GAYUMA 48

1269 Words

Kinabukasan maaga na naman akong nagising. Hindi naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Dahil siguro wala si Jeff sa aking tabi. "Bettina! Natutulog ka pa?!" narinig kong tanong sa akin ni Manang sa labas ng pinto ng silid namin ni Jeff. "Gising naman po ako Manang!" sagot ko at pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para buksan ang pinto. "May kailangan po ba kayo sa akin, Manang?" tanong ko sa matanda. "Ako'y aalis muna para pumunta sa palengke. Sandali lamang ako roon. Maiiwan muna kita rito Bettina, ayos lang ba sa 'yo?" tanong niya sa akin. "Opo, ayos lamang po ako huwag po ninyo akong alalahanin hindi po ako lalabas ng bahay," sagot ko. "Siya sige, ako'y aalis na," paalam nito sa akin. Kaya tumango ako rito. Nagbalak din ako lumabas para pumunta sa kusina at uminom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD