••• C h a p t e r [ 50.2 ] Tiffany Alonozo Suarez Matapos ang mga nangyari sa amin ni Klaus kanina sa labas ng hospital ay nagtungo muli kami sa silid ni Nathalia. Humingi siya ng tawad sa lahat ng nagawa at nasabi niya at agad naman siyang pinatawad ng anak namin. Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa. Masaya silang nagkwekwentuhan habang pinapakain siya ni Klaus ng hapunan. Pumunta rin ang doktor dito kanina para ipaalam sa amin na ang lahat ng test na ginagawa nila kay Nathalia ay normal at walang problema. Nakahinga ako ng maluwag at wala talagang nangyaring masama sa kanya. Sinabi rin niya na kung ayaw naming magpalipas ng gabi rito sa hospital ay pwede na naming iuwi si Nathalia and we decided to take her home para mas komportable ang pahinga niya. Maayos na rin ang la

