(JEFF LUWES POV) "Dude!" pagtawag sa akin ni Cobe habang papasok ako sa loob ng bar nito. "What news?" I asked. Ngunit isang ngisi lamang ang isinagot ni Cobe sa akin. Kaya naman asar akong tumingin dito. "Huwag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon ay wala kapa ring nalalaman tungkol kay Bettina? At kung saan ito naglalagi kasama ang lalaki niya!" asar na turan ko sa aking kaibigan. "Relax ka lang Dude, masyado mainit ang ulo mo," anas nito sa akin. Ako naman ay lalong nag-iba ang timpla ng mukha. Kaya marahas akong napabuntong hininga. "Halos isang taon na Cobe. Pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin balita kung na saan ang si Bettina at ang kanyang kabit!" singhal ko sa aking kaibigan. "Ano'ng magagawa ko, eh, si Bettina na mismo ang ayaw magpakita. Huwag kang mag-alala may dal

