Valeen's POV "You like it?" Tanong ni Dave nang napagsolo na kami. Nagdinner lang kami lahat at nagkwentuhan saglit pagkatapos ay umuwi na rin sila. Nandito kami ngayon ni Dave sa sofa at nanonood ng TV. Naka-upo ako sa kandungan niya at nakayakap naman ang mga braso niya sa beywang ko. Tumango ako pero nanatili pa rin ang titig sa singsing na binigay niya sa akin. "Hindi ko akalaing may singsing pala sa loob ng bracelet ko..." Narinig ko siyang tumawa bago dinampian ng halik ang aking mga labi. Kunot noong tinignan ko siya. "So, alam din nila Sam na magpo-propose ka ngayon?" tanong ko. Unti unti siyang ngumiti bago tumango. Tumaas ang kilay ko at sumimangot. "Pero ako sana 'yung magso-sorpresa sa'yo!" maktol ko. "Bakit di mo sinabi?" nanliit ang mga mata ko. Tumaas naman ang kilay n

