(FELLY POV) Parang gusto kong pumatay dahil hindi ko matanggap na buhay pa si Bettina. Hayop may sa pusa yata ang pesteng babae? "Ma'am, may ipag-uutos po ba kayo?" tanong ng lalaking dumating at naupo sa bakanting silya. "Mga gago kayo! Ang laki ng ibinayad ko sa iyo. Tapos malalaman ko na buhay si Bettina!" sigaw ko rito. "Paano po nangyari iyon? Eh, bago kami umalis sa bahay na iyon ay tupok na tupok na ng apoy ang bahay na iyon, Maam," anas ng lalaki at hindi makapaniwala. "Gago! Kung natupok ng apoy bakit buhay na buhay si Bettina! At nagpakita kay Jeff! Hayop naman, oh!" sigaw ko rito. "Patawad po Ma'am. Huwag po kayong mag-alala hahanapin namin si Bettina," nakatungong saad nito. "Aba! Dapat lang. Ang laki ng ibinayad ko sa inyo! Tapos palpak naman pala kayo! Hmmmm! Mas magan

