Valeen's POV Nang dumating ang examination week para sa finals ay handang handa na ako. Kagabi ay magkasama kaming nagreview ni Dave. Hindi ko nga lang alam kung nakapag-aral ba siyang mabuti dahil wala siyang ginawa kundi manitig at mangulit. Nilingon ko siya na ang tingin ay nakatuon sa daan. Nilinga niya ako nang mapansin ang titig ko. Ngumiti ako sakanya. "Nakapag-aral ka bang mabuti para sa exams?" tanong ko. "No." agad na sagot naman niya at ngumuso. Kumunot ang noo ko at napatingin sa'kanya. "E bakit parang galit ka?" tanong ko. Lalo siyang ngumuso at nanliit ang mga matang nilinga ako. "I was so distructed last night," sagot nito na ikinatawa ko. Kumunot naman ang noo niya at pasulyap sulyap sa akin at sa daan. "I knew it! Sinadya mo 'yun," "Hoy, ikaw ang nagsabing sabay tayo

