Dahan dahan kong nilingon ang aso at Madam Charo tulong! Eh sino bang di manginig? May aso sa harapan ko at nakangisi pa na as if friends kami! Ang katawan ng hayop ay mas malaki pa sa katawang lupa ko!
Nangatog bigla ang tuhod ko. Takot ako sa aso. Eh ano pa kaya sa aso na yan na nakangisi at nakatitig sa akin wari bang sarap na sarap sa akin. Maling galaw ko lang ay wala na, matigok na ako rito.
" Cheh! Shuuh! Huhuhu!" Nginig na tinig kong binugaw ang mabangis na aso. Jusme! Sa halip na tatakbo ang aso ay mas lalo pa itong nagalit. Dumoble pa ang pagngisi nito wari bang handang handa na itong lumapa. Parang nanigas ako sa kinatayuan ko.
"Diyan ka lang! Huwag kang lumapit!"
Hindi ako gumalaw habang patuloy pa rin sa pag grrr ang aso habang tinitingnan ako ng masama. Nakita ko ang sasakyan ng demonyo na umikot pabalik, patungo sa kinaroroonan ko, saka huminto mga ilang dipa ang layo mula sa kinatayuan ko. Dumungaw siya sa bintana na parang aso ring nakangisi. Langya! Parang happy pa siya sa nakitang kinalalagyan ko, samantalang ako nasambit ko na lahat ng santo papa dahil sa takot! Litse di ba niya ako tutulungan?
"Kumag!" Puno ng pagkukumbaba kong pagtawag sa kaniya. "Please lang maawa ka, ayaw ko pang mamatay na virgin! Pasakay uli ng kotse mo. Promise tatahimik na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan ko munang lunukin tong pride ko, ang mahalaga makaligtas ako sa asong ito.
Agad na nakita ko ang ngising nakakaloko mula sa kaniyang mga labi. Sa ginawa niyang iyon wari bang nabagsakan ako ng langit! Hindi niya ba ako tutulungan? Hahayaan niya ba akong malapa rito?
"Sabihin mo munang kailangan mo ako. Sabihin mong di mo kaya pag wala ako." Panggagaya niya kay Sarrah Geronimo sa It takes a man and a woman na line, na naka pout. Kainis! See? Litsugas talaga. Hindi niya ba nakikitang halos mahimatay na ako rito? May gana pa talaga siyang mag joke sa kalagayan ko ngayon?
"Ayoko!" sagot ko. Kadiri lang. Bwisit talaga tong hayop na to. Eh kung tulungan na lang niya kaya ako?
"Okay fine! Madali akong kausap." Lawak ng ngiti niya. Kumindat siya sa akin saka niya bahagyang iniatras ang sasakyan palayos sa akin. Wala sa sariling napalingon ako sa aso na ngayon ay unti unti nang lumapit sa akin.
"Oo na!" Pagsuko ko. "Oo na! Kailangan kita Nick! Di ako mabubuhay pag wala ka!" Tili ko. Eh, sa natakot na talaga ako. Kung mamatay ako, hindi sa paraaang ganito!
Ang lapad ng ngiti ni Nick na para bang nanalo sa lotto pagkatapos sabihin ko ang huling binitawang pakikiusap. May gana pa talaga siyang paglaruan ako. Di ba niya nakita na parang namuti na ako sa sobrang takot at kaba tapos, pagtawanan niya lang ako? Wala ba talaga aiyang puso upang makiramdam sa nararamdaman ko?
"Sexy dance ka muna." Painosente niyang sabi kapagkuway humalakhak.
Langya!
"A-ano?" Pagkumpirma ko.
"Sexy dance! Bingi!"
Eh sa di ako marunong sumayaw eh! Sexy dance pa kaya?! Eh, mas malala pa siguro ako sa uod na inasinan kapag gagawin ko ang iniutos niya.
"Di ako marunong sumayaw!"
"Eh di aalis ako."
Pesteng buhay to. Tagaktak na ang mga pawis ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Iniisip ko lang talaga ang kaligtasan ko.
Nagsimula akong gumiling. Ginaya ko ang dance move na para bang nag sphagetting pababa at pataas! Nilunok ko ang aking kahihiyan. Hindi ko akalaing makasayaw ako sa tanang buhay ko at ang mas malala pa sa harapan pa mismo ng lalaking kinamumuhian ko! Iniwasan kong tumingin sa direksyon niya. Eh, sa nahihiya ako para sa sarili ko. Nakakarindi ang tawa niyang pumupuno sa tahimik na lugar na kinaroroonan namin. Di pa ako sumayaw sa tanang buhay ko. Kung may choice lang sana ako.
"Isa pa!" Pigil hininga niyang tawa sabay labas ng cellphone niya saka ako kinunan ng video. "Magviral ito!"
"Peste ka itigil mo yan!" Sa nakakahiya talaga, eh. Paano kung ikalat niya yan, abnormal pa naman yang kumag na yan. Ayun nga gumiling ng gumuling pa ako habang patuloy pa rin si kumag sa pag tawa.
