"Bettina maupo ka nga muna. Ako ang nahihilo sa 'yong palakad-lakad," pagpuna sa akin ni lola. "Kasi po lola, kinakabahan ako. Paano kung kasama ni Jeff si Fellyn. Oh! Kaya ay si Fellyn ang papuntahin dito?" nag-aalalang saad ko. "Ipagdasal natin na si Jeff lang ang pumunta rito. I-relax mo lang ang iyong isipan. Huwag mong hayaang tangayin ka ng takot sa iyong puso," pagbibigay nito ng lakas ng loob sa akin. "Maraming salamt po lola. Sa lahat ng tulong ninyo sa amin ng anak ko," saad ko. Mabuti na lang at naisipan kong tawagan si Jeff at nagkaroon ako nang lakas ng loob upang kausapin ito. Hindi ko lubos akalain na tatanungin agad nito kung nasaan ako. Kaya heto ako ngayon sobra ang kabog ng dibdib. Habang hinihintay ang pagdating ng asawa ko. Sinabi rin ni lola Asyang natutulungan

