Nakita ko siyang umupo sa dalampasigan paharap sa dagat. Medyo makulimlim ang panahon kasi natatabunan ng makapal na mapuputing ulap ang kalangitan. Wag mo akong takbuhan Drake kasi ikaw na yung pinili ko. Marahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Isinubsob ko ang ulo ko sa malapad niyang likod dahilan para maramdaman ko ang pagpintig ng puso niya. Napabuntong hininga siya saka nagsalita. "Bumalik na pala siya."Mapait na sabi niya. Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo. Sa halip na sagutin ang sinabi niya ay pinili ko na lamang na tumahimik. "Sorry di ko sinasadyang." Naputol ako sa pagsasalita. "Pssst! Dont be sorry Cassandra. Naintindihan ko." Napatingin ako sa mukha niya. Ang lungkot niya. Im so sorry Drake na saktan ka. "Kung mahal mo pa siya Cassandra bakit di mo

