CHAPTER 12

1553 Words

"Inay! Mag-usap naman ho tayo. Buksan niyo po ang pinto. Itay! Sarah! Jerome! Nina!" nagmamakaawa kong sigaw sa kanila habang nasa labas ako ng bahay at mahinang kinakalampag ang nakasira dong pintuan. Kanina pa ko hindi pinapasok ni Inay simula noong umuwi kami galing sa koprahan. Palagi niyang sinasabi na sumama na ako kay Gabriel sa mansyon pero hindi ako pumayag. Ayokong iwan ang mga kapatid ko. Kailangan pa nila ako. "Esperanza," tawag sa akin ni Gabriel na kanina pa naghihintay sa akin. Hindi siya umalis simula noong pumunta siya rito kanina. Hinawakan pa niya ang kamay ko upang patigilin sa ginagawa ko pero mahina ko lang tinabig ang kamay niya. "Inay ayoko po roon," lumuluha ko pa ring sambit. "Anak, dumidilim na. Sumama ka na lang muna kay Gabriel. Kakausapin ko ang inay mo,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD