Isang kilometro na ang nalalakbay namin papasok ng Garon Forest. Bawat sulok nito ay tila nababalot ng hiwaga. Mataas ang tirik ng araw nang magpasya kaming tahakin ang kagubatang binabalot ng misteryo at lagim ngunit parang ngayo'y gabi na dahil sa kapal ng dahon mula sa matatandang puno na humarang sa sinag ng haring araw. Tanging mga alulong ng lobo, tunog ng kulisap, mga insekto, mga mabangis na ibon at iba pang hayop ang maririnig. Sa gitna ng katahimikan ay umagaw ng atensyon ang tili ni Amber. "Ouccchhh!!!" "Amber?!" Magkasabay naming turan ni Silex. "Nakaapak lang ako ng something hard. Medyo nahurt yung paa ko but I'm fine!" Amber redeemed herself habang hirap na hirap sa pagbuhat ng maleta. "Nagdala ka pa kasi ng maleta. Hindi tayo nagbabakasyon o kaya magsiswimming sa beach!

