Sa mahabang oras namin sa biyahe ay nakarating din kami sa aming patutunguhan. Isang simpleng bahay at napapalibutan ng mga puno. Kay sarap tumira sa ganitong bahay. Agad kaming niyaya ni Jeff papasok sa loob ng bahay. Napag-alam kong bagong bili lang niya. At kapag gusto raw nito ng maayos at maaliwalas na paligid ay rito siya pumupunta. Hindi raw ito alam ni Fellyn kaya safe raw kami rito, habang naghahanap pa ng mga ebidensya ang kaibigan ni Jeff na si Cobe. Para tuluyan itong makulong. Dalawang silid ang mayroon sa bahay na ito. At doon si lola Asyang. Agad kong inihiga si baby Jax sa kama. Lumapit naman si Jeff sa anak namin upang i-check ito. Iba talaga kapag doctor ang asawa. Kahit noong nasa hospital kami ay panay ang check nito sa aming anak upang masigurong ayos na nga ang la

