EPILOGUE After six freaking years..... "Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ng kasambahay nang makitang pilit na inaabot ng alaga niya ang bowl na may lamang iba't-ibang candies. Sa gulat nito ay napababa ito agad sa pinagtungtungang upuan at nagmamadaling tumakbo palabas ng kusina. Hindi pa ito nagtatagal na lumabas nang makarinig na siya ng tunog ng nabasag na kung ano. Nakaramdam agad ito ng kaba at nagmamadaling pinuntahan ang pinagmulan ng tunog. Natagpuan niya ang kambal sa sala at pinapanuod ang nabasag na vase. Nanlaki ang mga mata nito at agad na dinaluhan ang dalawa. Hindi niya matukoy kung sino ang nakita niyang pumupuslit ng candy kanina dahil magkamukhang magkamukha ang dalawa. Halos dalawang buwan na siyang nag-aalaga sa kambal pero hanggang ngayon ay hindi pa niya kayang tu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