"Ayun naman pala, eh! Tss! Sakay na." sa huli ay sabi niya.
"Eh kung buksan mo kaya yang sasakyan?" pagmamaldita ko. Ano bang alam ko paano yan mabuksan?
"Ano ka sinuswerte?" pagmamaldito rin niya. "Hindi ka sa loob sasakay. Hindi ba ayaw mong sasakay kanina?" Tawa pa rin siya nang tawa dahil sa kagaguhan niyang ginawa sa akin. Pagtawanan mo ako ngayon may araw ka rin.
"Eh saan?" naguguluhan kong tanong.
"Diyan ka lang sa labas. Aangkas ka sa unahan ng kotse ko o di ba kaya pwedi din sa taas ng bubongan." Nakangisi niyang sabi.
Anak ng tipaklong! May ikakatindi pa ba ang sapak sa utak ng lalaking ito?
"Mag enjoy ka ngayon hinayupak ka. Sa susunod paglaruan din kita!"
"Dami pang satsat! Baka iwanan na talaga kita dito!"
Ako na siguro ang pinakaunang tao na sumakay sa itaas ng bubong ng kotse. Kung may makakita man sa akin, ewan ko na lang kung ano ang iisipin nila. Kaloka pwede ng pang world record. Pakyu talaga ang lalaki na ito.
Unti-unti akong humakbang paakyat sa unahang parte ng sasakyan niya. Litse nahulog pa yung doll shoes ko pero bahala na bibili na lang ako ng bago.
Biglang bumusina ang kotse niya, dahilan para tumakbo ang aso. Wait! Gan'on ganun lang iyon? Tang inang aso yun ah!
Pinaharurot na ni Nick ang sasakyan pabalik sa dinaanan niya kanina. Ako? Ito, parang sira na pinako sa krus na nakadipa pasubsob kasi nga nakahawak ang kaliwang kamay ko sa gilid ng sasakyan at ang kanan ko naman ay nakakapit ng mariin sa kabilang gilid. Eh, sa maling galaw ko lang paniguradong mahulog ako at pigsat pag nagkataon. Gusto ko pang mabuhay no! Eh, maghihiganti pa ako. Sobrang lagkit ng pawis ko. Eh sa nangangalay na rin ako.
Naramdaman siguro ng siraulo na sobrang nahihirapan na ako rito kaya hininto niya ang sasakyan saka niya ako pinasakay sa loob. Langya! Ugh! Bwisit talaga siya! Siya na ang pinaka sumpa sumpang nilalang sa lahat.
"Bakit ang sama mo?" Asik na tanong ko sa kanya. Eh kasi sobra sobra na tong parusa niya sa akin.
"Ako pa talaga ang tinanong mo niyan? Eh ikaw bakit ang sama ng pagmumukha mo?" Bato niya sa akin pabalik. Jusko po gusto ko na talaga tong sakalin para malagutan na to ng hininga.
"Oh heto piso! Bumili ka ng kausap mo! Bwisit ka sa buhay ko!"
Tinanggap niya yung piso na iniabot ko sa kanya, saka bumunot siya ng singko mula sa bulsa niya at iniabot din sa akin.
"Oh heto singko, alkansiyahin mo para may pang opera ka diyan sa kapangitan mo at pagiging flat chested mo!" Bastos talaga ng bunganga ng damuho! Aba'y real talk yun ah! Manyak! Ugh! Napahilamos ako sa aking mukha at piniling manahimik na lang. Useless din kasi tong kausapin kasi abnormal tong katabi ko. At sa ginawa niya sa akin kanina, hinding hindi ko siya mapapatawad!
"Huwag kang mag pout mukha kang daga." Hayop! Lahat ba talaga napapansin niya? Tumahimik na nga ako!Pinahirapan na niya ako at lahat lahat na ngayon naman ay laitin pa ako? Sige lang magpakasaya siya ngayon.
So ayun nga, kinagat ko nalang ang labi ko para di na nakabusangot ang mukha ko.
"Aba mas malala yan! Humagalpak siya ng tawa. "Mukha kang kalabaw na pinurga."
Ano ba talaga?! Lord, na istress na ako sa taong to. Patayin mo nalang kaya to? Kakaimbyerna ha? Bahala siya di ako umimik hanggang sa marating namin ang mall. Akala ko ba motel? Tss!
"Ano di ka bababa?" Tanong niya. Eh paano ako bababa eh sa wala nga akong sapin sa paa kasi nahulog kanina.
"Kakahiya. Wala akong doll shoes nahulog kanina." Sabi ko. Eh alangan namang papasok kami sa mall at naka paa lang ako. Shunga lang?
"Here! Wear this." sabay abot niya sa akin ng sapatos. Langya! Pasuotin ba naman niya ako ng school shoes niyang leather na itim! Ang awkward non ano?
Kahit bopols ako pero alam ko rin naman ang fashion, no? Eh sino bang baliw ang nakapalda tapos magsusuot ng panlalaking school shoes niya. Jusko end of the world na!
"Aanhin ko yan?"
