"Basta promise besh , kahit anong mangyari di mo ako kalilimutan ha. Ma mi miss kita. Ingat ka lagi dito. Promise gagawa ako ng f*******: account para kahit papaano maka contact pa rin ako sayo. Ingat ka dito ha. Ma mimiss kita besh." Sabi ni Grace sa akin habang ipinasok sa maleta niya yung pinakahuling damit niya. Pinilit niyang ngumiti pero alam kong pinipigilan lang naman niya yung mga luha niyang nagbabadyang tumagaktak. Aaminin ko mamiss ko rin ang bruhang to. Pero ganun talaga ang buhay di mo alam kong anong mangyayari sa mga susunod na araw. "Gaga! Ikaw nga yung dapat mag ingat bruha ka. Kasi London yun eh. Ma miss din kita. Promise mo ha pag uwi mo dapat maganda ka na. Dapat may porendyer ka ng ipakilala sa akin ha." Ako man din ay nalulungkot sa biglaang pag alis niya. Oo iiwan

