Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi kasi ako makatulog. Kapag ipipikit ko ang aking mga mata ay ang mukha ni Jeff ang aking nakikita. Namimis ko na agad ito kahit isang gabi ko pa lang ito na hindi ko katabi sa kama. Kaya naman nagdesisyon akong bumaba na lamang at maglakad-lakad sa harden. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay nakita ko na agad si Fellyn na papasok sa kabahayan. Ang nakakainis pa'y mayroon itong dala-dalang maleta. Bigla tuloy akong kinutuban sa balak ng babaeng ito. Kaya agad ko itong sinalubong para sitahin. "Ano'ng ginagawa mo na naman dito?!" singhal ko sa babae. "Inutusan kasi ako ni Jeff na rito muna magtigil habang wala siya," nakangising sagot nito sa akin. Tumaas tuloy ang kilay ko sa sinabi. "Ohhh! Tamang-tama ang punta mo rito. Wala kasing katul

