AMBER "Expergiscimini!" Yun ang una kong narinig. Tila binuhusan ng malamig na yelo ang mukha ko. Gosh. Sino ba namang gagawa nun? "Amber, Silex... gising!" Teka teka... boses yun ni Mistress Fhaun? Huwaaat? Oh gosh! Mistress Fhaun is in Garon! "Amber!" Galit nang sabi ni Fhaun. Muntik na akong napakurap ako ng di oras. Akala ko natutulog lang ako ng mahimbing sa kama ko. Naalala ko nasilaw pala kami ni Silex sa mga pulang mata ng lobo... tapos... hindi na kami makagalaw... tapos nakatulog na ako at hindi ko na alam ang mga nangyari. Pinakamahimbing na tulog ko yun tas parang pinakamalalang bangungot ang paggising ko kasi ang pinakakinatatakutang preceptor ang gumising saakin sa pinakakinatatakutang forest! Lahat nakakatakot! Wala akong nagawa. Gusto ko mang magkunwaring tulog hanggat

