Valeen's POV Last day na ng finals at super excited ako nang ini-announce ng class president ng section namin na magkakaroon daw ng outing ang aming section somewhere in Laguna sa darating na Sunday. Friday ngayon at may isang araw ako para magpaalam kina Sir Mavy. Sasama sina Sam, Sandy at Jam at sinabi ko sa kanilang hindi pa ako sigurado at kailangan ko pang magpaalam. "Sumama ka, ha, Valeen? Naku, hindi na ako sasama kung may isang hindi sasama sainyo!" pagmamaktol ni Sandy. Nanlaki ang mga mata ko. Paano nga kung hindi ako payagan, edi madadamay ko pa sila. Siguradong hindi ako matatahimik sa sembreak pag nagkataon! Umiling ako. "Hindi naman pwede yun. Alam nyo namang nakikitira lang ako sa kanila kaya kargo nila kung may mangyayaring masama sa'kin. Kaya kung anuman yung mapagdesis

