••• C h a p t e r [ 50.1 ] Tiffany Alonozo Suarez “Where am I?” nanghihina na tanong ni Nathalia nang imulat niya ang kanyang mga mata. Agad kong ibinaba ang inumin na hawak-hawak ko at mabilis na lumapit sa kinahihigaan niya. “Oh, baby. You’re awake. Thank God!” Hinaplos ko ang noo niya, niyakap at hinalikan ang kamay niya. “Mommy? Nasaan po ako? Ano po itong mga nakakabit sa kamay ko?” “You’re in the hospital, baby. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo? Gusto mo ba tumawag ako ng doctor?” Umiling siya sa akin bilang sagot. “No need, mommy. I just felt so tired and sleepy. I want more sleep.” Mabilis nabaling ang tingin namin ni Nathalia sa pintuan nang pumasok si Klaus. Kasunod niya sa kanyang likuran si Ghost at si Nyx. Seryoso at parang nagliliyab sa galit