"Try mong lamunin ng magkasapin ka sa paa."
"Ayoko! Ano ako baliw?" Litse siya!
"Wala kang choice kung kaladkarin kita . Ano isusuot o hindi? Uno!" Ma awtoridad niyang sabi.
Mahaba habang bangayan muna ang naganap, at siyempre bilang tarantado siya, siya ang nasunod. Kaya heto ako ngayon, suot ang tictac niyang leather shoes, habang naka above the knee length na palda naman ako.
Lahat yata ng mga taong nakapansin ay napatingin sa akin. Iyong iba nagbubulungan na halatang naguguluhan sa get up ko. Pag aakala siguro nila na ka hithit ako ng shabu kaya ganito ang porma ko ngayon. Buset! At si Nick? Katabi ko siyang naglalakad panay ang sipol. Alam kong sa kaloob looban niya ay pinagtatawanan niya ako.
"Ganyan na ba ang uso ngayon? Unique ang style niya!''
"Gaga! Anong cool, eh nagmarijuana yang loka lokang yan. Tingnan mo eh di naadik na."
Lumakad kami hanggang sa maabot namin ang entrance ng mall. Kinapkapan ng babaeng guard si kumag. Pagtingin ko sa guard, hala! Ayun nag star din ang mga mata. Jusme! Talandi nakakita ba naman ng gwapo este demonyo.
"Ingat ka maam. May dalang bomba yang babaeng nasa likuran ko." Bulong ni yabang sa guard.
Ano raw bomba? Langya talaga! Lagi talaga ako nitong ipahamak, eh. Aanhin ko naman ang bomba kuno? Sus!
Balang araw ipasungalngal ko kay kumag ang isang buong bomba, tingnan natin kong di yan matigok.
Kinapkapan din ako ng guard, pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong pinusasan. Buti walang nakakita kasi busy ang lahat pwera nalang iyong mga nakasunod sa akin.
"May bomba ka raw. Mabuti ilabas mo na, bago pa kita ipapapulis." Madiin na sabi ni guard. Napatingin ako sa direksyon ni yabang at kumindat lang siya sa akin. Kainis! At naniwala naman tong guard na to?
"Ano?!" di ko mapigilang hindi siya pagtaasan ng boses dahil sa inis. "I check mo kaya yang bag ko kung may bomba diyan?" Nakakinis eh. Langya. Bakit ba ang malas ko ngayon?
Ayun nga. Naloka si guard pag check niya sa bag ko. Eh sa halip na bomba ang makita niya, isang piraso ng baygon katol ang nailabas niya na binili ko kanina kila Aleng Matit. Ayun todo hingi siya ng sorry sa akin. Nang makakuha ng pagkakataon, kinurot ko nga si yabang. Pero langya tumawa lang ang gunggong!
Parang napako ako sa kinatayuan ko nang biglang hinawakan ni yabang ang kamay ko. Pilit kong binawi pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.
"Aarte ka pa? Ako na si Nick Alexander gwapo, hot, mayaman, tapos aarte ka? Common freak! Pagkataon mo na tong chansingin ako." Sabay pitik niya sa ilong ko at kumindat pa ang loko sa akin habang napakalapad na naman ng ngiti niya. Langya ang sakit ah! Pumutok siguro yung tigyawat ko dun.
"Gandang ganda ka na ba sa akin ngayon?" tanong ko sa kaniya na nang-uuyam.
"Wag kang feeling! Di ka maganda! Baka mawala ka, tanga ka pa naman." Di ko nalang siya pinansin. Eh, sa pagod na rin akong makipagsagutan sa mokong na to.
"Ay sobrang caring ni kuyang pogi oh! Tingnan niyo inalalayan pa talaga niya yung lola niya para di mawala." Dinig kong sabi ng sales lady sa jewelry station na nadaanan namin ni kumag. Di ko nalang pinansin iyon. Tutal napahiya na naman ako kanina at wala rin naman akong magawa, eh di go with the flow nalang. Itong si yabang naman, ang laki ng ngisi niya. Dasal ko lang ay mapunit yang labi niya! Sino bang may sabi na hawakan niya ako no?
Kaloka!
Pordyus naman! Kainis ah! Napagkamalan pa akong lola ng mokong nato!
Hanggang sa nakarating kami doon sa elevator. Bigla namang umurong ang mga paa ko, kasi nung unang sumakay ako diyan halos maluwa ko na lahat ng bituka ko sa sobrang hilo.
"Maghagdan na lang ako." Sabi ko kay kumag. Eh sa di ko carry diyan eh.
"No! "
"Ayoko nga sabi eh!"
Pero wala nga akong naggawa kasi, ayun binuhat ba naman niya ako papasok! Buset na buhay to.
"Just hold my hand." Di ko masyadong narinig ang sinabi ni yabang kasi biglang umakyat pataas ang kwarto nato at unti unti akong nahilo. Pero ang klaro lang sa pandinig ko ay yung huling sinabi niya.
"As my pet, you are mine alone."
A/N:
May nagbabasa ba?